“Hindi ka dapat kung kani-kanino nakikipag-usap dahil alam mong alam ni Lola Bebe na asawa kita. Paano kung bumisita pala siya sa kumpanya? Kung nakita ka niyang masaya at nakikipaghawakan pa habang kausap ang isang lalaki, ano na lang ang iisipin niya tungkol sayo?” sermon ni Baron sa akin na hindi maipinta ang mukha. Naiintindahan ko naman kung anong pinag-aalala niya pero bakit kailangann niyang saktan at pagbantaan si Sir Ruie? “Huwag ko ng makita na kasama at kausap mo ang lalaking iyon dahil talagang makakatikim siya ng sakit na baka hindi niya pa nararanasan sa buhay niya!” banta ulit ni Baron na talagang nanggagalaiti na halata sa mukha niya. Alam niya naman na friendly ako at kailangan ko sa trabaho na maging magalang lagi sa lahat. Alangan naman magsuplada ako? “Pwede bang h