Penelope's POV "Pene, ako na magde-deliver kaya ko na ito." Magmula nang magresign kaming pareho ni Heidi sa work namin, nag-business na lang kami ng mga sweets na ginagawa namin. Natutunan ko na rin gumawa ng leche plan at iba pang mga sweets. Mabenta ang mga tinda namin. Nagkaroon kami ng puwesto sa bayan. Kapag may o-order, kami mismo ang nagdedeliver. Nagpapasalamat ako kay Tatay dahil kahit malayo kami suportado niya ang apo nito. Nahiya na ako imbes ako ang tumutulong sa kanila ako pa ang binibigyan nila. Kapag natapos ko na ang pag aaral ko sa TESDA. Nag-aral kasi akong baking lesson. Tuwing weekends ang pasok ko. Plano naming magpatayo ni Heidi ng bakery dito sa lugar namin. Malaki na si Ethan higit isang taon na ito malapit na siyang magtwo. Nakakalakad na ito ng diretso ka