Ilang buwan ang nakalipas at hanggang video calls lang ang nagagawa nila.
Nasa pang anim na buwan na sila ngunit ang kanilang pagnanasa na makapiling ang isa’t isa ay malakas.
Nagkaroon ng event ang kompanya sa probinsiya na dinaluhan ng mga taga Maynila.
Sa mga panahong ganito, umaattend na siya ng event upang makita niya ang minamahal niya.
Laking tuwa naman ng lalake nang makita niya ang kanyang minamahal.
Doon lang siya nagkakaroon ng oras sapagkat napaka busy ng schedule niya.
Kanyang niyakap at hinagkan si Jessie nang ito’y muli niyang nakita.
“I’m staying sa isang hotel dito. Come with me?”
Tumango ang babae at sinabihan niya ang kanyang pamilya na siya’y mag sleep over muna nang ilang araw.
Hindi alam ng kanyang ama ngunit pinababayaan lang siya.
Ang tanging may alam lang sa nangyayari ay ang kapatid niya at si Ray na todo boto sa kanilang dalawa.
Nang matapos ang event, bumalik sa kanyang hotel si Stephen kasama ni Jessie.
Hinaplos ni Stephen ang mga pisngi ni Jessie habang kanyang sinasayaw ang magandang dilag.
Nakayakap sa kanya ang babae habang sila’y sumasayaw.
“Damn, I miss you.” Naibulong niya ito sa kanyang tenga.
“I don’t want to get separated from you baby. Mababaliw na ko sa pagkamiss sayo.”
Tumawa lang si Jessie sa pagka corny nito ngunit gayunman, pareho lang sila ng nararamdaman.
“Baby, ang corny mo ah.” Natawa nalang ito.
“Ilang days ang stay mo dito?” tanong niya na may lungkot sa kanyang boses.
“Do you want me to stay forever?” natatawa nitong natanong.
“Yah. Puro ka kalokohan.” Nakasimangot ito nang nanunudyo ang kanyang mahal.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
“Marry me?”
Dumilat ang kanyang mga mata sa kanyang kwarto.
Napangiti siya nang malaman kung anong araw iyon.
Nilanghap niya ang hangin sa labas ng kanyang kwarto.
“Aba, may excited tayo dito ah.” Pinansin ng kanyang kapatid ang kanyang kasiglaan sa umaga.
It was the day kung kelan ang pamilya ni Stephen ay mamamanhikan sa kanila.
Na alala niya ang mga mukha ng kanyang ama at asawa nito nang malaman na isang elite ang naging nobyo niya.
Natawa lamang siya at pumasok ulit sa kanyang kwarto.
Tinignan ang kanyang phone at nakita ang mensahe galing sa kanyang fiancé.
Fiance. Di siya makapaniwala na ikakasal na siya sa kanyang nobyo.
You ready baby? Andito na din sila dad at kapatid ko para sa pamamanhikan
- My Boo
Napangiti siya sa mensahe ng kanyang nobyo. Madali niya tong sinagot at siya din mismo ay naghanda na.
Nagpunta muna siya sa salon para maayos ang kanyang mga kuku bago pa mamaya. Pinaayos na din niya ang kanyang buhok sa trending style na nasa Korea.
Matagal na niyang pinakahihintay ang siya’y ikasal sa taong mahal niya. Oo at naisip niyang hindi na magpamilya, pero nang dumating si Stephen, nagbago ang kanyang pananaw.
Gusto niyang bigyan ng pamilya ang mahal niya. Gusto niyang makita din itong masaya.
Pagbalik niya sa bahay ay may nakasalubong siya.
Pinapasok niya ang babae dahil may sasabihin daw ito sa kanya.
“Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?”
“Hindi mo pwedeng pakasalan ang lalakeng yun.”
Siya’y natawa sa babaeng pilit pa ding pinaghihiwalay sila ng kaniyang fiancé.
“Bakit naman po?”
“Binuntis niya ako. Narito ang mga papeles na nagsasabi ako ng totoo. Ayaw niyang tanggapin dahil daw mas kailangan ka niya.”
Tinignan ni Jessie ang mga papeles nito at lahat ay galing sa doctor na kilala ng kanyang fiancé.
Natahimik lamang ito at muling sinulyapan ang babae.
“Anong pangalan mo?”
“Bernadette”
“Umalis ka na sa bahay ko bago kita kaladkarin palabas makalimutan kong buntis ka. Alis”
Akmang kukunin ni Berbadette ang papeles nang ito’y pinigilan niya.
“Leave it. May pag gagamitan ako jan.”
Tumango lang ang babae iniwan siya.
Sa loob niya gusto niyang sumigaw at ihampas lahat ng gamit.
Pero ang tanging nagawa niya ay umiyak.
Kinuha niya ang papeles at nakipagkita kay Stephen.
Can we meet? Same place. 1pm
Nakarating na siya sa venue ngunit siya ay wala pa. Hinanda niya ang kanyang sarili sa sagot na kanyang maririnig.
Di nagtagal, pumasok na si Stephen sa loob at ngumiti ng Malaki nang makita siya. Lumapit siya at nang hahalik na siya ay inilayo nito ang kanyang mukha.
Nasaktan siya nito ngunit ngumiti pa din siya.
“What’s up babe? Namimiss mo na ba ako kaagad?” nakatawang pabungad nito.
Nawala ang tawa niya sa mukha nang makita na seryoso si Jessie.
Inilahad ni Jessie ang mga papeles na kanyang dala.
Nanlaki ang mata niya at natakot siya sa nakita niya.
Ito ang iniiwasan niya. Ayaw niyang may sisira sa kanilang dalawa lalo’t ikakasal na sila.
“Babe, I can explain this –“
Natigilan siya nang makitang lumuha na ito. Alam niyang sinabi niya sa kanya na hinding hindi niya sasaktan ang damdamin niya.
Wala siyang masabi nung lumuha na siya.
“Babe, I’m sorry... Hindi ko to sinasadya... Hindi ko a—“
“Let’s call off the wedding.”
Nagulat siya sa nasabi ni Jessie. Alam niyang nagkamali siya pero handa niyang panagutan to wag lang siya mawala. Di niya kakayanin.
Matapos niyang masabi yun ay tumayo siya at iniwan siyang nag iisa. Hindi niya matanggap. Alam niyang kasalanan niya pero di na ba siya pwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon?
Pilit niyang hinabol si Jessie pero ito’y wala na. Tinawagan niya si Bernadette at sinabing magkita sila.
Nang sila’y magkita ay isinampal niya ang mga papeles.
“P***** I**, bakit ka lumapit sa kanya?! Hindi pa ba sapat na ginulo mo pagsasamahan naming magbabarkada tapos ngayon ito naman?!” sinigawan na niya ang babae at halos lahat ng nandun sa pinagkakitaan nila ay nagsialisan
“Talaga bang wala kang hiya?! Masaya ka na ngayon at nasira mo kami?!” Patuloy siyang sumisigaw
“Kung ano man mangyari sa kanya tandaan mo ikaw ang papatayin ko. Wag na wag kang lalapit sakin o sakanya. Ipapapatay kita.” Dinuro duro na ni Stephen si Bernadette na tahimik na umiiyak.
Pumunta si Stephen sa bahay nila Jessie pero ayaw siyang harapin nito. Pilit na nagmamaka awang makausap man lang siya ngunit ayaw nito pagbuksan ng kwarto niya.
“Babalik nalang ako bukas. Kausapin mo na sana ako.”
Malungkot itong umalis sa bahay nina Jessie. Pagdating sa Hotel na kanilang tinutuluyan, nakita siya ng kanyang ama at kapatid na nakahanda na sana sa pamamanhikan.
“Stephen, anong nangyari? Kanina pa kami dito.”
Tinignan lang niya ang kanyang ama at sinabing walang pamamanhikan na magaganap.
Umakyat ito sa kanyang kwarto at ininom ang natatanging hard drink na nasa kwarto.
Alam niyang siya’y nakamali. Gusto niya itong ituwid. Ayaw niyang mawala sa kanya si Jessie. Halos ipangako niya ang mundo sa kanya pero siya pala ang mananakit sa kanya. Hindi niya matanggap.
Naka dalawang bote na siya sa iniinom pero di ma alis yung sakit. Hinahanap niya ang presensiya ni Jessie.
Sinubukan niyang tawagan at itext pero walang sagot. Ni kahit sa social media, walang sagot.
Ayaw niya ng ganito. Hindi, nangako siyang babalik kinabukasan. Hindi siya titigil hanggat hindi siya kinakausap nito.
Kinaumagahan ay nagising ito na masakit ang ulo. Alas 9 na ng umaga, kelangan na niya maghanda.
Inayos niya ang kanyang sarili, naligo at nagbihis. Pupunta siya ngayon kina Jessie.
Pero habang siya ay pababa ng kanyang kwarto ay pinagsabihan siyang nawawala si Jessie.
Nag aalalang tumawag ang ama at sinabing wag nalang daw siya hanapin base sa liham na kanyang iniwan.
Biglang natuyo ang kanyang lalamunan at ang kanyang tuhod ay naghina.
Hindi, hahanapin niya si Jessie. Hindi siya nawawala, alam niyang anjan lang siya.
Umalis ito dala ang kanyang kotse. Linibot niya ang mga kaibigan ng dalaga para hanapin siya. Gumabi na at wala pa din. Pero hindi siya titigil hanggang di niya nahahanap si Jessie.
Lumipas ang ilang buwang walang balita kay Jessie. Bumalik sa pagiging seryoso si Stephen. Mas lalo nga lang siya kinatatakutan ngaun dahil sa konting pagkakamali ay sumisigaw na ito.
Nakabalik na siya ng Maynila, tuloy and buhay sa pag aasikaso sa kanyang Hotel at nang negosyo.
Pero sa gabi, ang tanging katuwang niya ay inumin, mga bituin at ang karagatan. Iniisip pa din niya si Jessie kahit na ilang buwan nang di pa niya nakikita.
Minsan ay may napagkakamalan siya na si Jessie. Nadidismaya lang siya pag ang nakita niya ay iba palang tao.
Minsan pat naimbitahan siya sa isang high end club ng kanyang mga kasama. Wala siyang ginawa kundi uminom. Pag nilalapitan siya ng babae, nagagalit ito at kanyang hinihindian.
Tanging gusto niya ay malasing sa gabing yon.
Pero may nakita siyang ka aninag ni Jessie sa di malayuan. Sinundan niya ito papalabas. Tinawag niya ito. Nang lumingon ay si Jessie pala.
Bumilis ang t***k ng kanyang puso nang makitang lumingon ang babae. Hindi makalabas si Stephen nang dahil marami ang tao.
Paglabas niya ay wala nang bakas ni Jessie na nakita niya. Ginulo niya ang buhok niya sabay sumigaw. Hindi niya akalain na makikita niya sa club si Jessie.
Kinabukasan ay bumalik siya sa club para itanong kung kilala nila ang babaeng nasa litrato na dala niya. Walang naka kilala sa kanya sa club.
Bumalik siya sa club nung gabi at nagbabaka sakaling makita niya si Jessie ulit.
“Baby hahanapin kita. Wag kna magtago please. Let me find you” bulong niya sa sarili.
Nang maaninag niya ang isang babae, nakita niyang halos kapareho ito ni Jessie. Sinundan niya ito hanggang sa makalabas.
Hinapit niya ang kamay nito at tinawag na Jessie.
Hind siya makapaniwala kung sino ang nasa tapat niya.