Episode 24

1134 Words

(Penelope POV) Nakikipag-usap ako sa kasama ko dito sa TESDA na kapwa ko din studyante. Naging close ko na din ito magmula ng unang klase. Mabait naman kasi ito, masarap kausap. " Penelope sarap ng nabake mong cupcake. Bilib na ako sa iyo." sabi ni Allan ang kaclose ko dito.  " Naku binobola mo naman ako. Ito sa iyo na iyan." sabi ko. Ibinigay ko ang isang cupcake na ginawa ko. " Salamat tamang tama nagugutom na ako. Sa susunod pupurihin ko ulit ang gawa mo para may libre ulit. Dapat dalawa naman" hinampas ko siya sa balikat nito. Nagkatawanan kami. Nasa ganoong kaming tagpo ng sumulpot bigla si Zandro. Nakasimangot at kunot na kunot ang noo na nakatingin sa amin. " Penelope" tawag nito sa akin. Lumapit ito sa amin at bigla niya akong hinawakan sa baywang kaya napalapit ako sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD