Ilang oras kong pinag-aaralan kung paano ko maibabangon ang kompanyang papalubog. I am helpless. I closed my eyes and let out a deep sigh. I massage my temple in a frustrated manner. I was so damn, stressed. Argh! I was thinking the steps of situation analysis. Again, I remembered Orson Acosta's offer that still keep on haunting my thoughts. Will I accept it? Paano nga ba kung may kapalit 'yon? Biglang bumangon ang kaba sa aking dibdib. Tama ba na tanggapin ko ang offer na inilahad nito sa'kin? Naguguluhan pa ako. I can't decide properly. Almost three weeks na ang nagdaan ng mag-offer sa'kin si Orson Acosta.
Muli'y hinarap ko ang sariling laptop. I'm afraid of, what if our company totally stops all operations and goes completely out of business? I can't afford to lose our company. Nakasalalay dito ang kinabukasan ng aking mga kapatid. At ako bilang ate kailangan kong mag-isip ng paraan and be matured enough to decide what is the best.
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang katok mula sa aking pinto. Pumikit ako saglit bago nagsalita. "Come in," saad ko.
"Ma'am, hinahanap po kayo ni Mr. Acosta papasukin ko po ba?"
Nagpakawala ako ng marahas na hininga bago sinagot ang aking sekretarya, kasalukuyan akong nasa Del Fuego building. Pinag-aaralan ang ilang magagawa ko para maibangon ang kompanyang malapit ng malunod. Damn it! Palibhasa'y wala akong alam sa larangan ng negosyo. Ngayon ako nagsisisi, sana nakinig ako noon kay Papa. Tunay nga'ng nasa huli ang pagsisisi.
"Sige, papasukin mo siya," sa wakas ay sagot ko.
Narinig ko ang mahinang pagbukas ng aking pinto, tanda iyon na lumabas na ang aking sekretarya. Sa pangalawang pagbukas niyon medyo nagulat ako, pero kailangan kong manatiling kalmado sa presensiya ni Orson. Sumalubong sa'kin ang mga mata na tila kay dilim ng gabi. Nailang ako ng mag-tama ang aming mga paningin. Pormal na hinarap ko si Orson. Masasabi kong ibang-iba na talaga ang awra at dating nito. Malakas ang s*x appeal. I'm wondering about kung ilang babae na ang lumuhod sa harapan nito.
"Good morning, looks like you're problematic."
"Good morning, I am," ganting bati ko dito at ngumiti ng tipid. Hindi makatingin ng diretso sa mga mata nito. Iminuwestra ko ang couch na naroon para ma upo ito.
"Thank you, so, siguro naman nakapag-isip ka na at nakapag-desisyon ng maayos."
Tumikhim ako sa narinig mula rito. Tumayo ako mula sa aking swivel chair at naupo sa katapat nitong couch. "I finally decided to accept your offer. I don't have any choice, mas mahalaga sa'kin ang maibangon ang kompanya ng aking ama. Hindi ko alam kung anong balak mo at naisipan mong makipag-negotiate sa isang kompanyang papalubog na. Liban na lang kung maisipan mong gumanti sa'kin sa nagawa ko sa'yo noon. O para ipamukha sa'kin ang tagumpay na natamo mo ngayon," prangkang saad ko kay Orson, sinalubong ko ang walang emosyon pa rin nitong mga mata.
"Past is past, hindi na iyon kailangan pang pag-usapan. I've told you, I believe in professionalism." Pormal na tugon sa'kin ni Orson. Hindi ko alam, pero bakit bigla akong nakaramdam ng panghihinayang sa narinig mula dito? Damn it! Ipinilig ko na lamang ang sariling ulo at pilit inalis ang walang-kwentang damdamin, the main target here is all about our company not my personal problem.
“Well, it’s good to hear that. I admit that I don’t have any experienced upon managing a company. All I know is only basics,” sagot ko habang pilit na nilalabanan ang pagkailang sa mga titig nitong tila nanunuot sa aking mga kalamnan.
"Well, sometimes companies find themselves on the wrong track. Weather to flawed strategy, incompetent management or even a handful of small glitches that slow down the entire enterprises; some businesses just need someone to come in and make big decisions to change course."
"That's why I accept your offer. Alam kong matutulungan mo ako sa problemang kinaharap ng kompanya namin, kahit pa nga sabihing ang laki ng kasalanan ko sa'yo noon," tugon ko dito sa nahihiyang boses, napayuko ako.
"I've told you already, let's forget about that. Focus tayo sa papalubog ninyong kompanya, stop inserting the past in our conversation. Hindi 'yan nakakatulong sa problema mo."
Lihim akong nasaktan sa narinig mula sa bibig ni Orson. Damn! Ba't ko ba nadarama ang ganitong pakiramdam? Stupid! Medyo na insulto ako sa sinabi nito, tila ba pinapalabas nito na wala na itong pakialam sa noon. Pero bakit hindi ko iyon matanggap? Nakakaluka lang. F-ck! I need to focus our conversation. I feel a little embarrassed. Sh-t!
"Ano bang dapat kong gawin?" tanong ko kay Orson.
"Eliminate preconceived notions and become a blank state, focus on the people, acts fast but don't act stupid, do not hide from the truth, remember, a CEO should calm nerves, not amplify anxiety, don't be driven by pride of fear, and allow your people a chance to turn themselves around for the good of the company."
Lihim akong namangha sa narinig mula kay Orson. Napansin ko ang pormal nitong anyo at halatang seryoso sa sinasabi nito. Bawat binitiwan nitong salita ay pinakatandaan kong mabuti. Napatango-tango ako sa sinasabi nito. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng aking opisina at pumasok roon ang aking sekretarya na may dalang meryenda. Inilapag nito iyon sa center table.
"Kumain na muna tayo, salamat, Irish," paanyaya ko sa aking bisita sabay sulyap sa aking sekretarya.
"Walang anuman po ma'am Hera, sige po."
"Thank you, pero busog pa ako. I just want to remind you. When I discuss something important you should learn to sacrifice. Hindi ko pa sinabing magmeryenda tayo, this is all about the Del Fuego's Industries problem, so, kailangan natin itong seryosohin. That's how business minded people think. Bilang negosyante mahalaga sa'kin ang bawat oras. I'm sorry to offend you but that's the truth."
Hindi ko na naituloy pang isubo ang tinidor na may fresh fruits na siyang pinaka-paborito ko lalo na sa mga ganitong oras. Damn it! I get his point, pero pambihira naman kung pati meryenda ay kailangan ko pang ipostpone. Lihim na naiinis ang aking kalooban sa lalaking kaharap ako. Hindi ko akalain na ka-ugali nito ang aking ama na si Hercules Del Fuego. Hindi nakapagtataka, pareho silang mga business minded. What the! Kung gayon, malawakang sakripisyo pala ang gagawin ko nito? Take note, nagsisimula pa lang ako. Paano pa kaya sa mga susunod pang mga hakbang? But, I admit na marami akong natutunan sa mga naririnig mula kay Orson. Tila ba hinahasa nito ang aking kaisipan at abilidad.