"Magandang araw kapitan, anong atin?" nakangiti pero mahahalata ang pag-ngisi nito na naghatid naman ng kakaibang kaba sa butihing kapitan.
"May kailangan po sana ako sa inyo Don Eliazar," panimula ng kapitan.
Suminyas naman ang Don na maupo ang kapitan, tumayo kasi siya mula sa pagkakaupo ng dumating ang Don. Sa loob ng bulwagan na iyon ng mansyon, mangilan-ngilan ang mga armadong gwardya ni Don Eliazar kaya nakadagdag pa iyon ng kaba sa kanyang puso.
"Ano ba iyon kapitan, alam kong importante iyan dahil bigla kang nadalaw sa aking mansyon na kahit kelan ay hindi mo ginagawa," tila pauyam na pahayag nito.
Pinagpawisan naman ng butil-butil ang kapitan.
"Ah, uhm, pasensya ka na Don Eliazar, medyo marami lang po talaga akong ginagawa sa ating baranggay kaya hindi ako makadalaw dito sa inyo," nauutal na paliwanag ng Kapitan.
"Ano ba ang iyong kailangan Kapitan?" tanong ng Don.
"Marahil hindi naman po lingid sa inyong kaalaman na may kumakalat na misteryosong sakit dito sa ating lugar. Na para maiwasan ang pagkalat ay nagpasya po akong magdeklara ng lockdown. Wala na po ang maaring makapasok at makalabas dito sa ating lugar. Ngunit dahil sa biglaan po ang mga pangyayari, hindi po napaghandaan ng ating nasasakupan ang naturang lockdown. Mahigit isang linggo na po ay hindi pa rin umaabot ang tulong ng gobyerno kaya ngayon po ay wala ng makain at wala na ring gamot ang mga may sakit. Marami na po ang namamatay Don Eliazar, mahigit limampung katao na po ang namatay kaya nais ko po sanang humingi ng tulong sa inyo. Tulong para sa pagkain at gamot," mahabang pahayag ng kapitan.
Tumawa ng mala demonyo ang Don.
"Sa tingin mo Kapitan, bubuksan ko ang aking kusina para lamang sa mga hampaslupang iyan? Sa tingin mo, magsu-supply ako ng gamot sa mga iyan ng walang kabayaran?!" tila nang uuyam na sagot nito sa kanya.
Namula ang mukha ng kapitan sa galit, parang nais niyang sugurin ng suntok ang napakasamang Don. Pero naisip niya na baka naman madala ito sa magandang pakiusapan.
"Don Eliazar, nakikiusap po ako sayo kahit iyong mga bata nalang po sana ang makakain. Iyong matatanda kahit tubig po at gamot okey na. Maawa na po kayo Don. Gumaling lang po silang lahat at mawala lamang ang kumakalat na virus, pangako po babayaran namin kahit paunti-unti ang lahat ng inyong magagastos," mapagpakumbabang pakiusap muli ng Kapitan sa Don.
"Okey kung iyan ang gusto mo Kapitan, tutulong ako. Pero sa isang kondisyon, kailangang may kapalit ang lahat," nakangisi nitong sagot sa kanya.
"Ay naku! Salamat po Don Eliazar, salamat po," maluwang ang pagkakangiting pasasalamat ng Kapitan.
"Wag ka munang magpasalamat Kapitan. Dahil hindi pa ako tapos sa aking sasabihin," sabi nito.
Tumango naman si Kapitan.
"Ang lahat ng mga kababaihang nagugutom at nais makakain sa aking hapag-kainan ay kailangang paligayahin muna ako sa kama. At ang mga kalalakihan naman ay kailangang maghanap ng kanilang partner para maglaban muna hanggang sa isa na lamang ang matira sa kanila, at kong sino ang matitira siya lamang ang bibigyan ng pagkain at mga gamot. Kung papayag ka sa kagustuhan kong iyan Kapitan, susuplayan ko ng gamot at pagkain ang may mga sakit ngunit ang mga walang sakit ay kailangan muna nilang paghirapan ang bawat pagkaing kanilang isusubo. Maliwanag ba Kapitan?!" nakangisi nitong pahayag sabay tumawa ng tila sa demonyo.
Nanginig naman ang buong katawan ni Kapitan sa galit, andon ang pagtitimping makagawa ng hindi dapat dahil siguradong sa sementeryo siya pupulutin kapag nagkataon.
Umiling-iling siya.
"Napakasama mo talaga Don Eliazar! Wala kang puso! Masahol ka pa sa Demonyo!" galit na sigaw ni Kapitan sa Don.
Ngunit tinawanan lang siya nito.
"Nasa sayo naman iyan Kapitan, ang sa akin lang ay nais ko rin namang makatulong sa aking mga mahal na ka-sitio," tila nakakaloko pang pahayag nito.
"Hindi ho namin kailangan ang tulong ninyo Don Eliazar! Salamat na lang!" galit na sabi niya, tsaka tumayo at walang paalam na lumabas ng bahay.
Habang ang Don ay walang tigil sa paghalakhak.
"Babalik ka rin Kapitan, at sa pagbabalik mo. Sasambahin ako ng karamihan, magmamakaawa sila na sipingan ako para sila ay makakain at matututong makipaglaban ang mga kalalakihan para lamang sila ay makakain. Ako ang gagawin nilang diyos!" malakas na wika nito at sinundan pa ng tila demonyong paghalakhak.
Pangyayari sa mansyon ni Don Eliazar bago magkaron ng sakit ang naunang nagkaron ng virus. Si Aling Waling ang Inay ni Letty.
"Talaga? Kumpirmado ba to?! Tagumpay! Sa wakas ako na ang maghahari sa buong mundo!" tuwang-tuwa ang Don habang kausap ang isang Chinese na kaibigan na nagpadala ng package sa kanya.
Ang package na naglalaman ng matagal na niyang hinahangad na mapasakamay.
"Oo, saan ko pa ba ito susubukan, kundi sa mga hampaslupang naninirahan dito sa aking lupain," tila tuwang-tuwa nitong pahayag. Pagkuway nagpaalam na ang nasa kabilang linya.
Dalawang botelya iyon na tutupad sa kanyang pangarap na sambahin ng mga tao. Sa kabilang bote ay ang virus, at sa kabila naman ay ang antidote..
Napangisi siya.
Noon naman kumatok ang may edad ng Ginang na si Aling Waling ay isa sa kanyang mga katulong. Napangisi siya, mukhang may magagamit na siyang tao na magpapalaganap ng virus na siya mismo ang lumikha.
"Pasok ka Aling Waling."
Pumasok naman ang Ginang, may dala-dala itong juice at pasta. Hapon na non at oras na ng kanyang meryenda.
"Ito na po ang meryenda nyo Don Eliazar," sabi nito.
"Pakilagay nalang dito sa aking study table aling Waling," sabi niya, tumalima naman ang Ginang.
Pagkalagay nito, tumalikod na ito. Agad naman niyang pinatakan ng isang patak ng likido na nasa botelya ang juice.
"Ahm, Aling Waling busog pa ako. Ikaw nalang ang uminom nitong juice at kainin mo na rin iyang pasta," utos niya dito, napalingon naman ang Ginang.
"Ho? Ay okey lang po ako Don, busog pa naman po ako," tanggi nito.
"Sige na Aling Waling, inumin mo na ito," sabi niya, sabay kuha sa juice at iniabot dito.
Siguro dahil sa hiya, kaya kinuha nalang ito ng Ginang. At ininom lahat sa harapan, sabay paalam na ulit sa kanya.
Napangisi siya.
"Tagumpay! Humanda ka Sitio Uno! Mapapasakamay din kita!"
ITUTULOY