Zandro's POV NAPATINGIN ako sa baby na kasama ni Mommy Leticia. "Kanino pong anak iyan, Mom?" tanong ko sa stepmother ko. Pinapatulog na n'ya ang baby. Nakakatuwang panoorin ang bata habang dumedede. Nakapatong ang paa sa unan nasa paanan n'ya. Nakataas ang isang kamay sa may ulunan samantalang ang isang kamay nakahawak naman sa buhok na nilalapirot ang buhok nito. "Sa pamangkin kong si Lupe. Anak siya ng kuya ko," sabi nito. Nakatulog na ang baby nakababa na ang bote n'ya. "Ako na po ang magbabantay sa kanya. Tatabihan ko na lang po," boluntaryo ko. "Okay, lang sa iyo?" nakangiting wika n'ya. "Okay, lang po." natatawa kong saad. "Aba, mukhang nagsasanay ka nang mag-alaga ng baby, ah?" biro n'ya sa 'kin kaya natawa ako. Kinagiliwan ko lang ang baby kaya gusto kong tumabi