Kabanata 22

1161 Words
Hirap na hirap sa pagbaba sa bangin sina Kapitan Tiyago, kasama ang isa pang lalaki na ka-partner niya. Idagdag pa na madilim at napapatapak sila sa matinik bagin o kaya ay sa mga nakausling bato kaya naman ilang beses din sila na natumba at nagpagulong-gulong pababa. Pero ingat na ingat pa rin sila na makalikha ng malakas na ingay dahil baka nasa tabi-tabi pa ang mga bandidong sumalakay kina kapitan Rab. Ilang tumba at ilang pagulong-gulong pa ang naranasan nila hanggang sa marating na nila ang ilalim ng bangin na iyon na ang nilalaman ay mga nagtataasang kahoy. "Kapitan ingat!" napalakas ang bulalas na wika ng kanyang kasamahan. Muntik tuloy niya itong mabatukan dahil sa ingay nito baka mapahamak pa sila. "Sabing wag kang maingay! Gusto mo bang mapahamak tayo huh!" singhal niya dito. Pero agad siya nitong hinawakan sa kamay. Iwawaksi sana niya iyon pero napansin niya na may itinuturo ito sa may unahan at gano'n na lamang ang kanyang pagkagulat dahil isa iyong malaking ahas. Ilang hakbang na lamang pala niya ay matatapakan na niya mabuti at matalas ang mata naka makasama dahil kahit na hindi halos natatamaan ang sinag ng buwan sa kina nilalakaran nila ay napansin pa rin ito iyon. "May malaking ahas kapitan, hindi nyo ba napansin tumatawid kaya hintayin na lamang natin makalampas." wika ng kanyang kasamahan, Nahiya tuloy siya dito muntik pa niya itong masaktan. Iyon pala ay iniligtas lamang siya nito sa tiyak na kapahamakan. Katulad din kanina bago sila umalis sa Sitio naging mapanghusga siya dahil talagang pinili niya iyong mga may mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Pero iyon pala ay wala naman sa kanyang mga kasamahan ang traidor. Tumingin lamang siya sa panlabas na anyo pero hindi man lamang niya inalam ang buong pagkatao muna ng mga ito. Minsan talaga hindi dapat bumase lamang sa panlabas na anyo. Ika nga hindi lahat ng maputi ay malinis at hindi lahat ng maitim ay madumi. Nagkamali siya sa kanyang mga kasamahan na pinili niya, hinusgahan agad niya ang mga ito kaya naman kapag makauwi sila nang ligtas, hihingi siya ng tawad sa mga ito. "Oo, n-nakita ko na. Salamat, kapag nakalampas na ang ahas na iyan tutuloy na tayo kailangang bago magliwanag mahanap na natin ang anak ko," wika na lamang niya dito. "Wag kang mag-alala Kapitan siguradong mahahanap na natin ang iyong anak bago magbukang-liwayway," wika nito. Nang makalagpas na ang ahas tsaka sila nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa rin siya pumayag na gumamit ng flashlight kaya nangangapa talaga sila sa dilim nakikiramdam na lamang sila sa paligid. Kanina sa taas napansin niya ang bakas ng mga paa ng kanyang anak at natitiyak niya na dito mismo ito nahulog kaya naman doon sa mismong tapat na gubat na pinaghulugan nito sila patungo. Nang marating nila ang lugar sinabi niya sa kanyang kasama na maghiwalay silang dalawa. Doon siya sa mismong tapat at ito naman ay nagtungo sa may bandang kaliwa na sa tingin niya ay maaaring nandoon ng kanyang anak. SAMANTALA Mabilis na umatake si Kagawad kay Kapitan Rab pero nakaiwas agad siya. Kahit masakit pa ang kanyang paa at katawan ay nagawa naman niyang iwasan ang bawat pag-atake nito. Wala siyang pang laban dito kaya naman iniwasan na lamang niya ang bawat pag-atake nito. Pero naghahanap siya ng tiyempo para siya naman ang umatake dito kahit na masakit ang kanyang katawan ay hindi niya hahayaang matamaan siya nito. Di hamak na mas malaki siya dito at mas matangkad, isa pa may edad na rin ito kaya natitiyak niyang kulang na ito sa lakas. Isa na namang pag-atake ang binitawan nito ngunit agad niyang hinawakan ang kamay nito na may patalim pinilipit niya ang braso nito at saka Ubod lakas na sinikmuraan niya ito. Agad na napaluhod ang lalaki, inubos ba naman niya ang natitirang lakas niya sa pagbitaw ng suntok sa sikmura nito ay talagang kahit sino ay mapapaluhod. Pumalag pa ito kaya nagpambuno silang dalawa. Muntik pa itong makawala sa kanya dahil sinipa nito ang paa niyang masakit pero hindi ito nagtagumpay. Agad niyang kinuha ang telang itinali sa kanyang paa ng maitumba niya ito sa lupa. "Ngayon titiyakin kung wala ng mapapahamak na nasasakupan ko dahil sayong hayop ka! Iuuwi kita sa nayon at hihintayin ko ang pagbabalik nina ex-kapitan. Hahayaan kong ang mga taga Sitio ang magpasya sa dapat na igawad na kaparusahan sayo!" Galit na pahayag niya dito. "Kahit pa hindi ako nakapagtimbre kay Don Eliazar, sa dami ng tauhan at mga armado pa ang mga iyon sa kagubatan tiyak na hindi na rin makakauwi ng buhay ang mga gunggong mong tauhan! Kahit pa patayin ninyo ako, susunod na rin naman kayo dahil wala kayong mahihingan ng tulong kaya ilang araw pa, siguradong magkakandamatay na rin ang iniingatan mong nasasakupan! Wag kang masyadong magpkabayani Kapitan. Kung ako sayo, umanib ka na lang kay Don Eliazar, baka sakaling maawa pa siya sa iyo. Mailigtas ka niya, at malay mo kung magmakaawa ka sa kanya baka pati na ang minamahal mong nasasakupan mailigtas mo rin," wika nito sa kanya na tila kakagat talaa siya sa sinasabi nito. Batid niya na palabas lamang nito iyon para nga naman pakawalan niya ito. "Sino ba ang tangang maniniwala sa iyo hayop ka! Ang demonyo na iyon mismo ang nagpapatay sa mga inutusan kong mga tao na humingi ng tulong sa bayan. Ibigsabihin, nais niya talagang mamatay kami o kaya naman ay magmakaawa sa kanya. Kaya papaanong magtitiwala ako sa sinasabi mo ha?! Ang mabuti pa, sumunod ka na laang dahil hindi ako mangingiming pamagain iyang pagmumukha mo kapag nagmatigas ka pa!" galit na wika niya dito. "Napakayabang! Nakatikim lang na purihin ng mga kanayon natin, masyado ng lumaki ang ulo mo! Pwe!" pauyam pa na wika nito, kaya naman hindi na siya nakapagpigil pa. Isang malakas na suntok sa mukha ang iginawad niya dito. Namilipit naman ito sa sakit, at walang tigil siyang pinagmumura pero hinayaan na lamang niya ito, hinila na lamang niya ito pabalik sa Sitio. SA KAGUBATAN "Kapitan! Tingnan ninyo ang natuklasan ko!" wika ng humahangos na si Noel. Hindi niya namamalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. "Nakita mo ba ang anak ko Noel?!" agad na tanong niya dito. "Hindi pa kapitan pero, may natagpuan akong maaaring pantawid ng ating gutom! Malalaking gabi na ligaw, at may mga ligaw na saging na halos lahat ng puno ay may bunga. May mga langka din at iba pang prutas sa banda doon. Malaking tulong ito para maipantawid ng gutom natin." masayang turan nito. "Talaga ba Noel?! Diyos ko, salamat po! Magmadali ka Noel, hanapin na agad natin ang anak ko, kapag natiyak natin na ligtas siya. Aanihin natin ang mga saging, iyong kaya nating dalhin. Maipapantawid na iyon ng ating gutom. Sige na, magpatuloy ka na sa paghahanap." wika niya dito. "Opo kapitan! Mag-iingat po kayo." wika nito tsaka bumalik na sa pinanggalingan nito. Kahit papaano nabuhayan siya ng loob. Talagang hindi pa rin talaga sila pinababayaan ng nasa itaas. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD