Penelope's POV Ang bilis ng panahon 7 months na si Ethan. Nakakaupo na ito at naitatayo na niya ang paa pero kailangan pa rin ng alalay. He looks like me. Pero ang kilay niya ay nakuha niya kay Zandro. Naghahanda kami ngayon dahil susunduin kami ni Tita mamasyal kami pagkatapos pupunta sa bahay nila. "Anak, nandito na si Tita mo," sabi ni Nanay. Binuhat ko si Ethan lumabas na ng silid namin. Kinuha naman ni Nanay ang bag na dadalhin ko. "Leticia, buti naman nakadalaw ka dito. Matagal rin hindi ka namin nakikita," nakangiting sabi ni Nanay. "Oo nga. Gusto ko rin makita kayo ni Kuya. Kapag may oras uuwi ako sa Mindoro. Namimiss ko na sina inang," sabi ni Tita. Nakakatuwa lang kahit mayaman na si Tita napaka-down to earth pa rin n'ya. She is still the Tita I have known when I was a kid