Penelope POV Sobrang saya ko dahil naka-graduate na kami ng bestfriend ko sa wakas. Nagsalo salo lang kami kasama ng pamilya ko at pamilya ni Heidi. Ilang araw lang naglagi sila Nanay at Tatay dito. Nakituloy muna sila sa inuupahan ni Heidi. Buti wala si Zandro kaya wala akong trabaho sa kanya. Balita ko nag-out of town ang pamilya nito kasama ang fiancee. Umabot ng isang buwan na hindi pa umuuwi si Zandro. Kaya gumawa na lamang ako ng sulat para makapagpaalam. Iyon naman usapan namin pagkagraduate wala na ang pinagkasunduan namin. Inayos ko muna ang condo nito bago ako umalis. Iniwan ko na ang susi na binigay niya sa akin. Sa pag-alis ko iiwan ko ang puso ko. Nangilid ang luha ko. Aminin ko man or hindi namimiss ko siya kahit sinasaktan niya ako. Natutunan ko siyang mahalin. Kahit sobr