Pilipinas

1486 Words
Everyone wants to change a player; and every player wants someone worth the change. Lahat naman tayo, may karapatang magmahal at mahalin. Lahat tayo, may karapatang pumili at piliin. Minsan, oo nasasaktan tayo, pero naisip ba natin na nakasakit na din naman tayo? Lahat naman tayo, trying hard sa pag iingat. Kasi lahat tayo, ayaw masaktan. Sino bang may gusto na maloko? Sinong may gusto na maiwan? Minsan nakakalito. Pero sa totoo lang, alam naman talaga ng puso natin kung pano maglaro at pano magseryoso. Alam naman talaga natin yung pagkakaiba ng truth at lies. Kaya mas maigi na din na hindi lang ang puso ang ginagamit. Pati utak. Minsan kasi nagmamahal lang tayo pero di na natin naiiisip yung sarili natin. Minsan, nakakasakal yung ganon. Minsan mas gugustuhin mo nalang maglaro kesa makulong sa isang sobrang seryosong relasyon. Ganon talaga e. Minsan kailangan ng pait. Hindi puro tamis. Kasi minsan nakaka-umay na. Alam naman natin to diba? Alam naman ng lahat na ang pag ibig, hindi lang para sa babae at lalaki. Kundi para sa kanilang dalawa. Kung mahal mo talaga sya, hindi mo na kailangan ng utos o salita. Kusa nang magbabago yung buhay mo. Kung nagmamahal ka talaga, malalaman mo yung kung pano ang tamang paglaro ng pag ibig. Kung nagmamahal ka talaga, alam mo na may nananalo at may natatalo. At kung nagmamahal ka talaga, marunong kang tumanggap ng pagkapanalo o pagkatalo. 'Haayy.. Philippines... Na miss kita!' Eight years akong nawala at ngayon ay bumalik ng Pilipinas, di'ko alam kung anong buhay ang haharapin ko ngayong umapak na naman ang aking mga paa sa bansang nagdulot ng samotsaring sakit sa'king buhay. Kung noon luha't pighati ang aking naranasan, sana ngayon ligaya't saya naman ang aking mararanasan. "Tol!" Hinanap ko sa mga nagkukumpulang tao sa arrival area ng NAIA, ang pamilyar na boses na aking narinig. Malapad ang pagkakangisi habang kumakaway sa'kin ang isang gwapong lalake na puro tattoo ang dalawang braso nitong nakataas at winawagayway ang cardboard nitong hawak. At ang nakasulat .. 'Welcome back! Ass...' "Tsk! Tarantado talagang adik na'to" naiiling nyang nilapitan si Paolo na may panunudyong ngiti sa labi. "Tol, Ym! Anong pasalubong mo sa'kin ha?" Kinuha nitong maleta ng kaibigan saka inakbayan ito palayo sa nagsisiksikang mga tao. "Tangnang 'to! Pasalubong kaagad? Dimu pa nga ako tinatanong kung kumain na nga ba ako o hindi e!" Inalis nyang braso ni Paolo sa kanyang balikat. 'Ilang beses ba ito naggi gym at kaybigat naman ng braso nito?' "Abay syempre naman Tol, kasi kapag wala kang dala na pasalubong para sa'kin.. Pababalikin kita sa bansang pinanggalingan mo! Hehe." Sabay akbay ulit kay Ym na masamang tingin sa kanya. "Gago!" siniko nya ito, saka hinablot nyang maleta na hawak ni Paolo at malalaki ang kanyang hakbang na kinawayan ang taxi na padaan sa kanilang dalawa. "Hoy! Tol Ym! san ka pupunta?" Himas ang nasaktang tagiliran, hinabol ni Paolo ang kaibigan na pasakay na ng taxi. "Eh di uuwi, saan pa ba?" Iritableng sagot naman nya dito. "Baka maligaw ka Tol!" "Ulol! Hindi ako turista! Balikbayan ako!" Tinapik nyang balikat ng taxi driver. "Tara na po, sa Alabang po tayo, Manong." Kahit sarado ng taxi narinig pa nyang pahabol na sigaw ni Paolo sa kanya. "Tol, Ym! Kita na lang tayo sa bahay mooo..!" 'Mapa chat o personal, walang pinagkaiba ang adik na yun! Hyper na hyper, grabe!' Natatawa na lang sya kay Paolo. Kung tutuusin ito ang una nilang pagkikita ng personal, pero wala syang naramdaman na pagkailang sa kaibigan, kasi kung ano ang ugali nito sa kanilang GC, ganung ganun din ang pag uugali nito sa personal. Kumbaga orig hindi peke ang pagkatao ni Paolo Viena Andrade. 'Si Reighn Almonte Sebastian kaya, ganun din kaya ang mararamdaman ko, kapag nagkita na kami ng personal? Magiging komportable din ba ako sa kanya? Hmm.. Let's see!' Inaliw nyang sarili sa mga nadadaanan nilang lugar patungong Ayala Alabang Village. Malaking ipinagbago ng lugar, kahit papanu may improvement. Ng sapitin nilang Las Piñas malayo layo pa sya sa Subdivision kung saan bumili ng matitirhan nya ang kanyang Tita Roan, traffic ng sumalubong sa kanila. "Manong, parati bang traffic sa lugar na'to?" Naiinip nyang tanong sa driver ng mahigit 30 minutes na silang nakatingga sa harap ng BF Homes. "Ngayon lang naman 'to Sir, kasi madalas naman ako napapadaan dito, di naman nagta traffic ng ganito katagal. Hay! Bakit kaya? Siguro may banggaan na naman dyan sa intersection." Bumaba pa ng taxi yung driver para makiusyoso sa ibang driver na nagkukumpulan. Napasunod na lang ang tingin ni Ym dito. "Naku! Sir, mukhang matatagalan pa tayo dito, may banggaan daw sa Ayala eh!" Sabi ni manong driver pagkabalik nito sa loob ng taxi. Napabuntong hininga na lang si Ym, kinuha nyang wallet sa leather sling bag nyang paborito, humugot ng isang libo saka inabot sa Driver. "Dito na lang po ako bababa Manong, ito pong bayad, sa inyo na lang po ang sukli. Thanks!" Tinapik pa nyang balikat ng driver saka bumaba, isang maliit na maleta lang naman ang kanyang dala kaya katabi lang nya ito sa upuan, Napailing iling na lang sya ng makita ang walang kagalaw galaw na mga sasakyan papuntang Alabang. "First day pa lang, ganito na kaagad ang sinapit ko! Anupa kaya kapag nagtagal pa ako dito?" Mabagal lang ang kanyang paglalakad, nagmamasid masid sa paligid at sa mga taong nakakasalubong nya. Malapit lapit na sya sa Guard house ng subdivision nila ng mapansin nyang tila may nagkakagulo at nag aaway, na kahit yung dalawang gwardya ng Ayala Alabang Village di nakayang awatin ang mga nag aaway. Napabilis ang kanyang paglalakad ng makita ang isang lalakeng pamilyar na pamilyar sa kanya dahil sa mga tattoo nito sa mga braso. "s**t! si Paolo nga!" Binitawan nyang maleta saka tinakbo ang kaibigan na sapo sapo ang dumudugong tagiliran. "I'm the Queen! no one has the right to threaten me! because I have no fear, stupid!" Dinig nyang sigaw nung magandang babae kay Paolo. "Excuse me b***h, you don't need to shout!" Di napigilang awat ni Ym sa babaeng may hawak ng patalim na nababalot pa ng dugo. "Hah! Sino bang mesabi sa'yong pinagbabantaan kita? Seryoso ako, estupida!" Balik namang sigaw ni Paolo, di alintana ang dumudugong tagiliran. "Go to hell! that's where a demon like you fits in!" Napatitig na lang si Ym sa babaeng taas noong nakatingin kay Paolo. "Tayo na po Ma'am!" Hila hila ng Guard palayo sa kanila yung babaeng maganda sana kaso bungangera naman.. sobra! "Tol Pao! Halika na! dadalhin kita sa Hospital." Natatarantang inalalayan ni Ym ang ngumingiwing kaibigan patungo sa sasakyan nitong nakahinto malapit sa gate ng village. Mabuti na lang at tinulungan sya ng isang guard kaya naisakay nya ng maayos si Paolo sa passenger side saka binalikan ang kanyang maletang nabitawan kanina sa pagmamadaling matulungan ang kanyang kaibigan. "Salamat po, Kuya! Ito po pang meryenda nyu?" Inabutan nya ng 500 ang Gwardya, bago ini start ang kotse. "Nakupo! Sir, di'ko po matatanggap 'to! Salamat na lang po sa inyo." Kakamot kamot ng ulo ang nahihiyang Gwardya na ikinangiti ni Ym. "Ayos lang po yan Kuya, Sige na! Kunin nyu na po! Masamang tumanggi sa grasya!" Mabilis syang nagmaneho paalis sa lugar na yun, nasilip pa nya sa side mirror ng kotse ang guard na iiling iling pabalik ng guardhouse. "Tol Pao, anong nangyari dun? Kala ko ba astigin ka? Eh, bakit nagpasaksak ka sa bungangerang babae na yun?" Sunod sunod ang paghinga ni Paolo bago sya sinagot nito. "Wag kang tsismoso! Bilisan mo na lang magmaneho bago pa'ko maubusan ng dugo dito!" Sinulyapan nyang katabi.. Namumutla na ito at pawis na pawis. Parang malapit na itong bumigay, "Saan bang hospital dito, Tol? Nag iba na kasing kapaligiran dina gaya dati nung huling pasyal ko dito sa Alabang." Seryoso lang syang nagmamaneho, panay ang baling nya ng tingin sa kanyang kaliwa at kanan, nagbabakasakaling makakita ng Hospital o kahit clinic man lang. Ilang segundo na syang naghihintay sa sagot ni Paolo, pero ilang minuto ng lumipas tahimik lang ito na ipinagtaka naman nya. Kasi naman, si Paolo ang taong di nauubusan ng sasabihin. 'Bakit kaya tahimik ang adik na'to?' Napaapak sya bigla sa preno ng kotse ng sa kanyang pagsulyap sa katabi ay makita si Paolo na lupaypay habang sapo ang tagiliran nitong nagdurugo pa rin. "Tol!" Niyogyog nyang balikat nito. Lang sagot kaya iniangat na nyang mukha nito. "Tol Pao!" Tinapik tapik nyang pisngi nitong namumutla, ngunit wala pa ring nagbago sa hitsura nitong nakapikit. "s**t!" Natatarantang inistart nya ulit ang sasakyan. "Kapit lang Adik! Pa Hospital na tayo!" Pinaharorot nyang kotse patungo sa Asian Hospital and Medical Center na naaalala nyang pinuntahan nila dati ng kanyang Ina eight years ago. "Keganda naman ng unang araw ko dito, napaka memorable grabe!" Napapalatak na lang sya sa mga kaganapan ngayon.. Eh bukas kaya? Ganito pa rin ba ka tensyonado ang magiging araw nya? 'Sana iba naman!' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD