Kabanata 16

1100 Words
Nang makita ng gwardya ni Don Eliazar ang papalapit na lalaki ay agad na pinapasok ito. Lumingon-lingon pa ang gwardya na animo tinitiyak kung may nakasunod ba sa lalaki o wala. Sinalubong naman ito ng katiwala ni Don Eleazar at pinaghintay sa sala. Sandali pa ay nakita na nito na pababa sa hagdan si Don Eliazar. Malawak ang pagkakangiti ng makita ang lalaki. "P*ta Kagawad! Anong atin, matindi ang pagpapanggap mo kanina ah akala ko talaga eh kakampi ka ng hinayupak na kapitan na iyon. Sa galing mong umarte akala ko talaga bumaliktad ka na sa'kin." nakangising wika ni Don Eliazar sa panauhin. Tila nagagalak ito nang makita ang lalaki na walang iba kundi si Kagawad Ronnie. "Patawad po Don Eliazar, kailangan ko po na magpanggap alam mo naman po baka makahalata ang mga kasama ko kanina lalo na po si Kapitan Rab. Paumanhin po sa mga salitang binitawan ko kanina," nahihiyang turan ni Kagawad Ronnie sa Don. "Naku wala iyon kagawad, medyo kinabahan lang ako kanina na baka mapikon ka sa mga sinabi ko kaya nga akala ko rin eh mukha bumaliktad ka na sa akin. Mabuti na lamang at hindi naman pala," nasisiyahang wika ng ni Don Eliazar dito. "Malabong mangyari iyon Don Eliazar, alam mo naman ang totoong pakay ko kaya ako ay nakipagkasundo sayo. Kaya imposible naman na gagawa ako ng ikasisira ng ating pinagkasunduan," muling sagot dito ni Kagawad Ronnie. "Kaya iyan naman ang nagustuhan ko sayo kagawad. Teka, bakit nga ba dis-oras ng gabi ay nandito ka sa aking mansion? Ano ba ang bagong pinagkakaabalahan ng magiting ninyong Kapitan doon?" tanong ni Don Eliazar dito. "Iyon na nga Don Eliazar, may bagong pinaplano si Kapitan at maging ang anak ni ex-kapitan. May balak silang magtungo sa bayanat mamayang madaling araw sila aalis, sakay ng motor. Mukhang desidido po si Kapitan Rab na magtungo sa bayan. Siya na nga mismo ang nag-volunteer na magtungo doon. Pati na ang anak ng dating kapitan kaya napilitan po akong magtungo dahil baka magtagumpay sila. Papano na lamang ang pangarap kung mamuno kapag natapos na ang problema sa nayon? Hindi po pwedeng maudlot iyon, isa pa Don Eliazar nais ko lamang ipaalam sa inyo na wala na silang balak pa na sundin ang mga nais ninyo," wika nito. "H'wag kang pakasiguro Kagawad dahil tinitiyak ko sayo kapag naubos ang pagkain ng mga iyan, tiyak na maglumuhod pa sila para bigyan ko lamang. Huh! Tingnan lamang natin ang tibay ni kapitan may binabalak pala siya ha. Mukhang nais na niyang hukayin ang sarili niyang paglilibingan at nagsama pa ng karamay. Magbunyi ka na kagawad kasi mukhang mapapaaga ang pangarap mong mamuno sa nayon." nakangisi nitong wika at muling isinubo ang hinihithit na tabako sa bibig. "Iyan na nga rin ang naisip ko Don Eliazar, ngayon pa lamang ay nasisiyahan na ako sa maling resulta ang pagpapakabayani ng aming butihing kapitan. Sayang nga lang at isinama pa niya ang anak ng dati naming Kapitan na nagmamagaling din. Pero okay lang Don Eliazar, makakaasa ka na kakampi mo ako palagi. Nasa panig mo ako palagi, kaya nga ginalingan ko ang pag-acting kanina para naman hindi sila maghinala. Pero sorry na lang sila kasi mas mahalaga pa rin sa akin ang pangarap ko. Saka ayokong matulad ang aking pamilya sa mga nagkakangmaratay na mga taga