(Zandro POV) " Good morning" bati ko kay Penelope. Maaga pa lang nagpunta na ako sa bahay nila para makita ang mag-ina bago ako pumasok sa opisina ko. Pinapasok niya ako at nakita ko si Ethan nakaupo at kumakain ng almusal nito. " Good morning baby" bati ko dito. Bumaba ito sa upuan at nagtatakbo papunta sa akin. Kinarga ko ito at hinalikan ang pisngi. Naamoy ko sa pisngi nito ang ulam nila. Amoy itlog na pinirito ang anak ko. " Itlog ulam niyo anak?" tanong ko tumango ito. Tumingin ako kay Penelope habang inaayos ang lamesa. " Kumain ka na ba? " tanong nito sa akin. Pero hindi ito nakatingin. " Hindi pa ako kumakain. " sabi ko kaya napatingin ito sa akin. Nakasuot lang ng pantulog si Penelope na kulay creme. Kaya lumitaw ang kaputian nito. " Kumain ka na dito. Pagpasensyahan mo na