It has been 2 days ever since nag confess si Stephen sa kanya.
Hindi niya akalain na ang usapan ay magiging ganun.
“You know what, I think I like you.”
Nanlaki ang kanyang mata at siya’y napalingon sa kanya.
Ngumiti lang si Stephen at tumayo. Tinignan ang karagatan na siyang naging tanawin kung nasan man sila.
“I’m not really like this. Kilala ako sa pagiging cold sa mga babae lalo na sa mga naghahabol. Pero nung makita kita, hindi ko alam bakit ganun nalang ang pagnanais kong protektahan ka.”
Tumingin siya kay Jessie at ngumiti.
“Siguro dahil I have never seen someone cried like you did. At ang na alala ko nung panahong nakita kitang umiyak ay ang mommy ko. She cries at night on the balcony pag alam niyang tulog na lahat.” Mapait nitong na alala ang yumaong ina.
Tumingin sa kanya si Jessie at napayuko. “Bakit umiiyak ang mommy mo?”
Lumingon si Stephen sa kanya na may maluwag na ngiti. “Kinakausap mo na ako!”
Tinignan niya si Stephen sabay yumuko at nakagat ang labi.
Tumawa si Stephen ngunit nagkibit balikat lamang. “My dad had a mistress, kaya may kapatid din akong babae, Sobrang nasaktan ang mommy ko. Though, I think she’s happy where she is. Yung mistress ni dad eh nawala ding parang bula after lang iwan ang anak niya”
Napatingin sa langit si Stephen.
Tinitigan ni Jessie ang ngayoy maamong mukha ng lalake. “Nasaan na siya ngayon?”
Ngumiti si Stephen at tumngin sa kanya, “In heaven.”
Napanganga si Jessie, napaka tactless niya kung kaya’t siyay Humingi ng paumanhin.
Nilapitan siya nito at umupo sa tapat niya, hinawi ang kanyang buhok at ngumiti.
“Pagbigyan mo akong makilala ka, Jessie. Gusto ko lang naman malaman bakit ka umiyak. At gusto kong maging rason nang yong pag ngiti.” Mukhang gusto na ni Jessie ma adik sa boses nitong pang kwarto at malumay pa.
“Ihahatid na kita sa inyong silid, lumalamig na” tinayo niya si Jessie at sinaplutan ng jacket na kanyang suot bago nagsimulang maglakad papunta sa kani kanilang silid.
Umiling iling siya at pilit na winawaksi ang memorya ng gabing yun. Sa kanyang pakiwari ay pinaglalaruan lang din siya nito gaya ng iba.
It was Monday, araw ng first day nila sa training. Parang ayaw nalang niyang umattend and umuwi nalang.
Wala din naman magagawa ang ama niya pag humindi siya. Ngunit baka malaman nila ang dahilan na gusto siya nang isa sa mga elite.
Padabog siyang lumabas ng CR at naupo sa higaan niya nang naka robe. Tinignan siya ni Ranya na siyang nakaka usap niya lang sa mga ganito.
“Achi, magbihis kna 7:30 na, kakain pa tayo. 8 yung start ng training” Di alintana ni Ranya ang naka usmod niyang ate.
Nahiga si Jessie at sinabing di maganda ang pakiramdam niya.
Napalingon sa kanya ang kapatid sabay nilapitan at kinapa ang ulo niya.
“Achi naman eh di kna man nilalagnat!” akusa nito
“Lalagnatin palang.” Tamad niyang sinagot.
“Achi dalian mo na at di tayo maka kakain.”
“Sabihin mo nalang na masama pakiramdam ko.”
Tinignan niya ang kanyang ate ng pagkadismaya
“ACHII!! So ano, ako lang mag isa sa grupo?”
“Andun si Ray, siya lang muna kasama mo.” Sinambit ang pangalang nung isa niyang kasama na lalake.
Umiling iling ang dalaga sabay hila sa kanyang ate.
“Hindi pwede. Dapat andun ka. Bakit ba?”
Hindi nakapag pigil si Jessie at sinabi ang nangyari nung gabi.
Nanlaki ang mata ni Ranya at bigla siyang pinaghahampas ng unan.
“OMG Achi!!! Si Sir Stephen! Sure ka? Di ka namalik mata? Ohemgeee!! Hala sabi ko na eh, kasi nung naghapunan kami tinanong kung kompleto ba, ayiee ikaw pala hinahanap niya!” Kinikilig ang bata sabay hampas ng unan.
Ngayon naintindihan na ni Ranya ang nadarama ng ate niya. Pero gayunpaman, di ito naging dahilan para di siya makapag training sa unang araw.
Dali dali niyang hinila ate niya para magbihis.
“Bihis na achi pag di ka pa magbihis magsusumbong ako kina daddy. Dali na.”
Sumama ang tingin niya sa nakababatang kapatid. Pero wala siyang nagawa kundi nagbihis.
Nawalan siya ng ganang kumain samantalang kumain ng tinapay lang at nagkape ang kapatid. Sa lunch nalang daw siya babawi. Habang siya ay kumakain, sakto namang dumating na si Ray.
“Howdy girls, ready na for training?” pagbati nito.
“Good morning ate! Bakit naka simangot kna naman?” Kanyang bati nang makita niya to.
Natawa lang si Ranya at nagsambit na ito’y problemado sa taong nagkakagusto sa kanya.
“Talaga ba? Uy sino yan? Pashare ng news.” Ani ni Ray.
Pinalapit ni Ranya si Ray at binulong kung ano ang nangyari. Maging si Ray ay nanlaki ang mata at mukhang magcecelebrate sa saya.
“Hala na! Sabi ko na! may mamumuong love team!” banat ni Ray nang makitang mas lalong namroblema ang ate niya.
“Sabi ko na eh, may hinahanap siya kagabi. Tapos alam ko kompleto na tayo maliban sayo.” Parang batang nakakuha ng candy kung makatalon si Ray.
“Wag ka mag alala ate, kami bahala sayo!” ani ni Ray.
Tahimik lang si Jessie hanggang sa kelangan na nilang pumasok sa room for the training.
Iba iba ang room na naka assign kada grupo. Nauna nang nakapasok sina Ranya at Ray at kanilang sinigurado na ang upuan ni Jessie ay yung sa katabi ni Sir Stephen.
Nagtaka si Jessie kung nasaan na sila kasi nag CR muna siya, pagdating niya nalang sa room siya nalang pala inantay at sa kasamaang palad mismong sa harapan pa siya nakaupo. Nakita niya si Ranya at Ray na nakaupo na rin at may nakalaang upuan para sa kanya.
Nakita niya si Stephen na napalingon sa kanya nang pumasok siya. Seryoso ito ngunit sinabihan lang siya na umupo na.
Dali dali siyang naglakaad patungo sa pwesto niya. And just like that, natapos and apat na oras na training at naglunch muna.
Pero bago maka alis si Jessie ay tinawag siya ni Stephen,
“Jessie, sandali.. Maiwan ka muna.” Kanyang pahabol.
Nauna nang lumabas si Ranya at Ray at inantay ang ate nila sa restaurant ng Hotel, andun kasi may libreng pakain sa mga trainees.
“Bakit po?” kanyang tanong nang sabihan siya na magpaiwan muna.
“Have lunch with me?” yaya ng binata sa kanya.
Kumurap kurap mata niya at mahinahon na sinabing sa restaurant siya ng hotel kakain kasama ng kaibigan at kapatid niya.
“It’s okay. Andito lang naman sila. I just want alone time with you if that’s possible”
Gusto niyang umayaw sa kanya pero nakakahiyang humindi ulit. Tumango siya at sabay silang lumabas sa room.
Nagtext siya sa dalawa na hindi siya makasama sa pagkain ng lunch kasi inimbitahan siya ni Stephen.
“Okies Achi! Ayiiee”
“Sure. Basta may pasalubong. HAHAHA”
Napangiti siya sa reply nung dalawa at umiling iling ang ulo niya. Nasa sasakyan na sila at nakita ni Stephen na napangiti si Jessie sa phone niya.
“Naiinggit ako sa nakakapatawa sayo. Sana magawa ko rin yan minsan” naka nguso na sabi nito.
At talagang natawa siya kay Stephen sa pagnguso niya. Ngumiti ng maluwag si Stephen nang siya’y tumawa sa kanya.
“Sigurado po ba kayong cold kayo sa ibang tao? Ba’t para pong hindi?” tanong ni Jessie sa kanya.
“Reserved lang to sayo. Kahit tanungin mo sila, di ako nakikipag usap sa mga babae unless it’s business...”
Naka o lang ang mga labi niya habang tumatango siya sa sinabi ni Stephen.
Nang makita niya kung saan sila dumadaan, nagtanong na siya kung saan sila papunta.
“Sa restaurant ng friend ko. Wag kang mag alala mas masarap dun” nginitian niya si Jessie at akmang liliko na sa isang Italian na restaurant.
Tumingin tingin siya sa lugar pati na kay Stephen.
“Baka di ko afford dito ah.”
“Sino nagsabi ikaw magbabayad?” natawa niyang tanong.
“Wala lang. Naninigurado lang.” kibit balikat niyang sinagot.
Lumabas na sila ng kotse at pumaloob sa restaurant. Saktong nandoon yung may ari na siyang nag entertain sa kanila.
“Oh, to what do I owe this visit my friend?” pagbati ng kaibigan ni Stephen sa kanya, saka bumaling sakin.
“Wow, first time may dinalang babae dito ah. Girlfriend ba?”
Tumawa siya at umiling.
“Just a friend. Kakain lang kami dito, Rudy” kanyang paliwanag.
“You don’t say. Wala kang kaibigang babae na dinadala rito sa restaurant ko”
Malakas ang tawa nang nag ngangalang Rudy kay Stephen. Pero nang mapansin ulit siya, ito’y nagpakilala na.
“Sorry Miss, I’m Rudy. And you are?” binigay niya ang kanyang kamay upang kami ay mag hand shake na kanya namang tinaggap.
“Oh, Jessie po” kanyang pagpapakilala
Nagkunot noo siya at parang biglang may na alala. Bumaling siya kay Stephen at bumulong.
“Yes.” Sagot nito kay Rudy nung siya ay bumulong.
Tumango siya at hinatid sila sa isang private room.
Namangha siya sa kalinisan at bango nung kwarto.
Naramdaman niyang may tumititig sakanya, tinignan niya si Stephen at di siya nagkamali.
Kanina pa pala siya pinagmamasdan sa reaksiyon niya sa restaurant.
Pilit siyang ngumiti at nagsambit na ito’y maganda.
“Mukhang mamahalin nga. First time ko makarating sa ganito.”
Ngumiti si Stephen habang tinititigan siya.
“Pwede naman kitang dalhin dito anytime.” Yaya pa niya.
Umiling iling si Jessie
“Hindi mo kailangan gawin yon. Nakakahiya na nga na dinala mo ko dito.”
“Bakit ka nahihiya?”
“I mean, why would you spend your money on someone? Di mo naman ako girlfriend”
“Because I want to... And I like you”
Namula ang mga pisngi ni Jessie at tumingin sa ibang direksyon, maya maya ay napa inom siya ng tubig.
“Gusto talaga kitang makilala. I would also love it if you do the same with me.”
Hindi inaalis ni Stephen ang mga mata niya kay Jessie at natutuwa siya sa nakikita kada may sinasabi siyang galing sa puso niya.
Halos matutunaw na sa kanyang kinauupuan si Jessie sa mga pinagsasabi ni Stephen sa kanya.
“Pinaglalaruan mo ba ako? O may bet ba na kasali ka kaya kelangan ka Manalo?
Kumunot ang noo ni Stephen sa narinig, biglang nag init ang kanyang dugo ngunit siya’y nagtimpi.
“Do I look like playing a game to you? Is my feeling a joke to you?”
Napalunok si Jessie ng wala sa oras nang makita niyang seryoso nang nakikipag usap si Stephen. Lumabas ang pagiging cold niya.
“Who knows?” kanyang ganting sagot.
“Did guys do that to you kaya ganyan ka mag isip sakin ngayon?”
Tumingin lang sa baba si Jessie, saka dumating ang kani kanilang pagkain.
“Eat. I know you haven’t eaten breakfast” yaya niya kay Jessie
Nagulat siya nang marinig na alam niyang di siya nag almusal nung umaga.
“Paano mo nalaman?”
“I have my ways. Now Eat.”
Sa oras nayun natakot siya sa pinapakitang kaseryosohan ng binata sa kanya. Taliwas sa kung gaano siya ka lambing sa kanya nung nagdaang araw.
Natapos silang kumain, naramdaman niyang nabusog siya kahit pa sobrang tahimik nila.
Nang lumabas na sila sa kwarto ay sinalubong sila ng may ari. Tumango lang ito kay Stephen since ilang beses na itong kumain doon.
Subalit pagbaling kay Jessie ay maluwag itong ngumiti at tinanong kung kumusta ang pagkain.
“Ah, masarap po, nabusog po ako. Masyadong maraming servings eh.”
At ikinatuwa naman yun ng may ari. Sumunod na si Jessie kay Stephen na nag aantay sa kanya sa pintuan.
Pinagbuksan pa siya ng pintuan sa restaurant at kotse ni Stephen kahit tahimik lang ito.
Tinignan niya ang binata saglit at pumasok sa sasakyan.
Nagpaalam na si Stephen sa kaibigan before pumasok sa sasakyan.
Nakita ni Stephen na di pa siya nakapag seat belt kaya siya na mismo ang gumawa nun.
Nagulat si Jessie at bumulong ng mura sa sarili dahil nakalimutan niyang gawin ang napaka simpleng bagay.
Tahimik nilang binabay bay ang pabalik sa resort. Nabibingi si Jessie sa katahimikan kung kaya’t siyang nauna magsalita.
“I’m sorry…” pabulong niyang sinabi.
“What?”
“I said I’m sorry” mas malakas na niyang nasabi.
“For what?”
“Kasi pinagdudahan kita.”
“Ahh. Okay.”
“Wag mo nako pahirapan, sorry na di ba?”
Natawa siya sa pagsorry ng babae sa kanya. Lumambot ang puso niya ng makitang parang guilty siya sa mga sinabi niya.
“One thing you have to know about me, I’m always dead serious. Kaya ayoko ng pinagdududahan ako. Lalo na sa nararamdaman ko.”
Tumingin si Jessie sa labas ng bintana habang binabaybay nila ang pabalik ng resort.
Nang sila ay makabalik na. Si Stephen mismo ang nagtagal ng seatbelt niya at akmang hahalikan siya.
Pumikit ng mariin si Jessie at inaantay ang anuman mangyayari. Ngunit sa noo niya mismo naglapat ng halik ang binata saka siya pinakawalan.
Napamulat si Jessie sa natatawang Stephen.
“Don’t worry, I can wait. I just hope you give me that chance.”
And with that nag tanggal na siya ng seat belt at bumaba.
Kinatok niya ang bintana sa side ni Jessie para siya’y bumaba na.
Bumalik sa kanyang pag kaka bato si Jessie at bumaba ng kotse. Inantay siya ni Stephen na nakatawa sa gilid niya.
“I won’t hurt you. I’ll wait” Seryoso nitong sinabi.
Inalalayan na niya si Jessie makapag lakad papuntang room pero nang siya ay nasa bungad na ay tinawag ng kaibigang elite din, nag excuse muna siya samantalang siya dumiretso sa upuan.
Excited na nag aabang ang dalawa sa ate nila.
“Saan kayo pumunta?”
“Uyy pasalubong ko asan na?”
Tahimik lang siyang umupo.
Kalaunan pumasok na ang trainer nila na seryoso ang mukha.
“Okay trainess, it seems di kayo pwedeng pabayaan ng kayo lang? Bakit may away na naganap sa pilahan?”
At natahimik ang silid. Mukhang ginalit ninyo ang nananahimik na dragon.