Kabanata 17

1346 Words
"Mag-iingat kayo, anak magdahan-dahan ka sa pagda-drive. Hangad ko na sana ay makabalik agad kayo para matapos na ang paghihirap natin dito sa Sitio," bilin ng ex Kapitan na ama ni Smile. Si Kapitan Rab naman ay nagsusuot ng helmet para safe sila ng makarating sa bayan. Medyo mahirap kasi ang daan patungo sa bayan dahil lubak-lubak kaya hindi maiiwasan na ma-disgrasya sila, hindi naman hinihingi pero mas mabuti na rin yung nag-iingat. Lalo pa at yung motor na gagamitin nila ay animo pangkarera. Mukhang sanay na sanay magdrive ng ganitong motor si Smile kahit na babae lamang ito. "Don't worry tatay, mag-iingat po ako titiyakin ko na makakabalik kami ng buhay ni Kapitan Rab," nakangiting turan nito sa ama. Ngayon lamang niya napansin ang itsura ng babae, maganda pala ito, noon kasi halos hindi niya pansinin dahil puro pambabatikos at pagpuna sa kanyang mga ginagawa ang palaging bukambibig nito. Di niya alam kung masama ba ang loob nito sa kanya dahil natalo niya ang ama nito noong tumakbo ng kapitan o talagang ganon na ang ugali nito. Itinali nito pataas ang buhok na lampas balikat na kulot at tsaka nagsuot na rin ang helmet. Tsaka ini-start na ang makina ng motor. "Kapitan tayo na para hindi na tayo abutin pa ng init. Mas mainam na makarating agad tayo doon para kung magpapadala ng tulong ang mga taga gobyerno ay mapaaga. Hindi maaaring patagalin pa natin dahil tiyak na mauubos tayo lahat dito kapag nagtiis pa rin tayo ng gutom papaano na lamang kung maubos na ang bigas na binigay ng hayop na Don Eliazar na iyon," wika nito sa kanya habang tini-check ang andar ng motor nito. Lumapit siya dito at sumakay na sa likuran nito. Gusto sana niya na siya na lamang ang magdrive pero ayaw pumayag ni smile, mukhang walang tiwala sa kanya. Kaya naman hinayaan na lamang niya. "Ikaw na po muna ang bahala dito Kapitan Tiyago babalik naman po agad kami ni smile kaya wag na po sana kayong mag-alala dahil mag-iingat po kaming dalawa," paalam niya sa ex-kapitan na hindi man sinasabi sa kanila ng harapan pero batid niya na nag-aalala para sa kaligtasan nilang dalawa lalo na at anak nito si Smile. "Sige mag-iingat kayong dalawa, anak siguraduhin niyo na makakabalik kayo ng ligtas ha. Hihintayin ko kayo, sana magtagumpay kayo na makahingi ng tulong para naman matapos na ang paghihirap nating ito." bilin nito sa kanila. "Opo Tay, alis na po kami. Mag-iingat po kayo dito, wag na wag kayo lalapit doon sa kabilang bahay para di kayo mahawa," wika naman ni Smile sa ama at nagbilin pa. Tumango naman ang ama nito. Ang sinasabi na kabilang bahay ni Smile ay ang malaking bahay na pag-aari ng kanilang pamilya. Doon naglalagi ang mga may sakit na taga nayon. Nakabukod kasi ang mga ito sa mga taga nayon na hindi nagkakasakit. Mas makakabuti kasi iyon para maiwasan ang hawaan. Pagkuway pinaarangkada na nito ang motor. May ilang matatanda ang gising na nang mga oras na iyon kaya kumaway ang mga ito sa kanila. Kaya gumanti naman siya ng kaway pero ang totoo nakakaramdam siya ng kaba sa lakad na iyon nila ni Smile pero kailangan niyang maging matatag para sa ikabubuti ng lahat. Noong una normal lamang ang patakbo nito sa motor nasa kalagitnaan na sila noon ng daan patungo sa main highway pero bigla itong humarurot. Kahit ayaw niya ay bigla siyang napakapit sa bewang nito dahil sa biglang pagpaharurot nito kahit na bako-bako ang daan, animo hindi nito alintana iyon. "Dahan-dahan lang Smile baka madisgrasya tayo!" pasigaw na sabi niya dito dahil baka hindi nito marinig ang sasabihin niya. Malakas kasi ang hangin kaya sumigaw siya pero hindi naman siya nito pinansin, impossible naman na hindi nito narinig ang sigaw niya. Kaya sumigaw siyang muli pero hindi pa rin nito pinabagal ang takbo. Kaya napakapit siya ng mahigpit sa bewang nito, magaling naman itong magmaneho aminado siya pero natatakot pa rin siya na baka madisgrasya sila. Paano na lamang ang mga naiwan sa nayon kung gano'n ang mangyayari sa kanilang dalawa. "Kumapit ka ng mabuti! Kailangan nating bilisan kung ayaw mong mapahamak tayo!" narinig niyang sigaw nito, di niya maintindihan kung bakit nito sinasabi iyon, samantalang mukhang mas mapapahamak pa nga sila sa paraan ng pagdadrive nito. "Mapapah—, ano iyon?!" di na niya naituloy ang sasabihin dahil nakarinig siya ng sunod-sunod na pagputok na tila nagmula sa isang baril. "Baril Kapitan! Kailangan nating makaalis dito!" sigaw nito, na lubha niyang ikinagulat. Agad siyang lumingon at nakita niya na may tatlong motorsiklo hindi na humahabol sa kanila. May mga angkas ang mga ito at pinapaputukan sila. "Diyos ko!" nasambit na lamang nya at tsaka taimtim na nanalangin. Patungo pa lamang sila ay mukhang mapapahamak na sila hindi niya alam kung sino ang mga taong ito na humahabol sa kanila pero tiyak niya na balak talaga sila nitong patayin. Hindi nga man lamang niya nahalata na may sumusunod na pala sa kanila pero si Smile napansin pala agad ang mga ito. Sunod-sunod ang pagpapaputok ng baril ng mga ito medyo malayo sila kaya siguro walang tumatama kahit na isang bala sa kanila. Ngunit ang isa sa mga motor ay mukhang malapit na silang mahabol kaya naman sobra ang kanyang pag-aalala. "Kapitan! Kailangan nating bumaba ng motor! Siguradong mapapahamak tayo kapag nakipagkarera lamang tayo sa kanila!" sigaw ni Smile. "Hindi tayo bababa bilisan mo lamang ang iyong pagda-drive para kahit na sa bukana ng bayan ay makarating tayo doon ay may mga kabahayan na maaari tayong makahingi ng tulong!" Sigaw niya dito. "Sige kumapit ka ng mabuti!" iyon lamang at muling pinaharurot nito ang motor. Ngunit dumoble din ang bilis ng humahabol sa kanila. Sunod-sunod nanaman ang pagpapaputok ng mga ito hanggang sa naramdaman na lamang niya na may humapdi sa may kanang balikat niya. Nang kapain niya iyon may dugo, ibigsabihin may tama siya! Pero hindi niya maaaring sabihin iyon kay Smile kasi baka mawala ito sa focus sa pagda-drive. Kahit makarating lang sana sila sa may bukana ng bayan doon kasi may ilang mga bahay na maaari nilang hingan ng tulong di katulad dito na nasa gitna pa rin sila ng mga nagtataasang kogon. Ngunit napahiyaw si Smile, kasunod niyon ay nagpagiwang-giwang na sila hanggang sa dumiritso sa kugonan ang sinasakyan nilang motor. Narinig pa nila ang tawanan ng mga humahabol sa kanila. "Takbo mga hangal! Akala ninyo matatakasan n'yo kami ha! Bwahahaha!" tila ulol na sigaw pa ng isa na tila papalapit na sa kinaroroonan nila. Tumalsik si Smile sa di kalayuan pero nakita niya itong dahan-dahan tumayo kahit na bakas sa mukha na may iniindang sakit at tangkang lalapitan siya pero sumenyas siya na wag itong lalapit. Tsaka sumenyas din siya na tumakbo na ito. "Hindi kapitan, hindi kita iiwan!" naiiyak ng wika nito at iika-ika na lumapit sa kanya. Pero nadadaganan ng motor ang isa niyang paa kaya kahit pilitin niya ay di talaga siya makakilos. "Please smile! Wag na matigas ang ulo mo! Tumakbo ka na! Iligtas mo ang iyong sarili!" mariing wika niya dito sapat lang para marinig nito. Ngunit sunod-sunod ang pag-iling nito tsaka tinangka nitong iangat ang motor na nakadagan sa paa niya. "Sige na! Alalahanin mo ang mga kanayon natin!" muling wika niya dito. "Bilisan nyo na! Gaya ng sabi ni Don Eliazar, walang ititirang buhay!" narinig nilang sigaw ng isa pang humahabol sa kanila. Halos ikawindang nila iyon dahil natiyak niyang si Don Eliazar ang may utos niyon. Agad na naisip ni Kapitan Rab na may hudas sa nasasakupan niya. Papanong nalaman ni Don Eliazar ang plano nila kung walang nagsumbong dito. "Smile, sige na umalis ka na! Bumalik ka sa nayon at kilalanin mo ang traydor sa ating mga kasamahan. Sige na!" pagtataboy niya dito. "P-Pero papano ka?!" umiiyak na tanong nito. "Huwag mo na akong alalahanin. Sige na, iligtas mo ang iyong sarili!" muling wika niya dito ngunit huli na ang lahat dahil nasa harapan na nila ang isa sa mga tauhan ni Don Eliazar. Nakangisi habang nakaumang sa kanila ang hawak-hawak nitong baril. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD