"Ano to? Take all you can ba o window shopping lang?" Nakatikwas ang kamay ni Rowena ng damputin nitong isang pares ng sapatos sa estante.
"Ayy! Bet ko'to b***h, ang ganda diba?" Pakembot pang naglakad patungong salamin si Roselia para tingnan kung bagay ba sa kanya ang hills na suot.
"Oo nga ganda nyang napili mo b***h ah!" Napapalatak namang sang ayon ni Rowena sa kanya.
"Gusto ko'to!" Nanggigigil na niyakap nyang sapatos matapos hubarin sa kanyang paa.
"Eh di bilhin mo!" Sabay pang sagot nila Claire at Mabel na nakasunod lang sa kanilang dalawa ni Rowena.
"Duh! Sino bang loser sa pustahan? Ako ba ha?" Inirapan nyang mga kaibigan na humiwalay ng lakad sa kanila ni Rowena.
"Asan na ba kasi sila R'joy at Ashley?" nakasimangot namang tanong ni Rowena sa kanya. Habang sinusuklay suklay ng daliri ang buhok nitong kulay blonde.
"We're here! So, anu may napili naba kayong dalawa?" Nakangiting inihagis ni Queen kay Roselia ang credit card nitong hawak. "Bahala na kayo... May pupuntahan lang kami ni Ashley."
"Take all you can ba'to, Queen?" Kumikislap sa tuwa ang mga mata ni Rowena ng magtanong kay R'joy na ikinailing na lang nya.
"Yeah!" Yun lang ang nasabi ni R'joy sabay senyas kay Ashley palabas ng boutique.
"Yun oh! Kumikinang na naman yang mga mata ng iba dyan.. Hahaha." Panunukso nya pa sa kaibigan.
"Heh! Bakit ayaw mo ba?" Singhal ni Rowena sa kanya at naglakad patungong bags section.
"Gusto! Ako pa ba? Tatanggi sa grasya! Wala sa bokabolaryo ko yan Gaga." Iwinagayway pa ni Roselia ang credit card sa harap ng mukha ni Rowena.
"Yun naman pala eh! Tara na... b***h!" Bitbit ang dalawang pares ng sapatos na hinila ni Rowena ang kaibigan palapit sa unang bag na nasulyapan nito.
"Shoes at bag na lang sa'kin, tama na'to! Ikaw ba b***h, nupabang like mo?"
Bitbit ang isang pares ng hills at kulay red na bag sabay hakbang patungong cashier na sabi nya sa nadaanang si Rowena, na di alam kung anong pipiliin sa tatlong bag na naka display sa kanyang harapan.
"Anuna Rowena, dika pa ba tapos mamili dyan? Gutom na kami ni Mabel!"
Nakasimangot na sabi ni Claire, sabay hila kay Mabel palabas ng boutique.
"Sige na, mauna na kayo! Maghanap na kayo ng restaurant na masarap kainan, susunod na lang kami ni Roselia dun."
"Okidoki! Call you na lang later! Bilisan nyo ha!"
"Oo na!" Nagniningning ang mga mata ni Rowena habang inaabot ang isang pink na bag sa pinakataas na estante. Kahit hirap na hirap pinipilit pa rin nyang maabot yun, kaso mataas talaga kaya napaton talon na sya para lang makuha yung bag na pinaka gusto nya, napangiti sya ng sa wakas mahawakan na nya ito, ang kaso namali ang bagsak ng suot nyang hills paglapag nun sa semento, dahilan kaya na out balance sya.
"Ayy!" Nangapa ng kanyang makakapitan para lang wag tuluyang bumagsak sa lapag ang kanyang mga kamay. Swerte namang may nahablot syang braso ng isang napadaan sa kanyang pwesto, kaya yun ang nahigit nya para ibalanse ang kanyang katawan.
"Tsk! Sa susunod tumawag ka ng saleslady! para dika magmukhang tipaklong na patalon talon dyan."
'Huh! Yabang naman nito!' Sabay bitaw nya sa braso ng boses lalakeng nakapitan nya. Mabiis nyang inayos ang sarili, haplos haplos ang kanyang buhok na humarap sa mayabang na lalakeng nakatalikod na sa kanya. . "Abat!.." Napaawang ang kanyang labi ng tanging likuran na lang nito ang kanyang nakita, nakapamulsa ito sa suot na kupasing pantalon, naka t-shirt na puti at itim na sapatos. Nakalabas na ito ng boutique kasama ang dalawa pang lalake. 'Sayang diko man lang nakita ang mukha ng hambog na yun!'
"Hoy! Bilisan mo na't magbayad kana dun sa cashier, inip ng dalawa dun sa mc donald."
"Mc Donald na naman!! Hayy.. Wala na bang iba?" Napabuga na lang ng hangin si Rowena ng marinig ang sinabi ni Roselia na mc donald. Sigurado syang si Claire ang pumili ng kakainan nila.
"Wala kang choice, naka order ng dalawa dun, kaya halika na't gutom na rin ako."
Nakabusangot ang mukhang tinungo nyang cashier para bayaran ang sapatos at bag nyang nagustuhan. Kahit na papanu masaya na rin sya kasi syempre nakalibre na naman sila..
"Napaka generous talaga nitong si Queen, buti na lang naging friend natin sya b***h!"
"Yeah! Right! Kaya wag mong gagalitin at baka wala ng kasunod itong shopping galore natin!"
Pagkapasok nila sa Mc Donald, nakita na kaagad nila yung dalawang kaibigan sa pinakadulong mesa naka pwesto.
"Anuba naman Claire! Baka pwede sa susunod iba naman ang piliin mong kakainan natin! Abay nakaka umay na dito sa Mc Donald ah!"
Reklamo kaagad ni Rowena.pagkaupong pagkaupo nya. Samantalang si Roselia naman ay dumampot kaagad ng fries habang nagmamasid sa paligid. Huminto ang kanyang mga mata sa mag syotang nagsusubuan pa ng burger habang naglalambingan.
"Hay! Sana all may Jowa, sana all mahal!" Wala sa sariling nasambit nya.
"Sana all may jowa, sana all mahal." Puro ka na lang sana all, e may nagmamahal naman talaga sa'yo, sa maling direksyon ka lang nakatingin. Why don't you focus to Jesus and find the real meaning of love." Seryosong sabi ni Mabel.
"Hahaha... Haay! b***h, Faktay kana naman kay Nerd, oh!" Tatawa tawang singit ni Rowena.. Tuwang tuwa talaga ito kapag nasusupalpal si Roselia ng mga katropa nila.
"Minsan, isang maling galaw mo lang, single ka na agad. Pero sa Diyos, kahit isang milyon pa ang kasalanan mo, isang sorry mo lang ay papatawarin ka na Niya. Hindi mo na rin Siya kailangan pang bilhan ng milk tea at french fries because His love is unconditional."
Kapag nagsasalita na si Mabel, tahimik na lang si Roselia, dina sya komokontra pa. kasi, may sense naman lahat ng sinasabi nito, kaya ayos lang sa kanya kung madalas syang tinatamaan ng mga salita nito.
"Ang ex, madalas ay hindi na maaaring balikan. Pero sa Diyos, kahit ilang beses kang umalis sa tabi Niya, p'wede ka pa ring bumalik at tatanggapin ka pa rin Niya nang buong puso, because His love is infinite. At ang tao ay napapagod maghintay. Pero ang Diyos, sa sobrang tiyaga Niyang maghintay sa'yo, mapapasabi ka na lang ng, "Nandito ka pa rin?". You know why? Because His love is eternal. I'm not hindering you to find love from the people around you but if you want to experience the highest form of love, yung hindi ka sasaktan, find it above. So right now, what kind of love do you seek? Is it the love of God or the love of man?"
Natahimik yung dalawa, halatang nag iisip ng malalim na isasagot nila kay Mabel. Pero sya may sagot kaagad.
"Both!" Mabilis na sabi ni Roselia.
"Hoy! Di pede ang Both na sagot, dapat isa lang.. Wag kang swapang b***h!" Sabay tampal ni Rowena sa braso nya.
"Aray! Bakit ba? Eh sa gusto ko pareho eh! Nubang problema mo dun?" Singhal nya sa katabi.
"Girls! Behave! Nasa public place tayo wala sa Bravos! Kaya kalma lang kayong dalawa dyan, okay!" Si Claire ang tagaawat kapag nagkakainitan na silang dalawa.
"Tama na nga yan! Masyado kayong hot! Eh, kuro kuro lang naman itong pag uusap natin..Kumain na nga lang tayo para makabalik kaagad sa school."
"Alam mo Mabel, may sense naman lahat ng sinasabi mo eh! In fact, marami nga akong natututunan sa mga topic na shinishare mo samin eh!"
Naka thumbs up pang sabi ni Roselia.. Inabot nyang baso ng coke, sabay laklak wala na itong laman ng ilapag nya sa mesa, inabot nyang bag saka yung dalawang shopping bags na may lamang shoes at bag na libre ni R'joy sa kanila. Tumayo na sya't naglakad papuntang exit ng Mc Donald. Nakailang hakbang na sya ng maisipan nyang lumingon sa mga kaibigan na nakasunod lang ang tingin sa kanya.
"Bad Girls, tara na! Isa submit ko pang script ko sa poems writing competition!"
"Seryoso? Sasali kana naman sa writing contest, b***h?" Nagmamadaling tumayo si Rowena saka lakad takbo ang ginawa maabutan lang sya na papalabas na ng pintuan.
"Diba, pinagbawalan kana nila Popsy at Momsy mo na sumali sa mga contest na ganyan Roselia?" Narinig nyang tanong ni Claire sa kanya.
"Yap! Pero, hindi ko naman ipapaalam sa kanila eh! Kaya gogogo pa rin ako!"
"Masamang maglihim sa mga magulang, Bitch." Singit naman ni Mabel sa kanilang usapan.
"Kung may pagkakataon ka ba, gagawin mo? Papalagpasin mo ba kung sakaling mabigyan ka ng pagkakataon? Gagawin mo ba kahit na alam mong mahihirapan ka? Think about it." Seryosong sabi nya sa mga kaibigan na biglang natahimik. Ng walang sumagot ni isa kila Rowena, Claire at Mabel, sya na rin ang kusang sumagot sa kanyang mga tanong.
"Kung ako, hindi ko papalagpasin ‘yun. Oo, i-gagrab ko ‘yun, kasi unang una, wala namang mawawala kung susubukan ko di ba? Hindi naman magiging kawalan sa'kin kung hahayaan ko ‘yung sarili kong kuhanin ang chance na ‘yun eh. Sa halip, ako pa ang mawawalan kapag di ko sinubukan.. Minsan kasi sa buhay natin, may mga bagay na pinapalagpas natin tapos kapag nawala na, tsaka natin hahanapin. At sa paghahanap nating ‘yun, bigla nalang nating maiisip na; “sayang, dapat pala hindi ko na ‘yun pinalagpas pa.” Syempre medyo masakit sayo ‘yun kasi nawala na lang nang di man lang natin nasubukan. Oh ano? Narerealize nyo na ba ang pinupunto ko? I mean, hindi ba’t kung minsan mas mabuti nang hindi natin palagpasin ang mga pagkakataon na dumadating sa buhay natin, kasi alam ko na alam nating lahat na kapag nangyari ‘yun, in the end, we’ll just regret everything.. ‘Yung panahon na nasayang at higit sa lahat ay ‘yung malimit na pagkakataon na maaaring dumating sa buhay natin. So, if you had a chance, TAKE IT! Bahala kayo, kayo rin.. Nasa huli ang pagsisisi."
"Ako Roselia, kung san ka masaya, susuportahan kita!" Nakangiting sabi kaagad ni Rowena sa kanya.
"Naks! I feel love... Hahaha.. Thanks Rowena! Eh kayong dalawa, kokontra pa rin ba?" Nakataas ang kilay nyang sinulyapan si Claire at Mabel na parehong natameme dahil sa kanyang mga sinabi.
"No comment na lang ako, period! Babush!" Matapos sabihin yun, nagmamadaling naglakad na si Claire ng dina hinintay pang sagot nilang tatlo.
"Ikaw Mabel? Dimu ba susundan ang bff mo?" Ngingisi ngising baling nyang tanong kay Mabel na tutok ang tingin sa papalayong si Claire.
"Good luck! b***h, sana manalo kana sa contest para may mapatunayan kana sa parents mo." Yun lang ang sinabi nito, at basta na lang silang iniwan ni Mabel.
"Potek! Sarap ibabad sa sugar ng dalawang yun eh!"
Kunot noong humarap sya kay Rowena. "At bakit naman?"
"Obviously! Para maging sweet naman sila paminsan minsan.. Mga amplaya kasi eh!"
"Anong konek naman ng ampalaya sa asukal?" Mas naguluhan pa syang lalo.
"Duh! Napurol na bang utak mo b***h? Nung nangyayari sa'yo at ang hina yatang magprocess nyang kokote mo?"
Naiinis nyang tinapik ang kamay ni Rowena na nakaturo sa kanyang noo.
"Tse! Gagang 'to! Magtatanong ba'ko sa'yo kung alam kong punto muh! Wag mo'kong inisin baka masapak lang kita dyan!"
"Hahaha... Oh! Kalma lang b***h! Di tayo talo.. Bff tayo remember.?. Halika na nga, umpisahan mo ng magsulat ng mga ilalaban mo sa contest baka sakaling manalo kana ngayon."
Naiiling na lang syang nagpahila kay Rowena patungong sasakyan nya. Sanay na sanay na sya sa ugali nito, sa ugali ng buong katropa nyang Bad Girls. Ang mga kaibigan nya.. Dahil naniniwala syang..
Ang tunay na magkaibigan laging nag-aaway. May mga pagkakataon talaga na hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng magkakaibigan. Normal lang naman yon kung tutuusin. Patunay lang ito na nagiging totoo lang sila sa kanilang nararamdaman, kasi hindi sa lahat ng oras ay pareho kayo ng opinyon at pananaw. Minsan, yung tama sa'yo ay mali sa kanya at ang tama sa kanya ay mali sa'yo. Sadyang may mga tao talagang pinagtatagpo na may magkaibang gusto at personalidad, bihirang magkaintindihan. Pero minsan ang mga tulad pa nila ang mas tumitibay ang samahan. Andun kasi ang malawak na pang unawa at respeto.
At the end of the day, sa lahat ng hindi napagkakasunduan, yung kung anong meron sa inyo talaga ang higit na nangingibabaw. Na kahit sino at ano man ang dumating sa buhay ninyo, nananatili pa din kayong totoo.
At sa tunay na magkaibigan, hindi nawawala ang away, pero hindi kailanman nagsisiraan.
Napatitig sya sa mga kamay nila ni Rowena na magkahawak.. Napapangiting bumulong pa sya sa hangin..
'Hinding hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan at samahan natin sa kahit na anumang bagay dito sa mundo.. Solid Bad Girls ako!'
?MahikaNiAyana