Episode 20

1428 Words

Zandro's POV Nagpunta ako sa bahay nila Penelope pero wala na sila doon. May nakapagsabi na kapitbahay umalis na ang mag-ina. Walang nakakaalam sa kanila kung saan sila nagpunta. Kahapon sana ako pupunta kaso sinamahan ko ang nobya ko sa shooting nito sa Rizal kaya hindi natuloy. Nasipa ko ang gulong ng kotse ko dahil sa inis. I need to know where she is. Naisip ko si Mommy Let baka alam niya kung saan lumipat si Penelope.  Pinarada ko ang sasakyan sa may harapan ng gate namin. Nagtatakang tiningnan ako ng security guard na nakabantay sa harapan ng bahay. Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay. Hinanap ko si Mommy. Nakita ko itong nagdidilig ng halaman sa may garden nito. "Mom!" tawag ko dito. Napangiti ito ng makita niya ako. Nagtataka niya akong pinagmasdan. "Iho, may problema ba?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD