"Hindi kita maintindihan, Mr. Acosta!" asik ko dito at muling sinubukang itulak ang malapad nitong dibdib. Damn it! Ngunit, bago ko pa ito tuluyang maitulak ay nahawakan nito ang dalawa kong kamay. Our eyes locked. Oh, gosh! Tila huminto ang aking mundo. Ang kaninang pilyong ngiti nito'y napalitan ng kakaibang kalungkutan. "I'm just trying to forget her, but I can't. I just missed her." Napayuko ako. Bakit ko ba naramdaman ang kakaibang damdamin. Maybe, naawa ako sa narinig mula rito. Pagdaka'y maingat ako nitong pinakawalan. Saka ito tumalikod at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kasalukuyan itong nakatanaw sa malinaw na buwan na siyang nagsilbing ilaw sa madilim na gabi. Sumasalamin ang liwanag nito sa malinaw na dagat. Kasabay nang lagaslas ng ilang dahon sa may hardin s