Bad Girls

4544 Words
"Pwede bang iwanan mo na lang ako? Nahihirapan kasi ako pag nakikita kita." Sabay na napahinto at nagkatinginan sina Paolo at Reighn na akmang papasok sa salas ng marinig ang boses ni Ym, sabay pa silang napasilip sa kaibigan na komportableng nakaupo sa sofa habang hawak hawak ng kanang kamay nito ang cellphone. "Nahihirapan ako pag lumalapit ako sayo. Di ko na ninanais maghanap ng iba dahil ikaw pa lamang sapat na. Iwanan mo ko, ipagtabuyan mo ko, ipagtulakan mo ko sa iba. Para maka-let go na ko at masabi kong, tama na! Pero, wag na lang pala. Nasasaktan na nga ako, baka masaktan ako lalo. Dito ka na lang, dito ka na lang sa tabi ko. Kahit masakit, kahit mahirap, titiisin ko basta dito ka lang. Magpapaka martyr ako, magpapakatanga ako ng paulit ulit, basta Cindy, wag mo lang akong iwan." "Cindy!" Sabay na sambit pa nung dalawa at iiling iling na tuuyang lumabas ng kusina, bitbit ang ilang bote ng beer, chicharong baboy, na favorite ni Reighn. Mani na favorite naman ni Paolo at adobong manok na favorite ni Ym. "Tol Ym, dumarating talaga sa buhay natin yung kailangan nating magsakripisyo para sa taong mahal na mahal natin, nagpaparaya tayo para sa taong mahal natin. Hindi natin ine-expect na yung taong matagal mong minamahal eh! bigla nalang mawawala, dumarating yung punto na wala ka ng magawa kungdi ang tanggapin na lang na yung taong mahal na mahal mo eh wala na sa’yo. Masakit man pero kailangan mong matanggap na may mga tao talagang mawawala sa buhay mo at may pumapalit sa mga nawawala sa’yo." Umupo sabay abot ng isang boteng beer kay Ym. Seryosong tinitigan ni Reighn ang kaibigan, hanga talaga sya dito, kapag nagmahal kasi ito bigay todo, di kagaya ng katabi nyang si Paolo na andaming sabit. "Lam mo Tol, minsan sa pagmamahal kailangan mo magparaya. Magparaya sa puntong iisang tabi mo yung nararamdaman mo para sa taong minsan mo nang pinahalagahan. Lulunukin at titiisin mo ang bawat araw na para bang hindi ka nageexist sa mundo niya. Siguro sa mga kadahilanang may mahal siyang iba. O dahil pinaasa ka niya at para bang wala ka talagang pag-asa... pero sa nakalipas na araw para bang pinaramdam niya sayo na masaya siya at mahalaga ka sa tuwing nakikita at nakaka chat ka niya. Akala mo noon panahon lang ang magsasaysay na magiging kayo at magkakaroon kayo ng isang masayang relasyon. Hindi man perpekto pero tanggap ang bawat isa ng may buo at tapat na puso na nagmamahal." Napasipol muna si Reighn bago binanatan ang barumbado nilang kaibigan. "Naks! Galing mong magpayo Tol Pao ah! Bakit dimu kaya i apply muna sa sarili mo? baka sakaling luminaw naman kahit konti lang yang maagiw mong utak! Hahaha." "Ulol! seryoso tayo ngayon dito!" Akmang bibigwasan na ni Paolo si Reighn ng marinig nilang magsalita si Ym. "Pero bakit ganun? lahat bumaliktad parang lahat ng pangakong binitawan bigla na lang naglaho at wala ng halaga. Pero ayos lang, ganito naman talaga pag nagmamahal eh, hindi lahat perpekto hindi din lahat may happy ending siguro nga sadyang hindi lang kami para sa isa’t-isa kaya nga sana.. Masaya na sya!” "Talagang masaya na sya Tol, mantakin mong German ang napangasawa! Abay, di lang bulsa ang umaapaw sa kanya, mas higit na nag uumapaw ang sa kanya.. Ke lalaki kaya ng kargada ng mga Greyego.. Malamang sa malamang palaging uma ariba yun! Hahhaha..." "Um! Tado ka! Napakahalay talaga nyang utak mo!" Singhal ni Reighn matapos suntukin sa tagiliran si Paolo. "Arayy!" Hawak hawak ang tagilirang nasaktan, sinipa ni Paolo si Reighn, pero nasalag nito kaagad. Yun ng umpisa ng karatehan nung dalawa na pinanood na lang ni Ym. Di na sya nag abala pang umawat dahil alam nyang useless lang ang kanyang effort at baka masaktan lang sya kapag pinaghiwalay nyang dalawa na dikitan ang labanan. Pareho pa namang malalaki ang pangangatawan, sya lang ang medyo maliit sa kanilang tatlo, di kasi sya kagaya ng dalawa na masipag mag workout. "Mga Tol, yung Roselia Delsy, sa tingin nyo ba pwedeng pantapat kay Cindy ko?" Di pinag iisipang nasambit nya bigla ng maalala ang dismayadong mukha ng dalaga sa tuwing may winner announcement ng lumalabas sa mga sinasalihan nitong writing competition. Nakita nyang pagtataka sa mukha ni Reighn, samantalang ngising nakakaluko naman yung kay Paolo na may kasama pang paghimas sa baba nito. "Ibig bang sabihin nyan Tol Ym, bibitawan mo ng dream girl mo?" Pasalampak na umupo si Reighn sa sofa na kaharap nya. "Syempre naman Tol, may laban si Delsy!.. sa malusog na hinaharap at tambok ng puwet nun.. Putragis! kahit araw arawin mo pa yun di kaagad malalaspag ang wankata ng tisay na yun!" Napapalatak pang sabi ni Paolo, halata pa sa mukha nitong wala na yatang ibang laman kundi puro na lang kahalayan. "Ulol! Umiral na naman yang kamanyakan mo." Naiiling na lang syang inabot ang bote ng beer saka lumagok ng sunod sunod.. matagal na nyang sinusubukang ibaling sa iba ang kanyang pagtingin, pero palagi syang bigo. Hanggang sa masilayan nya si Roselia Delsy... may kakaibang karisma ang tisay na yun na humahatak sa kanya palapit dito, na kahit pa balewalain nya sablay naman palagi ang kanyang diskarte. 'Bakit kaya bigla na lang akong nauhaw sa sinabi ng betlog na'to? Tsk.. Nahawa na yata ako sa kalibugan nito ah?' "Kilalanin mo muna bago ka gumawa ng hakbang na baka bandang huli ay iyong pagsisisihan." May babalang sabi naman ni Reighn sa kanya. "Bakit kilala mo ba ang Delsy na yun Tol?" Bilang sagot sa tanong nya, inginuso nito si Paolo na ngumunguya ng mani. "Ang adik na yan ang tanungin mo." "Nga naman, lagi kong nakakalimutan na pagdating sa mga babae.. eksperto ang betlog na yan." "Naman! Ako pa ba? Mula hibla ng buhok hanggang talampakan, unang tingin ko pa lang sa isang babae, malalaman ko na kaagad kung sya ba ay isang keeper or isang give away.. hehe." "Anu namang ibig sabihin nung keeper or give away na yan ha?" Naguguluhan nyang tanong kay Paolo na ngingisi ngisi lang, habang si Reighn naman ay tila nagpipigil na huwag mapabunghalit ng tawa. "Simple lang Tol Ym, yung keeper ay fresh na fresh pa! Samantalang yung give away naman, eh laspag na laspag na! In short... kumbaga sa buaklak toxic na sya, kaya iwasan mo na bago kapa mahawa.. Gets mo?" "Langya! galing ng explanation mo Tol Pao, ah! Sa toxic pa lang gets na gets ko na." Napapalatak naman nyang sabi kay Paolo na mas lumapad pang pagkakangiti sa kanya. "Hahaha.. Tol Ym! Wag mong masyadong purihin ang adik na yan! baka lalong mapraning sa sobrang kahanginan matangay pa tayo." Napa ismid na lang si Paolo sa mga sinabi ni Reighn.. Eh kung tutuusin parehas lang naman sila ng gawain, ang kaibahan lang naman nilang dalawa, sya bulgar sa isip, sa salita at sa gawa.. Samantalang ito naman malihim, masekreto, mailap. "Wag magmalinis Tol Reighn... alam kong mga galawan mo, kaya wag ako ang banggain mo! dahil kung tutuusin parehas lang tayong mani ang paboritong sipsipin." "May taste naman ako Tol Pao, di ako nagpapadagit sa mga paniki! Di gaya mo laging uhaw at sabik sa mani." 'Anubang dalawang 'to? nubang problema ng mga ito? Nagtatalo dahil lang sa mani? Bakit?' Napaatras na lang si Ym ng umabante pasugod si Paolo kay Reighn. Pero bago magpang abot yung dalawa, nahablot na nyang braso ni Paolo sabay hila pabalik sa inuupuan nitong sofa. Nasagi pa ng binti nitong lamesa kaya nagkanda bagsakan sa lapag ang mga bote ng beer na walang laman. "Napano ba kayong dalawa ha? Bakit kayo nag aaway? Bakit kayo nagtatalo dahil lang sa mani na yan? Aba! Kung yun lang pinag aawayan nyu bibilhan ko kayo! Sako sako pa! para wantosawa kayong dalawa." "Hahahahaha..." Ang tensyonadong paligid nila kanina biglang nagbago ng sabay na humagalpak ng tawa sina Paolo at Reighn. Maluha luha pa ngang dalawa na lalong ipinagtaka ni Ym. "Hoy! Mga ungas! may nakakatawa ba sa mga sinabi ko? Mga baliw na'to ang gulo gulong kausap.. pag untugin ko kayong dalawa dyan eh!" Habang sinasabi nya yun panay ang dampot nya sa mga bote ng beer na nagbagsakan sa carpet ng sala nya. "Ikaw ang nakakatawa Tol Ym! Maghanap kana ng syota, para malaman at maintindihan mo ang tungkol sa mani! Hahaha." Dahil sa sinabi ni Paolo, napaisip sya ng malalim, hanggang sa nakukuha na nyang nais ipahiwatig nung dalawang nagtatawanan pa rin. 'Mga gagong 'to! Naisahan na naman ako. Sarap pag uuntugin eh!' Naiinis nyang niligpit ang kanilang mga kalat, dinalang lahat sa kusina. Pagbalik nya sa mga kaibigan may kausap na si Paolo sa cellphone nito, at base sa mga naririnig nyang palitan ng mga salita ng kausap nito, may hindi magandang nangyayari. Parang machine g*n na naman ang bunganga nitong rumaratatat sa malulutong na mura. Namula lalong mga mata nitong namumungay, marahil inaantok o dahil galit na galit. O mas tamang sabihin na tumira na naman ito ng damo. "Anubang problema ng babaeng yun at palagi na lang ginugulo ang mga kakosa ko? Naghahanap yata ng gulo ang isang yun ah! Ako pang binabangga nya hah! Hintayin nyo ako dyan! Maliwanag?" Nagkatinginan na lang kami ni Reighn ng mabilis na tumakbo si Paolo palabas ng condo unit ko. 'Tadong yun! Para lang kaming palamuti ng sala na di nya nakikita ah!' "Anong nangyari sa Adik na yun at nagkakandarapang umalis? Ni hindi man lang nagpaalam eh!" "Tara Tol Ym, sundan natin baka kakailanganin nun ng back up." Mabilis na hinablot ni Reighn ang kanyang jacket na nakasampay sa sandalan ng sofa sabay tapik pa nto sa kanyang balikat. Napahilamos na lang sya ng mukha dahil sigurado syang mapapaaway na naman sila nito dahil kay Paolo. Ito kasi ang kaibigan nila na ang kaligayahan at libangan ay gulo na nakakabuhay daw sa mga ugat at dugo nito sa katawan. Yun pa naman ang pinaka ayaw nya ang makipag away, pero may choice pa ba syang iba? Alangan namang pabayaan nyang kaibigan. Kahit basagulero ito, tapat at totoong kaibigan naman nila ito. Kaya sige lang, ilalaban nya rin ito ng patayan katulad ng ginagawa nito sa mga taong malalapit dito. Lokoloko man ito pero pag nagpahalaga naman.. buwis buhay ang mga galawan ng adik na ito. At sa aaminin nya man o hindi! Bilang lang ang mga kaibigan nyang pinapahalagahan, iniingatan, minamahal at inaalagaan. "Tol Ym! Bilisan mooo..!" Sigaw pa ni Reighn sa kanya pagkalabas nyang elevator sa ground floor, nakasampa na nga ito sa big bike nito at nagsusuot ng helmet. "Sige lang Tol Rr, sunod ako sayo!" Tinakbo nyang big bike na kabibili lang nya, dahil sa pamimilit ng kanyang mga kaibigan, nagsuot muna sya ng helmet, at ng makasampa mabilis nyang pinaharorot ang motor pasunod sa dereksyong tinahak ni Reighn. Sa bilis nitong magmaneho dina nakapagtatakang nakita kaagad nito si Paolo na patalon ang pagbaba sa motor nito na basta na lang hinayaang matumba sa daan. Mas tutok ang atensyon nito sa grupo ng tatlong kalalakihan at anim na babaeng nagbabakbakan ng laban. "Graciousness!" Kitang kita ni Ym kung paano hinablot ni Paolo sa bewang ang babaeng kulay itim ang buhok, saka basta na lang ito hinagis kung saan na para bang isang manipis lang na karton. Sunod nitong dinakma ang isa pang babae na kulay blonde naman ang buhok. Ibabalibag na sana nito ng sumigaw ang isa pang mistesahing babae na kulay pink naman ang buhok, nanlalaki ang kanyang mga mata ng makita ang mukha nito. 'Roselia! Roselia Delsy?' "Sige! Subukan mong saktan ang kaibigan ko't manghihiram ka ng mukha sa aso!" Nabitawan tuloy ni Paolo ang babaeng panay ang pasag makawala lang sa mahigpit nyang pagkakahawak. "Miss Delsy! Na sorpresa naman ako sayo! hehe, anubang atin?. Bakit nyo pinagtitripan itong mga kakosa ko?" Nakangiti man ang bukas ng mukha ni Paolo, alam na alam ni Ym ang nasa isip nito... Paniguradong nagpaplano ng utak ng adik na'to kaya nagmasid lang sya sa mga ito. Isapang babae ang lumapit kay Roselia, maganda rin ito sopistikada, halatang galing sa angkan ng mga Buena Familia. Halatang halata naman kasi sa mga kasuutan nitong puro branded, maging ang mga alahas na suot nito tantyado nyang matataas ang kaledad. "Nagkita na naman tayo Andrade! Kumusta ng bagong marka mo? Burdado na rin ba? Hmm.. Anong desenyo ang pinalagay mo?" Paniki ba o damo? Hehehe ka rin!" 'Dyata't magkakilala na palang dalawang ito.teka lang... parang nakita ko ng babaeng to? hmmm.. saan nga ba yun?' napaisip pa sya ng malalim, maya maya napapalatak na lang syang tinitigang maige ang mukha nung babae. 'Tama! sya nga yung sumaksak kay Tol Pao dun sa labas ng subdivision namin! tingnan mo nga naman ang pagkakataon.. mukhang magkaibigan pa sila ni Roselia.' "Uy Queen! Na miss kita!" Sinulyapan muna ni Paolo ang limang babae na isa isang lumapit sa kanila. "Diko inakala na mga katropa mo palang mga hot babes na'to? Woww.. Boombastic Ladies woah!" "Malibog talagang betlog na'to!" Naiiling na lang si Ym na tinapik ang katabing si Reighn, tumango naman ito sa kanya, magkasabay nilang nilapitan ang kaibigan na parang asong naglalaway sa anim na babaeng naka poker face lang na nakikipagtitigan dito. "Tol Pao, tara na!" Tinapik nya ito sa balikat. "Ha! Saan naman?" Sagot nitong di man lang sya sinulyapan. "Hoy! Burdado, ilabas mo ng package ko!" Seryosong singit naman nung Queen sa usapan nilang dalawa. "Anong package naman yun?" Tila nahimasmasan mula sa mahalay na pag iisip na tanong ni Paolo sa nakataas ang kilay na si R'joy Queen, ang leader ng Bad Girls. "Maang maangan lang.. Ganun? Eh kung tusukin ko na kayang mga mata mo dyan, makaganti man lang sa pananakit mo kay Claire, maaalala mo na siguro nuh?" Sabi naman nung blonde ang buhok na dinakma ni Paolo kanina. "Master P., natunton na nila Ryder ang bahay ni Hugo." Nabaling ang pansin ng lahat sa nagsalitang lalake na maraming galos at sugat. "Good job! Rigo, dun na tayo.. Abante!" Maliksi ang kilos na tinakbo ni Paolo ang big bike nitong nakabagsak sa semento. Samantalang ang tatlong kasamahan nito ay sumampa sa isang kotse na basag yung unahang salamin, halatang binato ito kaya nabasag. Nagkalat pa sa kalsada ang mga bubog ng nabasag na salamin nito. "Kita mong ugali ng adik na yun! Nakalimutan na yatang kasama nya tayo... Tsk! Tara na nga Tol Reighn, umuwi na lang tayo." Nagtatakang nilingon ni Ym ang kaibigan ng di ito sumagot sa kanya. Natampal nyang nuo ng makita si Reighn na nakikipag usap na sa babaeng kulay blonde ang buhok, Sinulyapan nya pang ibang kasamahan nito, mula sa babaeng basta na lang binalibag ni Paolo kanina, nakilala nyang si Claire, ang 'Nice Girl' ng grupong 'Bad Girl's'.. maamong mukha at mahinhin itong kumilos, sinusuklayan nito ang katabing si Mabel, ang binansagang 'Nerd'. na ayun pa sa nakuha nyang spy, half Korean half Filipino daw ito. Naagaw ang kanyang pansin ng dalawang nagyoyosi, ito ang magkadikit parati, ang 'Playgirl' na si Ashley at ang leader nilang si R'joy Queen. Napangiti na lang sya ng makita si Rowena, 'Hooker' naman ang tawag dito na ipinagtaka na lang nya kung anong dahilan bakit karamihan sa school nila, yun ang tawag sa dalaga.. Sya ang dinakma kanina ni Paolo para sana ihagis din, mabuti't napigilan ng sigaw ni Roselia ang 'b***h' ng tropa, kaya hindi natuloy ang paghagis ni Paolo sa dalaga, kausap nito si Reigjhn na ngiting ngiti. Napabuntong hininga na lang sya. 'Hayy.. Parang pinagbiyak na bunga talaga 'tong dalawa pagdating sa mga babae! Ang bibilis ng galawan grabe! Bahala kana nga dyan malaki kana lam mo ng ginagawa mo!' Mabagal lang ang kanyang paglakad patungo sa kanyang big bike, ng mahagip ng kanyang tingin si Roselia na pasakay naman sa isang kulay itim na kotse. Nag iisa lang ito at tila nagmamadali. Ni hindi nga sya napansin ng dalaga nung dumaan ang sasakyan nito sa kanyang harapan. Nakita pa nyang pagpunas nito ng pisngi na ipinagtaka nya. Nag aalala tuloy sya dito, kahit naman papanu medyo kilala na nya ito, mahigpit nyang katunggali ang dalaga sa mga writing competition. Bawat panalo nya ay ang pagkatalo naman nito na nagiging dahilan ng panlulumo at pagka dismaya nito. 's**t! Ang bilis namang magmaneho ng babaeng yun!' Humaharorot ang kanyang motor pasunod sa kotseng itim na malayo ng agwat sa kanya. Napansin ni Ym na tila malayo na sa syudad ang tinatahak na daan ng kanyang sinusundan. Palinga linga pa sya sa paligid pero puro punongkahoy na lang ang kanyang nakikita, madalang na rin ang mga bahay. 'Saan naman kaya pupunta ang babaeng ito?' Dahan dahang nagmenor si Ym ng makitang huminto ang sinusundang sasakyan sa tapat ng isang park. Lumipas pang ilang minuto bago nya nakitang bumaba si Roselia sa sasakyan nito. Nakasunod lang ang kanyang tingin dito, ng makitang umupo ito sa isang bench saka lang sya bumaba sa kanyang bigbike, tinungo muna nya ang nagtitinda ng dirty ice cream na una nyang nakita malapit lang sa kinatatayuan nya. 'Hmmm...Sabi nila, Mabilis daw magpalusaw ng bad mood ang ice cream! Masubukan nga kung totoo yung kasabihang yun!' "Ha!" Nagulat pa si Roselia ng may lumitaw na ice cream sa kanyang harapan. Sa lalim ng kanyang iniisip di man lang nya napansin ang lalakeng nakatayo na pala sa kanyang harapan at may hawak na ice cream. "Kunin mo na't nangangalay ng mga kamay ko oh!" Napataas ang tingin ni Roselia sa mukha nung lalake ng kanyang marinig ang boses nitong pamilyar na sa kanya. "Mr. Perfect Writer? Nung ginagawa mo dito?" sabay abot nya ng ice cream. "Salamat dito" itinaas nya muna ito saka mabilis na dinilaan yung parte ng cone na may tumutulong ice cream. "Sinusundan ka? Mukhang kelangan mo ng kausap eh! Pwede bang makaupo dyan sa tabi mo?" Mabilis na umusod palayo si Roselia ng umupo si Ym sa kanyang tabi. Dina tuloy sya nakatanggi sa bilis nitong kumilos. "Sige, magkwento kana! Ilabas mong lahat ng nasa dibdib mo, para mabawasan ang bigat na yung dinadala! Makakatulong yun para gumaan ang yung pakiramdam." Wala sa sariling yumuko naman si Roselia para tingnan ang malulusog na dibdib. "Anubang sinasabi mo dyan?" Naiilang na umiwas sya ng tingin kay Ym. "Hindi yang hinaharap mo ang tinutukoy ko! Wag kang green minded dyan!" Pigil ang ngiting sabi nya sa dalaga na bahagyang namumula ang pisngi. "Heh!" Nanatili lang syang nakatingin sa mga dumadaan habang maya't mayang dinidilaan ang ice cream nyang hawak. 'Nu ba'tong lalakeng 'to, manghuhula ba ito?' "Hindi ako manghuhula! Isa akong writer.. at bilang isang writer, nakakabasa ako base sa emosyon ng mukha ng isang tao, nalalaman ko ang estado nito. Kaya sige na! magkwento kana sa'kin.. Promise di'ko ipagsasabi kung anuman ang mga ikukwento mo ngayon sa'kin!" Dun nya lang ulit tiningnan ang katabi. "Totoo ba yan? Sure kang dimu sasabihin kahit na kanino ang pag uusap natin ngayon?" May panunuring tinitigan nyang seryosong mukha ni Ym. 'Pucha! Napaka gwapo talaga ng hinayupak na'to! Panu pa ako makapag pabebe nito, kung ganitong napakaamo ng mukhang nasisilayan ko?' "Sure na sure" kindat sabay ngiti pa ni Ym sa kanya. 'Lentek! Bumigay na yatang b*a ko sa lakas ng t***k nitong puso ko! Ahahayy.. certified malandi ka talaga Roselia! Maghunusdili ka naman self... Kalma ka lang, baka makahalata ang fafalicios sa'ting kalandian!' "So... Anuna?" Umangat ang kamay ni Ym, dahan dahan nyang pinunasan ng panyong nakapa lang nya sa kanyang sling bag, ang kumalat na ice cream sa baba ni Roselia. "Ang kalat kalat mo kumain, para kang bata!" "Ha?" Napakurap pa ng ilang beses si Roselia bago nahimasmasan, kaagad nyang iniwas ang mukhang sigurado syang namumula na ngayon, dahil sa pagkapahiya sa binatang tuloy lang ang punas sa kumalat na ice cream sa kamay naman nya ngayon. "Akin na nga yang ice cream na hawak mo! Itapon na lang natin, nagtutubig na sa kamay mo oh!" Napatanga na lang si Roselia sa binata ng tumayo ito at itinapon ang kanyang ice cream sa kalapit nilang basurahan. 'Ganito ba talaga sya kabait? Naku! naman puke! este puso pala!.. Dahan dahan naman sa pagtibok! Yoko ng mapunit ka ulit.. Kaya kumalma kana!' Napaayos sya ng upo sa bench ng tumabi ulit si Ym sa kanya. Naiilang sya sa pagkakatingin nito sa kanya, kaya nako conscious syang nagtanong dito. "Bakit ka nakatingin sakin? May dumi pa bang aking mukha?" "Wala na, hinihintay ko lang na magkwento kana sakin.." "Di halatang pagkasabik mo ha!" Pabirong hirit nya pa sa binata, na di man lang ngumiti. Mas lalo pa ngang sumeryoso ang mukha nito. "Yeah! I'm really like this when I'm interested in someone, I'm determined to know her whole story." 'Interested in someone? Ako na ba yung someone na yun? Oh my goshhh.. b*a! Kapit kapa ng mahigpit, wag kang bibigay! Kundi gugutay gutayin kita!' "Hey! Okay ka lang ba?" Mahinang tapik sa kanyang pisngi ang nagpagising sa pangangarap nya ng gising. "Oo naman, okay na okay ako! . Ahm, gusto mong Ikwento ko sa'yo ang isang babae na minamahal ng lahat?" "Hmm.. Interesante!" Excited na sagot ni Ym. "Sige, kukwento ko na nga sa'yo." Pinagsiklop nyang dalawang kamay saka tumingin sa malayo, kinakabahan kasi sya, dahil ngayon nya na lang ulit ikukwento ito. At sa bagong kakilala pa lang nya. Pero nandito na kasi sya sa sitwasyong dina nya magawang umatras pa, kaya magbabaliktanaw na naman sya ngayon sa kanyang nakaraan. "May isang babae na minamahal ng lahat, ang kanyang optimismo at debosyon ay kasing tigas ng isang bato, ang kanyang buhok ay ang pinaka-kahanga-hangang kagandahan na ang lahat ay nabighani, at ang kanyang mga mata tulad ng bituin, lahat ay gustong tumingin at mahulog sa kanyang kanlungan, Hanggang isang araw, may dumating na isang lalake at hinawakan siya ng mahigpit, siya ay namangha, sapagkat ang taong ito ay malakas, nagdadala ng kapayapaan at moralidad, naniwala siya, ngunit lahat ito ay kasinungalingan, inubos lang ang lakas nya at walang dudang lumisan ito, na naging dahilan ng muntik na nyang pagkamatay." Habang nagkukwento, malayo pa rin ang tingin ni Roselia, ibang iba naman kay Ym na titig na titig sa dalaga. "Nanalangin siya at humingi ng patnubay at kapatawaran, dahil siya ay naging mahina. Takot ang gumagapang sa kanyang buong pagkatao, parang sumpa na mayroon siya, hindi niya alam kung siya'y karapat-dapat pang mabuhay, galit ang kumakain sa kanya, dahil ang kanyang pagtitiwala at pagmamahal ay nayurakan na. Ang kanyang buhok, ang pinaka-kahanga-hangang kagandahan nyang taglay ay naging nakamamatay, ang pusong kaylambot ay naging bato. Walang natira para sa kanya, ang buhay na ginugol niya sa pananampalataya at debosyon, ay binigyan ng galit at lason. Siya na dating mainit ay naging pinalamig na. Hanggang sa may mga dumating ulit sa kanyang buhay... Mga kaibigang nagbalik ng kulay, pag asa at saya sa kanya.. Naging lakas at sandigan para makabangon ulit sya, magsimula ulit ng magandang buhay, matatag, malakas at higit sa lahat maligaya." Alam ni Ym na si Roselia ang babae sa kwento nito, pero hindi na lang nya ito binanggit sa dalaga. "Bakit hindi ang story na yan ang isinali mo sa huling entry last month?" Kibit balikat lang ang isinagot ni Roselia sa kanya. Maya maya nangalumbaba ito. Humarap sa kanya at tahimik lang syang pinagmasdan. "Oh! Anong binabalak mong gawin sakin ha? Ba't ganyan ang mga tingin mo?" Kinakabahang tanong nya dito, pakiramdam nya ay isa syang mikrobyo na masusing sinusuri nito. "Nais kong malaman kung paano magsulat nang walang anumang sakit. Nais kong ihinto ang pagsusulat ng mga saloobin gamit ang aking luha bilang isang tinta, itigil ang pagbabago ng aking pagdurusa sa mga salita, itigil ang pagputol ng aking puso at pagdugo ng tula. Nais kong ihinto ang paggamit ng mga talinghaga at konstelasyon upang tukuyin ang aking damdamin. Nais kong lumikha ng isang tula na malaya sa sakit na naranasan ko. Kung ang tula ay nangangahulugang walang katapusang kalungkutan at sakit, ayoko nang maging isang makata. " "Sumusuko kana? Kala ko ba gusto mong talunin ako? Na gusto mong patunayan sa mga magulang mo na kaya mong maging writer? Panu ka mananalo ng trophy kung ilang talo kapa lang eh bumibigay kana?" "Paano mo nalaman ang tungkol dyan?" Gulat na gulat nitong tanong kay Ym. "I have spy!" "Weh! Di nga? Sino naman yun?" "Secret!" "Hmp! May pa secret secret kapa dyan! Malalaman ko rin kung sino yun!" Nakairap na binaling na lang ni Roselia ang tingin sa kalangitang makulimlim. Sumandal ito ng mangalay ang leeg, panay ang buntonghininga nito. Sumandal na din si Ym sa bench saka tumingin din sya sa kalangitan. Habang nakikipagtitigan sya sa ulap marami syang naiisip na nais nyang marinig ng kanyang katabi. "Ang buhay ay walang hangganan maliban sa mga ginawa mo. Walang mga dead end na pipigilan ka sa pagpunta sa kung saan mo nais pumunta. Walang mga pader na pipigilan ka mula sa mga bagay na nais mong makuha. There are no chains on your feet that would keep you from running to the place that you always wanted to be. None of these hindrances exist in life. Maaari mong akyatin ang lahat ng pinakamataas na bundok kung nais mo. You can reach the brightest stars that you keep on gazing at night. You can make your wildest dreams come true no matter how wild it is. Wala sa buhay na ito na imposible. Kailangan mo lamang na maging matiyaga nang sapat upang magawang posible ang lahat. Hindi mo kailangang maging isang pesimista tungkol sa mga bagay sa paligid mo. Hindi mo kailangang limitahan ang iyong sarili sa mga bagay na maaari mong gawin o mga lugar na maaari mong puntahan. Kailangan mong umalis sa iyong comfort zone upang maabot ang lugar kung saan mo nais pumunta. Mayroon kang mga pakpak kaya't lumipad nang mataas at gumala sa buong mundo. Maaari ka ring pumunta sa kalawakan kung gusto mo. Ang buhay ay puno ng mga posibilidad, kailangan mo lamang maging matapang upang sakupin ang mga ito. Do not say that sky is the limit if there are foot prints on the moon." Walang imik si Roselia matapos nyang sabihin ang lahat ng yun. Tila kaylalim ng iniisip nito, kaya hinayaan na lang nya itong magmuni muni. Papikit ng kanyang mga mata ng marinig nyang mahina nitong boses. "Ym!" "Hmm?" "Nais mo ba akong samahan?" "Saan naman?" Napatuwid sya ng upo saka tiningnan ang nakapikit pa ring katabi. "Sa aking paglalakbay...." Dahan dahang dumilat si Roselia at tumingin sa kanyang mga mata. 'Napakagandang mga mata... Sa tanang buhay ko ngayon pa lang ako nakakita ng kulay burgundy na mga mata! Tunay kaya ito o isang contact lenses lang?' "... Patungo sa pag abot ng mga pangarap ko sa buhay!" Sabay kurot ni Roselia sa kanyang pisngi.. Saka ito kumaripas ng takbo pabalik sa sasakyan nito. At pinaharorot ang kotse palayo. Palibhasa nagulat sya sa ginawa ng dalaga kaya di man lang sya nakahabol dito, ni hindi nga sya nakasagot sa tanong nito sa kanya. Hinaplos nyang pisngi na kinurot pa nito, bago sya tinakbuhan. "Bad girl... Lol" malakas syang natawa, iiling iling na lang syang naglakad patungo sa nakaparada nyang big bike. Alam nyang mula ngayon, nag level up ng pakikitungo nila ni Roselia sa isa't isa. 'Not bad! for a good start of our new beginning!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD