Zandro's POV Nakatingin lang sa akin ang Tatay ni Penelope na parang hindi masaya na nakita niya ako. Naiintindihan ko naman s'ya sa part na 'yon. Malaki ang naging kasalanan ko sa kanyang anak. "Magandang araw po," bati ko sa kanya ngunit nanahimik lang ito at hindi pinansin ang pagbati ko. Napasulyap ako kay Penelope na ngayon ay buhat ang anak namin. My son is looking at me, I smiled at him. Anong tuwa ko nang nag-smile rin ang anak ko sa'kin. "Hindi ba sinabi ko sa'yo Mr. Lopez paghirapan mo munang kunin ang tiwala ng anak ko? Ngunit tila ba parang mataas ang kompiyansa mong makukuha mo na s'ya." "Naiintindihan ko po ang inyong galit sa akin. Ngunit gagawin ko po ang lahat ng makakay ko upang makuha ang kaptawaran ni Penelope. Seryoso po ako sa aking tinuran." Wika ko. Gust