The Ayana Writer Gentlemen's

1657 Words
"Rowena!" Tawag nya sa kaibigang nakaupo sa isang bench habang nagbabasa ng isang magazine. 'Ano naman kaya yang binabasa ng malanding yan at bingi bingihan ang peg ngayon? Hmm.. Teka nga! Baka playboy mag. na naman yan.. Di kaya?' Dahan dahan itong lumapit sa kaibigan. Tutok ang mga matang pinasadahan ng basa ni Rowena ang magazine na inarbor nya pa sa isang kasamahan nya sa pagco cosplay. Ni hindi nya man lang napansin ang paglapit at pag upo ni Roselia sa kanyang tabi, kung dipa sya tinapik nito sa braso na naging dahilan kaya nabitawan nitong magazine at bumagsak sa semento, dipa nya ito makikita. "Anuba itong pinagkakaabalahan mo't dimu man lang naririnig ang pagtawag ko sayo ha?" Kunot nuong dinampot ni Roselia sa semento ang magazine. Napatanga sya ng tumambad sa kanya ang magandang cover nun. 'Ayana Writer! Ano naman kaya 'to?' Nacu curious nyang binuklat ang magazine na hawak. ?The Ayana Writer Gentlemen's? "Howoww..! Nakakapanglaway naman pala itong binabasa mo eh! Kaya pala dimo ako naririnig ha? Talanding to! Nagsosolo, kainis ka! Hmp!" Sumiksik sya ng upo sa tabi ni Rowena saka binasa ang unang pahina ng Magazine. "A little "About" of Ayana Men's Writer's " -reason why they hide their true identity?- -read their Poems & you'll know them better... ♥♠♣♦ PaOlO RR YM ♥♠♣♦ ??? ?Paolo☜? ↓ Sa bawat burda ng katawan ko dito nakasalamin ang tunay kong pagkatao isang sutil at barumbado yan ang tatak ng taong tinititigan mo simpleng tao na mababaw ang kaligayahan may prinsipyo at katatagan hamakin man ng lahat walang pakialam basta't nasa tama pinaninindigan a. v. paolo tubong iloilo may dugong australiano medyo bastos pagpasensyahan na ninyo hehehe ♬kahit hindi gwapo♪♬ ♪kahit na di matalino♪♪ ♪♬basta't may puso ♬♬ ♪♪ siguradong gugustuhin mo♬♪♪ hanep abante! hahaha =Burdado☜= Masama sa mata ng karamihan Hinusgahan sa panlabas na kaanyuan Hindi man maarok ang tunay na katauhan Anumang hiwaga at misteryo ang nakapaloob dito tanging siya lang ang may alam. Sa bawat tentang nakaukit sa katawan nito May kasaysayan at kuwentong nakapaloob dito Kung sakaling matuklasan at malaman mo ito Masuwerte ka kaibigan dahil pinagkatiwalaan ka nito. Hindi lahat ng burdado ay masama May kanya kanyang dahilan kung bakit nila ito ginagawa Irespeto po natin ang ating kapwa Dahil tulad mo may puso't damdamin ding nasasaktan at matang lumuluha. Makulay man ang nakikita ng iyong mata Hindi mo man maintindihan at mabasa Anuman ang tumatakbo sa isip mo't naguguluhan ka Wag kang mag alala darating ang panahon na mauunawaan at maliliwanagan ka! ?Paolo☜? "Ohlala! Napaka hot naman ng Paolo na ito! 'Nu masasabi mo sa pa abs nitong burdado na etech, Rowena ha?" "Nupa ba b***h! Syempre tsalap dilaan ng pandesal nya! hahayy..." "Level up kagad ang mahalay mong utak ha!" Sabay siko sa katabing dikit na dikit ang mukha sa pisngi nya. "Of course b***h! Knows mo naman ang mga bet ko na guy, diba?" "Yeah! Wa na'ko ma say pa! eh parehas lang naman tayo! Hahahah" at nag apiran pa silang dalawa. "San mo ba nadekwat ang magazine na'to" pagkuway tanong nya ulit habang binabasa ang ikalawang pahina ng hawak na magazine. "Sa katrabaho kong ka University ng dalawang naka feature dyan sa magazine." "Ahh!.. Owwkiee..." Sagot na lang nya sa katabi na nakikibasa na rin. ??? ?RR? ↓ "Don't Judge Me Based On What I've Done In The Past, But Judge Me Based On What I'm Doing In the Future" =HIWAGA NG PAG-IBIG= Anung hiwaga ng pag-ibig, na may taglay ka Bakit lahat sa iyo'y natutulala at nagtataka Kung saan nanggagaling, saan nagpupunta? Bakit ang lahat ng tao'y nagkakandarapa? Ikaw nga minsa'y hindi magkasya sa dalawahan Dahil ikaw minsa'y nasa trayanggulong hidwaan Nagiging mitsa ng mga paligsahan sa pag-iibigan Minsa'y nakakabulag, nakakatakot rin minsan. Ilang buhay na ba ang nabuwis dahil sa iyo? Ilang beses na bang ikaw ay laman ng sakiripisyo? Ilang luha at dugo na ba ang pumatak sa siphayo? Iyang lahat ng naranasa'y kagagawan ng hiwaga mo? Mistulang paraiso ang daigdig sa iyong pagdating Lahat ay nagkakulay, lahat nga ay nagniningning Ang nasasambit ng labi'y pawang salitang magigiting Mistulang isang pambihira ang nakikita ng paningin. Wala nga sa edad, hitsura at katayuan sa buhay Kapag ikaw ay kumilos, lahat ay napapasabay Nasa iyo ang kapangyarihan, ng lahat ng bagay Sa iyong pag-uutos, pawang lahat ay tagumpay! Ngunit sa kaligayahang dala mo'y may kabalintunaan Bakit kapalit nito'y parang sa dibdib may agam- agam Sa sandaling tamis ay mayroong pait na di inaasam Anu't ikaw ay mapagbiro, sa tadhana mo idinadaan. Anung hiwaga mayroon ka pag-ibig, sa puso'y nanlilito Hindi nga malaman ang huwad at maging ang totoo? Damdaming nararamdaman, ay pinaglalaruan mo? Anu nga bang mangyayari, kapag nagmahal ng buo? Akala ko nga baga'y nagtuturo daw ang pagmahahal? Ngunit bakit nga naman ito'y tumitibok kahit bawal? Gagawin na lamang bang ito'y tulad ng isang sugal? Makikipagsalaparan, ang matatalo'y isang hangal? Anung misteryo ang bumabalot, sa iyo, pag-ibig? Lahat ay hindi natatakot, kapag tumibok sa dibdib Sa pag-ibig na hinahangad, lahat ay di palulupig Parang mga kabalyerong, gusto lahat ay manaig. Pag-ibig, oh pag-ibig, sabihin ang iyong gusto Halos lahat kami'y naninikluhod sa harapan mo Tunay na pagmamahal, sa amin ay iyong ituro Nang di na magkamali, kaligayahan na ang matamo. Sa lilim ng iyong hiwaga, kami'y iyong utusan Dalhin kami sa iyong gusto, kahit na nga saan Kami'y iyong alipin, handa kang paglingkuran Basta't mga lunggati'y huwag naming maranasan. Sa hiwaga mo, pag-ibig, kam'y tunay na mga sinta Sukdulan pang humarang ang mga sibat at espada Hanggang sa kamatayan, ikaw ay aming dala- dala Dahil kami'y mangingibig, umiibig ng buo at nagtitiwala. ↓ ?RR? "Gwapo rin 'to, pero alang dating sakin eh! Ikaw ba b***h, sinong type mo sa dalawa? Itong Rr ba o yung Paolo?" Tanong nya kay Rowena. "Mas bet ko yung Paolo, kasi kahit na mukhang sanggano, may pagka misteryoso ang dating ng aurahan nya b***h!" Kinikilig na sabi nito "Lam mo yung feeling na.. parang connected kami sa isa't isa kapag tinititigan kong mga mata nya? Nakakapangilabot na nakaka excite.. sheeett...!" Natatawang hinila nya ito sa buhok. "Landi! Overload! hahaha..." "I know right? Malandi man ako! May maipagmamalaki naman ang hinaharap ko!.. Hahaha." Malakas syang natawa sa sinabi ni Rowena, Nahinto lang ang kanyang pagtawa ng makita ang larawan ng pangatlong pahina ng magazine na kanyang hawak. "s**t! Sya ba ito?" Sinipat pa nyang lalo ang picture ni Ym. "Sino?" Napatingin na rin si Rowena sa picture ni Ym. "Hala! b***h, siya nga yan! Wala ng iba." "Kaya naman pala ang galing galing ng mga gawa nya? Kasi, writer na pala talaga sya." Magkasabay pa silang nagbasa ni Rowena. Napapataas baba ang kanyang kilay. Dina pala nya kelangang mag ala stalker sa lalakeng ito, dahil sapat ng kaalaman para sa kanya ang mga nababasa nya ngayon sa magazine na ito. ??? ?Ym? ↓ "Me? I'm just a simple guy from Slovenia. During my studies I've spent a few years abroad, mainly in Poland, Czech Republic and Italy. Everywhere was nice, but my hometown is still Ljubljana, the place where I belong and place where my heart will remain. My student years are more or less over, even if there's an idea about me doing PhD studies somewhere in the near future. At the moment I'm working as a freelancer and starting a company, which will try to boost the Slovenian economy and help unemployed youth to generate their own businesses. Will it work? No doubt! Along all that, I always loved to travel and tried to meet as much locals as possible. I guess now it's my turn to help others.. Why Ljubljana? Ah, Ljubljana, one of the smallest European capitals. There's a joke among local people here that you can cross Ljubljana in a matter of minutes. This is true and yet Ljubljana offers everything that you need. There are numerous café's everywhere, clubs, exhibition places and much more. In the winter time one needs less than twenty minutes to go to the Alps and in the summer around an hour to go to the sea side. What else? People are nice, relaxed and know how to enjoy life. ??? =Agwat Ng Aming Puso= Itim na ulap at kidlat sa kalangitan, Bahagharing hindi labis masulyapan, Tangay ng hangin itong ginaw, Kasing labo ng nakaraan at ng pananaw. Kandila ang nagsisilbing tanglaw sa amin, Sa agwat ng aming pusong nakatirik sa dilim, Hindi ako aalis hanggang sa malusaw, Ang init na hatid nitong tanglaw. Paupos na nang bumuhos ang ulan, Namatay ang apoy ng biglaan, Iwan ko man ay nakatayo pa rin, Katulad nang ako'y kanyang lisanin. Lantang bulaklak na sa kanya'y inalay, Rosas na pula at puti ang kulay, Sugat sa tinik hatid nitong tangkay, Tanging kalungkutan ang nananalantay. Ilang araw pa ba ang hihintayin? Ilang takipsilim pa ba ang titiisin? Magpumiglas man sa kalagitnaan ng dilim, Kawalan ng pag-asa ang natitira sa akin. Sa ulan kasamang tumulo ang luha, Napahagulgol sa iyak na puno ng dusa, Pighati at kasawian na aking nadarama, Walang sinuman ang makauunawa. Nakatayo ako at tulala sa gitna, Nag-iisa habang sa ulan ay basang-basa, Nakaharap sa isang lapida, Na may ukit ng pangalan niya. ↓ ?Ym? "Wow! as in, wow na wow! Nakakahanga naman ang galing sa pagsusulat ng gwapings na'to! Diba b***h? Anong ma say mo sa mahigpit mong kalaban sa mga writing contest na sinasalihan mo ha?" Nanlulumong napabuntong hininga na lang si Roselia. "Sa tingin mo ba may laban ako sa kanya kapag nagpatuloy pa'ko sa pagsusulat?" "Syempre naman! No guts no glory! Kaya gogogo ka lang gurl! Sabi nga nila... Ang umaayaw ay di nagwawagi..." "Ang nagwawagi ay di umaayaw!" Sya ng tumapos sa sasabihin pa sana ni Rowena. "Alam ko na yan.." "Yun naman pala eh! We are the Bad Girls! Remember? we are not retreating from the battle! win or lose!.. fight fight fight.. b***h!" Tumaas kaagad ang self confidence nya pagkarinig sa sinabi ni Rowena. "Ohyeah! Fighting!" ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD