Kabanata 26

1237 Words
"Aba, Kapitan Rab! Akalain mo naman hindi ko man lang naisip na magagawi ka dito sa aking mansyon. Akala ko nga eh naubos na kayo simula noong huli ninyong pagtungo dito. Akala ko nga ay napahamak na kayo pero nagkamali ako," salubong sa kanila ni Don Eliazar. "Bakit kaya Don Eliazar, parang nakatitiyak kayo mapapahamak kami?" panghuhuli niya dito. "Hindi naman ganoon kapitan, siyempre diba ilang araw din kayong hindi nagtungo dito sa akin. Siguro naman sa dami ninyo sa Sitio ay hindi aabot ng ilang araw iyong pagkain na ibinigay ko sa inyo," nakangising tugon nito. "Awa ng Diyos Don Eliazar, napagkasya naman namin ng ilang araw. Salamat sa kabutihan nyo." pauyam na wika niya dito. "Woohh, woohh, nagpapasalamat ka sa akin Kapitan Rab. Pero bakit parang manlalamon ka ng buhay. Aaah, mukhang nadisgrasya ka Kapitan. May benda ang iyong mga paa, hindi pa rin magaling iyan?" puna nanaman nto. Marahil nagtataka ang kumag dahil buhay pa rin siya, baka sinabi ng mga tauhan nito na patay na siya pati na si Smile. "Natapilok lang ako Don Eliazar, hindi naman nakamamatay ang pagkakatapilok kaya naman buhay pa rin ako. Wag nyo naman hong madaliin ang buhay ko Don Eliazar, masyado na po kayong halata niyan eh," pauyam niyang uling sagot dito. Napansin niya ang pagtiim bagang ng Don, napangisi naman siya ng bahagya. Alam niyang nainis ito sa tinuran niya. "Don Eliazar, m-maawa na po kayo sa amin. Tulungan nyo po ang nanay ko! Kahit ano po gagawin ko basta tulungan nyo lamang po kami. May sakit po ang nanay ko, kailangan niya ng gamot at sapat na makakain. Gagawin ko po lahat ng nais ninyong ipagawa sa akin basta tulungan nyo lamang po ang nanay ko," nagmamakaawang wika ni Jackie kaya Don Eliazar. "Aba, magandang dilag itong kasama mo Kapitan ah, mukhang natuto ka na yata. Balingkinitan ang pangangatawan at halatang wala pang nakakatikim sa kanya!" maluwang ang pagkakangiting wika ng hayop na Don. Tuwang-tuwa dahil sa maganda naman talaga si Jackie, balingkinitan ang pangangatawan, sexy at ang alam niya ay mailap ito sa mga lalaki. Parang kababata ito ni Smile pero may pagkamataray ito. Kaya wala manlang magtangkang manligaw dito, pero heto at handang isakripisyo ang sarili para lamang sa kaligtasan ng magulang. Hindi siya nakaimik, pero kung nakamamatay lamang ang tingin kanina pa nawalan ng buhay ang hayop na lalaki. Kung pwede lamang na tapusin na niya ang buhay nito, kanina pa niya ginawa. Masasayang ang puri ni Jackie dahil lamang sa walang hiyang lalaking ito. Masisira ang kinabukasan nito dahil sa kagustuhang iligtas ang magulang. "Kapitan, masama nanaman ang tama mo sa akin ah. Masama nanaman ang loob mo sa akin, baka gusto mo naman na matikman muna siya. Ahh baka naman dika pa nakakatikim ng virgin. Iyong una mong dinala dito, marami ng anak iyon ei. Ano, gusto mo ba matikman muna siya bago kami ha?" tila nakakalokong wika nito, sabay halakhak. Napansin naman niya si Jackie na tila nahihiyang napatingin sa kanya, siya naman ay naikuyom na lamang ang kamao parang nais niyang bigwasan ng suntok ang hayop na lalaki. Pero natitiyak niyang kapag kumilos siya ng hindi tama, siguradong may paglalamayan nanaman sila sa Sitio kaya wala siyang magagawa kundi magtimpi at tanggapin kung ano ang nais ng hayop na Don. "Hayop ka talaga! Gawin mo kung ano ang nais mo! Wag mo na akong idamay sa kahayupan mo!" galit na singhal niya dito. Tama na iyong isang beses lamang na kinasangkapan siya ng hayop na lalaki para masiyahan ito. "Bakit kapitan? Nakonsesya ka ba? Aba mukhang hindi ka yata nasarapan, parang iba yata ang nakita ko noong mga panahong inaararo mo si Susan! Sarap na sarap ka nga noon diba? Nakailang lakbay ka pa nga noon sa paraiso, parang walang nanonood sa inyo! Tapos ngayon, nakokonsensya ka? Ayaw mo ba niyan, makakatikim ka ng virgin? Aba, swerte ko naman kung ako. Pero alam mo, mas masisiyahan ako kapag ikaw mismo ang sumira sa kinabukasan niya. Kumusta ka kaya noon kapitan, makakatulog ka pa kaya niyon?" tila nakakalokong mahabang pahayag nito. Sinundan pa ng malademonyong halakhak. "K-Kapitan, may namagitan pala sa inyo ni Ate S-Susan?" tila di makapaniwalang tanong sa kanya ni Jackie, parang nang-uusig ang paraan ng pagtingin nito. "Patawarin mo ako Jackie, wala ako noong nagawa kundi sumunod na lamang sa kahayupan ng lalaking iyan. Tsaka nakiusap din si Ate Susan noon na gawin na lamang namin dahil hindi kami bibigyan ng mga kailangan namin noon kung hindi ko gagawin. P-Pero hindi namin kagustuhan ang lahat, sana hindi na lamang ito makarating sa atin." paliwanag niya sa babae. Napatango na lamang ito pero napansin niya ang panginginig ng bahagya ng kamay nito. Marahil natatakot din ito sa maaaring mangyari pero mas nananaig pa rin dito ang kagustuhang mailigtas ang ina. SAMANTALA Halos magkanda-suka naman si Smile habang pinapakinggan ang kawalanghiyaan ng Don. Maging ang ginawa nito sa kanyang pinsan na si Susan at magng kay Kapitan. Alam naman niyang hindi iyon magagawa ni Kapita Rab kung hindi kailangan. Nasa ilalim siya noon ng hagdanan, hindi napansin ng mga ito ang pagpasok niya dahil kahit mga tauhan ni Don Eliazar ay abala sa pakikiusyuso sa mga ito. Animo mga hayok na hayok dahil malalagkit ang tingin ng mga ito kay Jackie. Kailangang makagawa siya ng paraan para makahingi ng tulong. Hindi maaaring pagpasa-pasahan ito ng mga hayop. Siguradong kawawa si Jackie kapag hindi siya nagmadali, isa pa mukhang may masamang balak si Don Eliazar, mukhang ipapagalaw nitong una si Jackie kay Kapitan Rab para siguro, hindi patahimikin ng konsensya nito si Kapitan Rab. Tiyak na mapapansin siya kung sa mismong hagdan siya dumaan, kaya naman pagapang siyang nagtungo sa may gawing kaliwa, doon may nakita siyang malaking poste na kapag inakyat niya iyon maaari na siyang makatawid sa second floor. Kailangan lang na malingat ang ibang bantay kaya naghintay pa siya ng ilang sandali. "Ako ang masusunod Kapitan, alam mo naman kapag nagtampo ako diba?" narinig pa niyang wika ng hayop na Don Eliazar. "K-Kapitan, pumayag na po kayo sa nais ni Don Eliazar. Maawa po kayo sa nanay ko, kailangan niyang makainom ng gamot ngayon tsaka malaking tulong din po ito sa ating mga kasamahan. M-Mas nanaisin ko pa po na kayo ang makakuha ng virginity ko, sige na po Kapitan maawa na po kayo," umiiyak na pakiusap dito Jackie. Para itong batang nagmamakaawa kay Kapitan, tapos virginity nito ang nakataya pero kailangan pa nitong makuiusap. Batid niya na ayaw talaga ni Kapitan pero wala rin naman itong magagawa. Napansin niya ang pasimpleng pagpahid ng luha nito, tiyak na nasasaktan ito sa sinapit ng kanilang nasasakupan. Pati si Jackie, kailangan ito pa ang gumawa ng nakakasukang bagay na iyon dito. "Narinig mo naman Kapitan, ito mismong kasama mo ang humiling na kumuha ng virginity niya. Kung tutuusin napaka-swerte mo nga ei. Ano pang hinihintay mo, simulan mo na!" tila nauulol na wika pa ng Don. Naghiyawan naman ang mga tauhan nito at kanya-kanyang pwesto sa upuan. May malaking sofa sa gitna na tila sinadyang ilagay doon para kitang-kita ng lahat ang palabas. Iyon na ang naging hudyat ni Smile, narinig pa niya ang pagkapunit ng damit ni Jackie na mismong si Don Eliazar ang gumawa. Napatili pa ang babae, hindi na niya nakuha pang tingnan ang nagaganap, nagmadali na siyang umakyat. Mabuti na lamang sanay siyang umakyat sa mga ganon dahil sa training nila sa school. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD