"Kapitan ano pong gagawin natin ngayon? S-Siguradong mamamatay sa gutom ang nanay at tatay ko," umiiyak na tanong ni Jackie sa kanya.
Hindi agad siya naka-imik hindi rin alam ang kanyang gagawin pero hindi niya hahayaang mapahamak ang kanyang mga nasasakupan. Hindi niya hayaang gawin lamang silang laruan ng hay*p na Don Eliazar na iyon. Hindi sila mga hayop at lalong-lalo na hindi sila mga panabong na manok para pagsabungin ng dahil lamang sa pagkain.
"Hintayin na lang siguro natin ang tulong mula sa gobyerno Jackie dahil hindi ko maaatim na mamatay ang ating mga kabarangay ng dahil sa hay*p na Don Eliazar na iyan!" galit na sagot niya dito.
"Pero kapitan mamamatay din tayo sa gutom! Hindi nga natin sigurado kung may darating na bang tulong ei. Kapag hindi tayo kumilos mas marami ang mamamatay at ang masama pa baka maubos tayo dahil lamang sa pesteng sakit na iyan at sa matinding gutom. Ano kaya kong bumalik tayo doon kapitan, hayaan mong ako ang magmakaawa kay Don Eliazar, sasabihin ko na ako nalang, gagawin ko naman ang lahat para masiyahan lamang siya para bigyan niya tayo ng makakain. Kahit pa anong gawin niya sa akin tatanggapin ko. Ano kaya kung sabihin ko sa kanya na virgin pa ako baka pumayag siya kapitan at baka pumayag siya na dagdagan man lang kahit na isang sakong bigas ang ibigay niya sa akin dahil wala pa akong karanasan sa ganong bagay. Siya pa lamang ang unang lalaki sa buhay ko kaya naman baka pumayag siya, sige na Kapitan, bumalik na tayo doon," mahabang pahayag nito.
"Hindi maaari Jackie babalik na tayo sa barangay. Hindi ko maatim na baboyin ka ng hayop na Don Eliazar na iyon sa harapan ko! At hindi rin siya papayag na ikaw ang gawin niyang laruan ngayon kundi nais niya mga kalalakihan sa ating barangay ang kanyang paglaruan. Nais niyang pagsabungin na parang mga manok ang mga kasamahan natin, tama bang pag iisip ng tao iyon?" tanggi niya dito kahit na magmakaawa ito sa kanya hindi siya papayag sa nais nito.
"Ibaba mo nalang ako kapitan babalik ako sa mansyon!" mariing pahayag ni Jackie.
"Jackie hindi, mapapahamak ka lang sa iniisip mong iyan hindi siya papayag. Ang ugali ni Don Eliazar na iyon ay kung ano ang nais niya iyon ang dapat mong ibigay kaya kahit na magmakaawa ka pa sa kanya hindi siya papayag sa nais mo. Kaya ang mabuti pa, bumalik na lamang tayo sa barangay.
Hindi na lamang ito umimik bagkus nakasimangot na nanahimik na lamang ito sa upuan. Hanggang sa makarating na silang muli sa sitio uno. Agad silang sinalubong ng kanyang nasasakupan at tinanong kung anong nangyari. Bakit daw maaga sila ng bumalik wala daw ba sila ng pagkain pagkaing dala?
Malungkot siyang umiling na lang bilang tugon sa tanong ng isa sa kanilang nasasakupan. Kanya-kanya ang salitang binitawan ng mga ito, ang iba ay nalulungkot dahil akala daw nila ay makakain na sila. Ang iba naman ay naiiyak dahil gutom na gutom na daw sila, papaano na daw sila? At may mga nagtatanong din kung bakit at ano ang dahilan. Ayaw niyang sabihin sa mga ito ang kondisyong nais na naman ni Don Eliazar dahil sa tindi ng gutom na nararamdaman ng kanyang mga nasasakupan ay hindi nalalayo na pumayag nanaman ang mga ito sa gusto ng walang pusong mo Don Eliazar na iyon.
"Paano ba naman, ayaw niyang tumanggap ngayon ng babae at ang gusto niya ay—," sabi naman ni jackie na bigla niyang tinakpan ang bibig nito dahil ayaw niyang malaman ng kanyang mga nasasakupan ang nais ng doon. Kahit kailan wala talagang preno ang bibig ng babaeng ito, mabait naman si Jackie kaya lang medyo nagiging sarcastic ito sa kanya dahil na rin siguro sa nararamdaman ng gutom at pinoproblema din nito ang kanyang mga magulang.
"Ang ibig sabihin po ni Jackie ay wala po kasi doon sa kanila si Don Eliazar ang nandoon lamang ay ang kanyang mga katiwala kaya baka po bukas na lamang po namin i-try ni Jackie," uwi ka niya sa mga ito pero tinignan siya ng masama ni Jackie parang nais talaga nito na ipahamak ang kanilang mga nasasakupan kapalit ng pagkain.
"Ayy ganon po ba kapitan? Pagpasensyahan nyo na lamang po sana itong ating ibang mga kasamahan kasi dahil sa gutom ay nakakapagsalita na sila nang hindi maganda. Hayaan niyo po ata magtutungo kami diyan sa kagubatan dahil baka may mga naligaw pa pong mga prutas o gulay na maaari nating pantawid gutom," sabi naman sa kanya ng isa nilang barangay tanod na naiintindihan ang kanilang sitwasyon.
Iyan nalang hindi rin siya sigurado kung makakahanap ng ligaw na prutas o kahit na gulay man lang ang kanilang mga nasasakupan dahil halos naubos na rin nila iyon. Nagalugad nga nila ang buong kagubatan dahil sa paghahanap ng maaaring nilang makain noong nakaraang linggo.
Ilang minuto pa at lumakad na ang grupo na ang mismong tanod na nagsalita kanina ang nag-aya sa mga ito.
Samantala sa kabundukan kung saan sinubukan dumaan ng mga bagong nagtangkang kasamahan nila na magtungo sa kabayanan para humingi ng tulong.
"Kuya nararamdaman mo po ba iyong parang may mga sumusunod sa atin?" wikang binatilyong kasama ng nagpresentang tanod kay kapitan grab na si Ramil.
"Ano-ano naman tayo pang susundan paano naman may susunod sa atin dito ay wala namang ibang nakakaalam ng daan na ito kundi ako lamang at ang mga tiyuin mo. Imposible namang sundan tayo ng ating mga kasamahan. Isa pa mahigit dalawang araw na tayo naglalakad at malapit na tayo sa kabayanan kaya naman imposibleng may sumunod pa sa atin dito," kunot noo ng wika niya sa kanyang binatilyong kapatid.
Malapit na kasi sila sa kabayanan dahil kapag bumaba na sila sa pangatlong bundok na kanilang nilakbay ay saktong sa kabayanan na ang ang bagsak nila. Sa katunayan maya-maya nga isusuot na nila ang kanilang PPE para sa pagbaba nila sa kabayanan ay ligtas pa rin ang ibang ang mga tao doon dahil katulad nga sinabi ni kapitan Rab hindi nila sigurado kung hindi rin sila infected ng virus na nagpapahirap sa kanilang mga kasamahan, mahirap ng kumalat iyon pati sa kabayanan.
Mali na sana sila ng naglalakad ng biglang mula sa kung saan ay paulanan sila ng bala. Sunod-sunod ang pagputok ng baril at dahil hindi nila iyon napaghandaan hindi manlang sila nakakubli kaya naman ilang segundo lang, bumagsak ang kanilang katawan sa lupa na tadtad ng tama ng bala at tuluyan ng nawalan ng buhay ang kaawa-awang magkapatid na nagpresintang magtungo sa bayan.
ITUTULOY