Samantala.
Kahit nahihirapan dahil sa masakit ang paa ni Kapitan ay pinilit niyang bumangon para sundan sana si Smile. Hindi siya makakapayag na ito ang magsakripisyo para lamang makaliligtas siya, ngunit nakita niya na tumalon ito sa bangin dahil sa wala na itong pagpipilian. Kahit naman tulungan niyo ito siguradong parehas silang mamamatay. Wala siyang nagawa kundi tumulo na lamang ang kanyang luha dahil sa kabutihan ni Smile. Nagawa nitong isakripisyo ang sarili para lamang sa kanya.
Hindi niya kabisado ang kagubatan na ito pero dahan-dahan siyang gumapang papalayo sa grupo ng humahabol sa kanila. Nang makalayo na nang tuluyan si Kapitan Rab sa mga ito, namamaga na ang kanyang paa ngunit hindi niya alintana iyon kahit masakit na ilakad, pinilit pa rin niyang makalayo. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon, hindi maaaring masayang ang pagsasakripisyo ni Smile para sa kanya pero kahit na gano'n umaasa pa rin siya na ligtas si Smile kaya naman kapag nakabalik na siya sa kanilang Sitio, ay hihingi siya ng tulong para hanapin ito.
Inaalala lamang niya ang sasabihin ng Tatay nito nangako pa naman siya na ligtas silang makakabalik ni Smile pero heto at hindi niya alam kung buhay pa o patay na si Smile. Hindi niya kabisado ang gubat pero sa tingin naman niya ay makakabalik siya sa kanilang Sitio.
Tagaktak na ang kanyang pawis at halos hilahin na niya ang kanyang mga paa dahil sa sobrang bigat niyon, pero patuloy lamang siya.
Batid ni Kapitan na hindi pa siya nakakalayo naririnig pa niya ang mga boses ng grupong humahabol sa kanila ni Smile pero sa tingin naman niya ay ligtas na siya kaya patuloy lamang siya sa paglalakad kahit sobrang hirap. Hindi niya alam kung sino ang traydor sa kanilang Sitio kaya dapat mag-ingat siya. Hindi niya alam kung sino ang pagtitiwalaan kaya naman natatakot siya sa kaligtasan ng kanyang mamamayan kailangang matiyak niya kung sino ang traydor sa kanilang mamamayan para hindi na sila mapahamak pang muli.
Nasa may parte na siya ng mga malalaking bato at kailangan niya na tumapak sa mga iyon. Kaya naman talagang parusa sa kanya ang paglalakad.
"Awww! Sh**tt!" malakas na sigaw niya ng hindi sinasadyang mapatapak siya sa batong gumagalaw. Kaya naman bumagsak sa lupa, hindi niya napigilan ang mapaluha dahil sa mas tumindi ang sakit ng kanyang mga paa dahil iyon pang mismong masakit ang napatapak sa bato.
Namimilipit na napatihaya na lamang siya sa lupa dahil sa matinding sakit na kanyang nararamdaman.
"Diyos ko, tulungan niyo po ako na makauwi ng ligtas sa aming Sitio. Tulungan niyo po ako para mailigtas ko si Smile," dalangin niya. Naiisip niya si Smile at ang pagsasakripisyo nito sa para sa kanya. Kaya dapat hindi siya sumuko at kung ikukumpara naman ang dinaranas niya ngayon. Walang-wala iyon sa pagsasakripisyo ni Smile para sa kanya. Kaya dapat lamang na lakasan niya ang loob dahil siya itong lalaki pero si Smile ang nagligtas sa kanya. Kaya naman muli siyang bumangon para ipagpatuloy ang paglalakad kahit sobrang hirap.
Halos kalahating oras pa siya naglakad bago niya tuluyang natanaw ang kanilang Sitio. Doon siya nabuhayan ng loob dahil sa wakas makakahingi na siya ng tulong para mahanap nila si Smile. Batid niyang mapanganib kung babalik agad sila para hanapin si Smile dahil nasa kagubatan pa ang mga tulisan na tumutugis sa kanila.
"Kapitan Rab! Diyos ko ano ang nangyari sayo?!" nag-aalalang tanong sa kanya ni Susan na noon nasa may kakahuyan marahil nagbabakasakaling may makuhang makakain sa kagubatan na malapit lamang sa kanilang nayon.
"Ate Susan, tulungan mo ako! S-Si Smile, kailangan niya ang tulong natin!" nahihirapang pakiusap niya kay Susan. Agad naman siya nitong dinaluhan at inalalayan siya sa paglalakad pabalik sa kanilang Sitio. Ramdam na ramdam na niya ang sakit ng kanyang paa hindi na siya makahakbang kaya naman hirap na hirap si Susan sa pag-alalay sa kanya, matapos ang ilang sandali narating na rin nila ang Sitio.
Nagkagulo ang mga taga Sitio ng malamang nakauwi na siya ngunit agad na hinanap ng mga ito sa kanya si Smile. Nagtataka din ang mga ito kung bakit puro galos at sugat siya lalo na at halos hindi siya makalakad. Dinala siya ng mga ito sa kanilang barangay hall. Maya-maya ay humahangos na dumating ang mga magulang ni Smile.
"Kapitan ang anak ko, nasaan ang anak ko?!" humahangos na tanong agad ng ina ni Smile.
Nagpumilit siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Para harapin ang mga magulang ni Smile.
"Ang totoo po ex-kapitan ay napahamak po kaming dalawa ni Smile may mga tumambang po sa amin na hindi namin kilala. Mga armadong lalaki ang tingin po namin ni Smile ay mga bandido. Pinaulanan po kami ng bala, hindi po ako natamaan pero si S-Smile po ay natamaan sa may balikat tapos dahil sa hindi po ako makatakbo ng maayos dahil dito sa namamaga po ang aking kanang paa. Siya po ang nagpahabol sa mga bandido, iniwan niya po ako sa isang tila pinaghukayan na pinaglagyan ng uling. Tsaka po siya nagpahabol sa mga bandido pero nagpumilit po ako na iligtas si Smile kaya sumunod po ako sa kanila. Pero nakita ko na lamang po ay ang pagtalon si Smile sa bangin." pagsisiwalat niya sa totoong nangyari.
"Diyos ko ang anak ko! Saan siya banda bangin tumalon maituturo mo ba sa akin Kapitan ako na ang maghahanap sa anak ko." nag-aalalang tanong sa kanya ng tatay ni smile.
Sinabi niya sa mga ito kung saang banda nang kagubatan niya huling nakita si Smile. Natatakot din siya para sa kaligtasan ng babae pero natatakot naman siya para sa kaligtasan ng mga pupunta para iligtas si Smile dahil natitiyak niyang nasa kagubatan pa ang mga bandidong iyon. Kailangan hindi rin malaman ng kanyang mga kasamahan na alam na nila ni Smile na may traydor sa kanilang mga kasamahan. Tiyak na makakarating kay Eliazar ang pagtungo doon ng kanilang mga kanayon kaya dapat matuklasan niya kung sino ang traydor sa kanilang lugar. Ngunit ang problema ay hindi niya alam kung papaano niya gagawin lalo pa at masakit pa rin ang kanyang mga paa.
Ngunit hindi niya hahayaan na mapahamak pa ang iba nilang mga kasamahan kaya naman pinalabas niya ang lahat ng mga nakikiusyoso ng taga nayon sa kanila, pinaiwan niya ang mga magulang ni Smile natitiyak niyang hindi naman ang mag-asawa ang espiya dahil imposible naman na ipapahamak ng mga ito ang anak.
"Kapitan di mo naman kailangan palabasin pa ako, nais ko rin naman na tumulong sa paghahanap kay Smile," wika naman ni kagawad.
"Pasensya na po kagawad dahil ito po ang kahilingan sa akin ni Smile. Kung halimbawa daw po na may mangyaring masama sa kanya ay sabihin ko sa mga magulang niya," hinging paumanhin niya kay Kagawad. Hangga't maaari ayaw niya na magkasamaan sila ng loob, malaki rin kasi ang naitulong nito sa kanilang Sitio. Ngunit hindi pa rin siya maaaring magtiwala dito dahil hindi niya alam kung sino ang kanilang kalaban.
"Ah gano'n ba? O sige, maiwan ko na muna kayo," wika nito. Tsaka lumabas na rin sa barangay hall.
"Ano po ba Kapitan ang sinabi sa inyo ng aking anak?" umiiyak na tanong naman ang nanay ni Smile sa kanya.
"Huwag po kayong maingay wala po talagang sinasabi sa akin si Smile. Nais ko lamang po na kausapin kayo at ipaalam sa inyo na kailangan po nating mag-ingat dahil may traydor po sa ating Sitio." pagsisiwalat niya.
"Ano? Diyos ko, totoo ba kapitan?!" nahihintakutang tanong ng Ginang.
"Tama po ang narinig ninyo, kaya pinalabas ko silang lahat dahil mismong narinig namin sa bibig ng mga armadong lalaking humahabol sa amin na lahat ng inutusan ko na magtungo sa bayan para humingi ng tulong ay pinapatay ni Don Eliazar. Kaya pala nalalaman niya ang lahat ng kilos natin dito ay dahil may traydor sa atin, kaya mag-iingat po sana kayo," pahayag niya sa mga ito.
"Hayop talaga ang Don Eliazar na yan! Walang awa, pati ang anak ko! Diyos ko, Smileeee...." galit na wika ng nanay ni smile tsaka pumalahaw ito ng iyak.
ITUTULOY