nayon. Mabuti na lang talaga at naging immune kami sa sakit dahil sa ibinigay mong pangontra sa amin." pasasalamat ni Kagawad Ronnie kay Don Eliazar. Napangisi si Don Eliazar dahil hindi alam ng kagawad kagawad na siya rin naman ang lumikha ng sakit na iyon na pumupuksa sa mga taga-nayon at sa totoo lang hindi rin ito ligtas. Oo at binigyan niya ito ng tubig na pinatakan niya ng antidote pero hindi ibig sabihin niyon ay ligtas na ito sa virus. Noong una kasi itong magtungo sa kanyang Villa nagmakaawa ito at naglumuhod na tulungan niya, kapalit niyon gagawin nito ang lahat nang iuutos niya rito. Naisip niya na may pakinabang ang kagawad lalo pa at kakailanganin niya ito sa maitim na binabalak sa Sitio Uno. Noong time na magtungo ito sa kanyang Villa may sakit ito nahawa na rin ito ng sakit na siya mismo ang nagpalaganap sa nayon. At dahil nasa mga kamay niya ang antidote, binigyan niya ito isang patak lamang iyon sa isang mineral water, agad namang nawala ang nararamdaman nito. At sinabi nito na may sakit na rin ang asawa nito naiwan sa Sitio kaya naman nagmakaawa uli ito ng isang tubig para sa kanyang asawa na akala nito ay talagang makakagaling sa kanila. Pumayag siya ngunit sa isang kondisyon magiging mata niya ito sa Sitio Uno, irereport nito ang bawat pagkilos ng mga tao doon lalo na ni Kapitan Rab. Kaya naman natuklasan niya ang unang pagpapadala ng tao sa bayan ni Kapitan Rab. Maging ang mga nangyayari sa Sitio ay alam niya kung ilan ang namamatay sa araw-araw, kung ilan ang halos mamatay na sa gutom. Syempre alam din niya ang pangalawang beses na pagpapadala nito sa bayan at syempre hindi siya makakapayag na makarating ang nangyayari sa Sitio Uno sa labas. Mahirap ng mapanghimasukan pa sila ng gobyerno dahil baka matuklasan na hindi talaga misteryosong sakit ang dumapo sa mga tao sa nayon kundi isang virus na nilikha ng mga dalubhasa gamit ang makabagong teknolohiya. Kung nais naman kasi niya na magpalaganap din sa ibang lugar na iyon ay magagawa niya. Isang patak lamang ng virus sa isang basong tubig ay maaaring makahawa ang nakainom nito at kayang kaya na nitong hawaan ang maraming tao. Baka magkasama pa ay siya pa itong makulong at maparusahan ng gobyerno dahil lamang nagkangmaratay ang mga hampaslupang nagmalupit sa kanyang ina. "Makakaasa kang ligtas ka Kagawad pati na ang buong pamilya mo basta patuloy ka lang na maging tapat sa akin," nakangising wika nito. Tsaka tinawag nito ang isang tauhan at inutusang iparating sa mga tauhan niyang nagbabantay sa mga lugar na maaaring daanan ng mga taga-sitio. Matapos iyon ay nagpaalam na dito si Kagawad at umaasang magiging tagumpay ang plano nitong pagpatay kay Kapitan Rab. Parang hindi na niya kaya pang hintayin na siya ang mamuno sa kanilang nayon. Si Don Eliazar naman ay nakangisi habang nakatanaw sa Kagawad na naglalakad papalayo. Hangga't kailangan pa niya ang kagawad at napapakinabangan pa niya ito hahayaan niyang mabuhay ito pero kapag dumating ang araw na nagtagumpay na siya sa kanyang mga plano, Isasama na niya ito sa hukay, kasama ng lahat ng mga namatay na naninirahan sa nayon. Napangisi siya tsaka nagpasya ng bumalik sa itaas para ituloy ang kanyang na udlot sa pagtulog. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD