Kababata 18

1213 Words
Naging maagap si Smile ng makita nitong ipuputok ng lalaki ang baril na hawak nito kay Kapitan Rab. Agad nitong sinipa ang kamay ng lalaking may hawak ng baril kaya naman tumilapon ang baril at agad na inatake ito. May alam pala ang sa martial arts mabuti na lamang dahil kung hindi patay na sana siya. Ilang sandali pa at nagapi na nito ang lalake, ngunit agad na nagpaputok ang isa pa na parating. Agad na nailagan nito iyon at tila kidlat sa bilis na agad na naatake ang lalaki, isang malakas na sipa ang binitiwan ni Smile, sapul ang ulo ng lalaki, tumba agad iyon. Nang tapos nitong mapatumba ang pangalawang lalaking umatake sa kanila, agad na inalalayan naman siya nito para makatayo, ramdam kasi nila na papalapit na rin ang iba pang mga kasamahan nito. Inalalayan siya nito pero dahil napasama yata ang bagsak niya naapektuhan ang kanyang paa parang pakiramdam niya ay may naipit na ugat. Nahihirapan siyang ihakbang ang kanyang paa pero dahil inaalalayan naman siya ni Smile ay nagagawa pa rin niyang tumakbo kahit na nahihirapan siya. Patuloy ang pagpapaputok ng baril ng mga humahabol sa kanila. Kaya naman mas binilisan pa nila ang pagtakbo. Habang tumatagal ay hindi tila hindi na niya iniinda ang sakit ng paa. Tila manhid na iyon at parang sumusunod sa nais ng kanyang isipan na makaligtas sa tiyak na kapahamakan, kaya naman mas binilisan pa nila ang kanilang pagtakbo ngunit isang ligaw na bala ang hindi nailagan ni Smile. "Awww!" tili nito sabay hawak sa kanang balikat, napaluhod na rin ito dahil siguro sa matinding sakit. Nanlalaki ang matang napatingin siya sa balikat nito dahil agad na umagos ang sariwang dugo nito doon. "Smile, may tama ka!" sigaw niya dito at inalalayan ito sa pagtayo. "Hindi okay lang ako, kailangan nating magmadali. Kailangan makalayo tayo sa lugar na ito dahil tiyak na hindi tayo bubuhayin ng mga tauhan ng hayop na Eliazar na iyan!" matigas ang boses na wika nito. "Umuna ka na kaya? Magpapahabol ako sa kanila para makaligtas ka. Kapag nakarating ka sa ating ngayon Humingi ka kaagad ng tulong. Iyon lamang ang tanging paraan para makaligtas tayong dalawa o kahit isa lamang sa ating ang makaligtas! Sige na tumakbo ka na!" puno ng determinasyong wika niya dito. "Hindi sabay tayong makakaalis ng buhay dito! Kaya halika na, wag mo akong intindihin kaya ko!" medyo mataas na ang boses na wika nito tsaka mahigpit na humawak sa kanya at nagsimula na muli silang tumakbo. Matinding sakit ang nararamdaman ni Smile, wala din patid ang pag-agos ng dugo niya mula sa balikat na may tama ng bala. Kung maaari lamang na magpahinga, at umupo na lamang doon gagawin niya ngunit tiyak na buhay nilang dalawa ang kapalit kaya kailangang may magsakripisyo. Muli silang pinaulanan ng putok ng baril ng mga bandido. Kahit hirap na hirap ay pinilit nilang makalayo sa mga ito pero dahil may tama siya at paika-ika pa rin ang paglalakad ni Kapitan Rab ay tiyak niyang maabutan sila ng mga ito. "Kapitan, hindi tayo mabubuhay kapag ganito ang ginawa natin kailangang maiwan ka. Hindi ka makatakbo ng maayos kaya maiwan ka nalang ililigaw ko sila, wag kang mag-alala maging okay lang ako. Sige na bilisan mo na!" mariing wika niya sa lalaki alam naman niya na mag-aalala lamang ito sa kaniya pero lalo silang mapapahamak kung hindi sila maghiwalay na dalawa. Hindi na niya hinintay pa itong makapagsalita nakita niya ang tila isang hukay sa lupa na sa tingin niya ay pinag lagyan iyon ng kahoy na ginawang uling. Mabilis niyang inaakay doon si Kapitan Rab at pinahiga tsaka mabilis na tinabunan ng mga nagkalat na tuyong dahon sa paligid. "Smile baka mapahamak ka sa gagawin mo!" pigil nito sa kanya. Ngunit narinig na niya ang mga yabag ng paa ng mga bandido. "Wag kang maingay Kapitan, kapag nailigaw ko na sila, saka ka na pumuslit pabalik sa ating Sitio, humingi ka ng tulong, susubukan ko manatiling ligtas kaya asahan ko ang tulong na darating!" wika niya dito. Iyon lang at tumakbo na siya sa ibang direksyon palayo sa kinaroroonan ni kapitan. Sa totoo lang takot na takot siya sa mangyayari sa kanya tiyak na ikapapahamak niya ang ginawa ngunit hindi naman niya maatim na mamatay ng gano'n nalang si Kapitan. Oo hindi niya ito nagugustuhan noong una pero sa nakikita niya na ang pagmamalasakit nito sa buong Sitio ay nagustuhan na rin niya ang pag-uugali nito. Noon kasi akala niya mayabang ito dahil natalo nga naman sa botohan ang kanyang tatay dahil ang isip niya noon ay idinaan nito sa papogi, pero hindi naman pala, talagang maaasahan naman pala ito. "Bilisan ninyo malilintikan tayo nito kay Don Eliazar kapag makatakas ang mga hayop na yan!" galit na sigaw ng isang bandido na humahabol sa kanya. Tiyak na ni Smile ang kaligtasan ni Kapitan dahil ganap na siyang nakalayo sa kinaroroon nito. Iyon nga lang siya ang malagay sa peligro pero okey lang ng ganito tiyak naman niyang may darating na tulong. Masakit na ang kanyang mga paa sa walang humpay na pagtakbo pero doon nakasalalay ang kanyang buhay kaya naman tuloy-tuloy lamang siya, walang lingon-lingon. Diretso ang takbo kahit na nagkakanda sugat-sugat na ang kanyang mga binti. Kahit na napatid siya at bumabagsak pa sa damuhan. Muli siyang bumabangon at patuloy lamang siya sa pagtakbo. Ngunit agad siyang natigilan nang mapagtantong bangin ang kanyang tinatahak. Buti na lamang pala matalas ang kanyang mga mata napansin agad niya. Ngunit wala na siyang pagkakataong tumakbo pa sa ibang panig dahil nasa harapan na niya ngayon ang mga bandido at tila demonyong humahalakhak ng makitang wala na siyang tatakbuhan. "Wala ka nang tatakbuhan babae. Kung ako sayo, kung nais mo pang mabuhay sumama ka nalang sa amin. Pasayahin mo kaming apat, mangangako kami na pagkatapos non pakakawalan ka rin namin. Sige na sabik na sabik na rin kami sa babae. Ito kasing boss namin, dito lang kami pinag-stay sa may hangganan kaya naman hindi na kami makapambabae man lang. Sige na sandali lang naman eh. Ako na ang mangangako sayo, hindi ka namin sasaktan, paliligayahin ka lang namin." tila hayok na hayok na wika ng isa sa mga bandido. "Putcha, sayang na sayang ka naman napakaganda mo. Kaya mangangako kami pakakawalan ka namin, hindi ka namin papatayin. Basta umalis ka lang dito sa Sitio para naman hindi kami mabuking ni boss na binuhay ka namin. Sige na, okay lang kahit dito na natin gawin tapos umalis ka na pagkatapos." pangungumbinsi pa ng isa. Napangisi siya, kung inaakala ng mga lalaki na ito na makukuha nito ang gusto sa kanya nagkakamali sila mas nanaisin pa niyang mamatay sa bangin kaysa ibigay niya ang nais ng mga hayop sa kaya. Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga sinasabi ng mga demonyo katulad ng mga bandidong ito dahil siguradong Pagkatapos na makuha ang nais sa kanya tiyak na papatayin din siya ng mga ito. "Ul*l! Sinong ginago niyo ha! Hindi pa ako tanga para pumayag sa mga nais ninyo! Sa tingin ninyo hindi ko alam na papatayin niyo rin ako. Pwes hindi kayo magtatagumpay sa nais ninyo! Mga hay*p!" galit na sigaw niya sa mga hayok na hayok sa lamang ulupong ni Don Eliazar. Tsaka walang pangingiming tumalon sa bangin na nasa kanyang likuran. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD