Penelope POV Two months mula ng nanganak ako. Bumalik na ako sa trabaho. Nalaman din nila Nanay at Tatay ang kalagayan ko nang minsan biglaan ang pagdalaw nila sa akin. Sa una nagalit sila sa naging kalagayan ko. Pero naglaon tinanggap na rin nila. Wala rin naman daw silang magagawa at nanganak na ako. Nagalit pa nga sila dahil hindi ko sinabing buntis ako. Maiintindihan naman daw nila iyon, anak nila ako. At ang bata ay isang blessing. Madami naman daw diyan na kagaya ko na nabuntis na walang ama. Nagpapasalamat ako dahil naintindihan nila ako. Sadyang mabubuti ang mga magulang ko. Malawak ang kanilang pang-unawa. Dahil wala naman mag-aalaga sa anak ko. Si Nanay ang naiwan dito sa Maynila at si Tatay ay bumalik sa Mindoro. Walang mag-aasikaso sa sakahan namin doon. "Ang pogi ng an