Limang entre lang ang nakapasok sa final judgment ng 'Stories of my Life' competition. Isa isang binasa ni Ym ang mga pangalan ng writer sa bawat poster na naka display sa malaking bulletin board pagkapasok pa lang sa gate ng university nila.
"Saving those memories... Hmm.. Ganda ng Entry ni Roselia Delsy ah!"
Napahimas pa sya ng kanyang baba ng pasadahan ng tingin ang caption sa poster nitong isang napakagandang babae na nakatayo sa gitna ng mga pulang rosas, may hawak itong mga rosas at nakatingala sa kalangitan.
'Document the moments you feel most in love with yourself - what you're wearing, who you're around, what you're doing.. Recreate and repeat'
'Challenging! very challenging ng entry... Ang tanong! May sense naman kaya ang nilalaman ng story nito? Baka kagaya lang ito ng mga script nyang kulang at walang kabuhay buhay?'
"Hoy! b***h! Kelangan may laban na itong script mo ha! Kasi, malaki ng natatalo ko sa pustahan! Abah! Tiba tiba na sa'tin ang mga bruhang yan!"
"Oo na nga! sabi ko naman kasi sa'yo! na wag na tayong sumali sa pustahan ng grupo, pilit ka pa rin ng pilit! Hmp!"
Napatalikod bigla si Ym , saka mabagal na naglakad palayo sa bulletin board ng marinig ang mga boses ng Bad Girls ng University nila. Kumubli sya sa isang puno saka sinilip ang anim na kababaehang nagkukumpulan sa harap ng mga nakadikit na poster sa bulletin board.
"Sheett! poster pa lang nitong Mr. Perfect Writer na'to! Lamang na lamang na kaagad sa inyong apat b***h!"
Napapalatak na sabi ni Rowena. Sinisipat pa nito ang picture ni Ym na may hawak na isang steam ng pulang rose.
"Saka yung pamagat ng Story nya, nakaka excite na! Anupa kaya kapag narinig na natin ang laman ng script nya?" Singit naman ni Mabel.
"Wala na! Baka maihi na'ko sa sobrang kilig! Hahaha.." Sagot naman ni Claire kay Mabel na natatawa na rin.
"Heh! Sino bang kaibigan nyu? Diba ako? Dapat sakin ang loyalty nyu.. Mga balimbing na'to suntukin ko kayong dalawa dyan eh!"
Pinaghihila ni Roselia ang buhok nung dalawa na nagsipagtakbuhan na kaagad ng makakuha ng tyempo.
"Tsk! Mga asal bata talaga ang mga babaeng 'to!"
Bubulong bulong na nilisan nyang lugar na pinagkukublihan, pero bago pa sya tuluyang makaalis sa lugar na yun, kinuhanan nya muna ng picture ang nagkakagulong anim na mga isip bata. Matapos nyang kumuha ng litrato, kaagad nyang sinilip sa hawak na camera ang picture.
'Hmm.. May laban! Maganda ka Roselia Delsy, pero mas maganda sayo si Cindy.'
Iiling iling nyang sinilid sa sling bag nyang camera saka nagmamadaling tinungo ang stadium kung saan gaganapin ang story competition.
"And now ladies and gentlemen! Our next performing writer is Mr. Yury Xian Dryke! The Mr. Perfect Writer of The La Eternity University!"
Deretso ng umakyat si Ym sa stage pagkarinig ng kanyang pangalan, kasabay nun ang malakas na palakpakan ng mga samut saring nanunuod sa loob ng stadium.
"Whoohh! Aribaa.. Tol Ym!"
Natisod pa sa hagdan paakyat ng stage si Ym ng marinig ang boses ni Paolo. Kaagad syang sumulyap sa mga audience kung saan nanggagaling ang boses ng kaibigan.
's**t! Anong ginagawa ng adik na yan dito?'
Napalipat ang tingin nya sa katabi nitong si Reighn na nag thumbs up lang sa kanya. Ibang iba kay Paolo na hyper na hyper ang mga galawan nito.
'Ang betlog na'to, kahit kelan kapal muks talaga! Nakakahiya.. Haayy!'
Naiiling na inilapag nya sa upuan ang kanyang sling bag, kinuha nyang poster na nakahilera sa ibang entry na kasali sa finale ng 'Story of my life' competition. Dinala nya yun sa pinakagitna ng stage kung saan my mikroponong nakahanda na dun. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita matapos ilagay sa isang stand dun ang kanyang poster paharap sa mga audience.
"Bata pa po ako noon ng una kong makita si Cindy, kasama niyang mga kabarkada niya noong napadpad sila sa Canumay Valenzuela, bakasyunista lang po ako doon at nanunuluyan sa bahay ng Tita Zandra ko, pinsang buo ng aking Ina.
Masayahin si Cindy, kalog at hindi maarte, kahit na ng makita ko siyang naninigarilyo at umiinom hindi man lang nagbago ang pagtingin ko sa kanya.Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa, dahil nakabakod sa kanya ang pinsan kong si Derick. kaya hanggang tingin na lang ako sa kanila, ng makita kong umalis ang pinsan ko dali dali akong lumapit kay Cindy at nakipagkilala, medyo lasing na siya non at madaldal na kaya nakipag-kwentuhan ako sa kanya.. ang lambing niyang magsalita at habang nakatitig ako sa kanya lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Ang bango niya at parang gusto ko siyang halikan ng mga oras na yon, buti na lang nakapag-pigil pa ako. Marami akong nalaman tungkol sa kanya at masaya talaga ako dahil nakausap ko siya ng malapitan. Sayang at gf na siya ng pinsan ko pero nahiling ko pa rin na sana maging malaya siya.
Sa tuwing kasama siya ng pinsan ko nasasaktan ako at madaling uminit ulo ko kaya parati akong napapaaway sa mga tambay don, hanggang sa pinabalik ako ni Aunty sa Spain. Ang sama sama ng loob ko dahil sa biglaang pag uwi ko. Mula noon wala na akong balita kay Cindy. Sinikap kong kalimutan siya pero kahit ilang babae ng dumaan sa buhay ko naaalala ko pa rin siya."
Napatingin sya sa kawalan matapos suyurin ng tingin ang mga nanunuod na nakatutok ang buong atensyon sa kanya.
"Maraming taon ng nakalipas hindi ko pa rin siya makalimutan... hanggang sa pinatapon ulit ako ng Tatay ko sa pilipinas dahil sakit daw ako sa ulo.
Ng minsang wala akong magawa napag-tripan kong buksan ang loptop ni pinsan, natawa ako ng makita kong nakabukas ang f*******: niya naaliw ako sa mga nabasa ko doon, nag umpisa akong mag bukas ng mga page, may pangalang pamilyar sa akin binasa kong profile niya at hindi nga ako nagkamali siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap."
Unti unting gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi ng hindi nya napapansin. Masyado syang nadadala sa kaligayahang kanyang nararamdaman ng mga oras na yun. Sa kanyang pagbabaliktanaw sa nakaraan parang nabuhay ulit ang di mamatay matay nyang pagmamahal kay Cindy.
"Pilit ko siyang sinubaybayan at ginawa ko lahat para mapalapit ako sa kanya, ang mga di ko nagagawa noon parang kaydali ko lang gawin ngayon. namamangha ako sa mga nangyayari at hindi ko inaasahang magkakalapit kami, ilang beses ko siyang niligawan pero pinagtatawanan niya lang ako palagi, ayaw niya akong paniwalaan at masakit yon para sa akin. pero hindi pa rin ako susuko sa panunuyo sa kanya hangga't wala pa siyang asawa patuloy ko pa rin siyang susundan kahit saan! Dahil pangarap ko magmula pa noon ang ibigin siya."
Eh sa gitna ng pangangarap nya habang malinaw nyang nakikita ang imahe ng babaeng itinatangi, may biglang epal na sumigaw sa gitna ng katahimikan ng paligid.
"Hiyahh! Abante! Tol Ym!"
Napapikit na lang sya ng kanyang mga mata ng makilala ang boses na yun.. Naisumpa nya tuloy si Paolo ng wala sa oras.
"Dahil sa pag-ibig marami akong naranasan, maganda man o hindi, ganun pa man marami akong natutunan. Natuto akong magpatawad, humingi ng tawad, maghintay kahit imposible, magselos, magalit, magtampo, at marami pang iba. Dahil sa pag-ibig, masaya ako at nakakapagpa-saya ako, kaya dito ako kumukuha ng inspirasyon ko. Masarap sa pakiramdam yung may minamahal ka..." Pasimpleng huminga ng malalim saka dahan dahang bumuga sabay tipid na ngumiti sya, para di halatang kanyang pangungulila. "kahit na alam mong hanggang pangarap mo na lang sya."
Yumukod sya matapos magpasalamat sa mga audience.. Kumakaway pa syang naglakad pababa ng stage, binabalak na nyang lisanin ang stadium ng salubungin sya nila Reighn at Paolo na nakaakbay kaagad ang braso sa balikat nya.
"Hanep! Tinodo mo na Tol Ym, ah! wala ka man lang itinira, isang bagsakan lang! Whew.. Wala bang pa beer dyan?"
"Tigilan mo nga ako! Puro alak na lang laman nyang kokote mo! Pahinga ka naman, pa zombie na nga yang hitsura mo oh!" Sabay tabig nya sa braso ni Paolo.
"Dika na nasanay sa betlog na yan, eh almusal, tanghalian lalo na hapunan, puro alak laman ng tiyan nyan." Naiiling na nauunang naglakad palabas ng stadium si Reighn.
Akmang susunod na sya dito ng marinig ang boses ng emcee nila sa competition.
"Thank you very much, Mr. Ym Xian Dryke. Good luck to you! and now ladies and gentlemen, our next performer is Miss Roselia Delsy! let's give her a round of applause! "
Napapihit sya pabalik, napasunod ang kanyang tingin sa isang babaeng nakasuot ng itim na sleeveless top, stripe na black and white skirt, labas ang tiyan at pink na high hills. paakyat na ito sa stage.
"Tol Pao!" Kinalabit ni Reighn si Paolo, ng magtama ang mga mata nila, inginuso nya si Ym. Nakakaintindi naman ang maloko nilang kaibigan, dahan dahan nitong inakay si Ym patungo sa inuupuan nilang dalawa kanina. Parang masunuring aso lang ito na sumusunod sa kanyang amo, pinagitnaan nila ito sa upuan at masusing sinusubaybayan ang bawat reaksyon ng mukha nito, habang nakatutok pa rin ang buong attention kay Roselia Delsy na nag uumpisa ng magsalita sa gitna ng stage.
"MOVE ON" yan ang palaging naririnig kong salita mula sa mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa'kin.. mula ng mabigo ako sa pag-ibig. "Pa'no? san ako magsisimula, anong gagawin ko para makabangon ulit ako?" 'yan naman ang lagi kong sagot sa kanila...
Nagsikap ako ulit ginawa ang lahat para maging normal ulit ang takbo ng buhay ko, lumuwas ako ng maynila at naghanap ng trabaho, kasi ayoko muna bumalik sa pag aaral abroad, parang wala pa'kong lakas para dun, mas gusto ko munang sumubok magtrabaho, para malibang naman ako. Pinalad akong makapasok ng trabaho sa isang electronics company sa Cabuyao Laguna..
Dito ko inumpisahan lahat na buuin ulit ang namatay ko ng mga pangarap.. sa department na kinabibilangan ko 4 lang kaming mga babae at 24 naman ang mga lalaki..
Una nag alangan talaga ako, kasi puro barako mga kasama ko lalo na ng maging 2shift kami at napunta ako sa night shift, dalawa lang kami ni Lea ang babae at 12 namang mga lalaki ang aming kasama, 12hrs 7days a week yan ang work schedule ko..
Ok naman ang mga kasama ko nagkakasundo naman kaming lahat pero may isang taong kakaiba sa kanila talaga.. Siya si Mario, at talagang pagpasok pa lang niya sa pinto eh buhay agad ang mga dugo ng mga kasamahan ko.. kasi lagi siyang may dalang pagkain, kahit bawal yon kasi yung ibang materials naming hawak eh sensitive, palabiro din siya at laging siya ang bida na kahit ako diko mapigil sarili kong mapatawa kapag nag joke na siya.. Parang kaydaling lumipas ang oras mgugulat kana lang uwian na pala..
Madalas siyang sumabay samin ni Lea hindi lang pag breaktime kundi kahit sa pag uwi eh nakikisakay rin sa service namin, kahit na nga mapapalayo siya ng way pauwi sa kanila.. naisip ko na lang na siguro may pinupuntahan don malapit banda sa'min kaya siya nakikisabay..
Minsan napag uusapan siya namin ni Lea, kasi pati ito nagtataka na rin.. nung minsang nakasabay ko si Mario sa pagpasok sa work, bawat makasalubong namin binabati niya, naisip ko napaka friendly naman niya, pero namula talaga ako sa hiya ng sabihin niyang... "Hello, ito pala ang mahal ko, ang ganda niya noh?" sabay tawa ng malakas, nahampas ko tuloy siya ng bag ko kasi napahiya talaga ako, dami pa namang nakarinig..
Simula nun lagi na niya akong tinatawag ng "mahal" at mahigit isang taon din niya akong niligawan, Pinagtapat ko sa kanya ang lahat lahat, wala akong nilihim kahit pa yung tungkol sa'king first love sinabi ko rin..
Noong naging kami na diko maiwasang ikompara siya sa'king ex, natural lang naman siguro yun sa isang kagaya kong dipa lubos nakakalimot sa'king kabiguan sa unang pag ibig. Pareho silang mapag mahal at maalaga, ang pag kakaiba lang nila si first love seryoso sa buhay, samantalang si Mario masayahin, parang walang pakialam basta enjoy lang siya sa mga ginagawa niya, palibhasa kasi bunso sa apat na magkakapatid at sunod lahat ng layaw at luho nito sa buhay. Mahilig siyang mag outing na nakasanayan ko na rin, minsan pa nga kinakausap nyang mga kasamahan namin sa work kung gusto nilang sumama samin.. basta't may pagkakataon kami at holiday lang wala kaming pinapalampas.
Punta kaming Baguio, Tagaytay, Lucban Quezon, Santa Cruz Laguna para makapag relax at mag enjoy, para di lang puro kami work diba? Pag A-shief naman kami paglabas sa gabi night swimming kami sa Pansol Laguna, maraming private pool diyan na magaganda at yan ang madalas naming ginagawa, ambagan kami sa lahat ng gastos para fair naman sa lahat.. Wala na'kong mahihiling pa dahil kung nasaktan man ako noon higit na ligaya naman ang nararamdaman ko ngayon sa piling ng mahal ko..
Hanggang isang umaga, pag gising ko para pumasok sa work, binuksan ko ang cellphone ko para icheck kung may message si mahal sakin.. Ugali ko na kasing i off ang cp ko bago matulog, ayoko ko kasing ma storbo at may insomia ako, mahirap para sakin ang gumawa ng tulog pag nagising.. Nagulat ako sa mga text na nababasa ko, andami rin miscall mula sa mga kaibigan ko at kasamahan sa trabaho, pero ang higit na nakatawag ng pansin ko ay ang galing sa mga kapatid ni Mario.."
Kitang kita ng dalawang usesero ang paglambot ng mukha ni Ym ng makita nito ang pagtulo ng luha ni Roselia. Basag ang boses nito ng magpatuloy sa pagsasalita matapos mabilisang pinahid ang pumapatak na mga luha sa magkabilang pisngi nito.
"Nanginig ang kamay at sumikip ang dibdib ko na bigla ko na lang hinagilap ang spray ko para makahinga lang ako, kasi nag uumpisa ng umatake ang hika ko.. Itong text message na nabasa ko mula sa kapatid ni Mario.
"Roselia, wag ka sana mabibigla, tatagan mong loob mo ha! pakiusap lang...wala na si Bunso, pumanaw na kaninang madaling araw lang.. binangungot."
Hindi ko na natapos ang pagbabasa parang may biglang sumipa sa dibdib ko at kinapos ako ng hininga, nagdilim ang paligid at diko na alam kung anupang nangyari pagkatapos nun. Basta ang naalala ko lang, nandun lang ako sa isang tabi tahimik na lumuluha habang nakatulalang nakatingin sa kawalan.., andaming nakiramay, pero parang wala akong maramdaman, parang namanhid ang utak ko pati puso ko kasamang namatay ng taong mahal ko.."
Panay singhot at pahid ng kanyang mga luha. Akala nya okay na sya? Akala nya naka move on na sya? Hindi pa rin pala... Kasi kung nasaktan sya noon sa kanyang first love, mas doble ang sakit na nararamdaman nya ngayon.
"Pst! b***h! Hoy! b***h!"
Napakurap kurap si Roselia ng marinig ang boses ni Rowena, napabaling ang kanyang tingin bandang gilid ng stage. Kunotnuo syang nagtanong dito. "Bakit? Anu yun?"
"Trophy!" Mahinang boses na sabi naman nito, habang naka mwestra pang mga kamay sa kanya.
'Yudisuta! Muntik ko ng makalimutan yun ah!'
Pasimple syang yumuko para punasan ang basang pisngi ng kanyang palad, buti na lang di sya nakapaglagay ng mascara ngayon, dahil kung hindi, nagmukha na syang zombie sa harapan ng mga nanonood sa kanya ngayon. Ng masigurong maayos ng hitsura nya, kaagad na umangat ang kanyang ulo saka pinalibot ang tingin sa mga dumalo sa patimpalak na yun. Nagkaroon ulit sya ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang makita ang interesadong mukha ng mga tao dun. Lihim pa syang napangiti ng muling sulyapan si Rowena na naka thumbs up pa sa kanya. Tumango na lang sya dito.
"Ng maayos ng lahat bumalik ako sa probinsiya namin, dun ko pinagpatuloy ang pagluluksa. Diko mabilang kung ilang araw, ilang buwan akong parang walang buhay..
Isang gabing dina naman ako makatulog naisipan kong magpahangin, lumabas ako't umupo sa swing habang nakatingala sa langit.. ang gandang pag masdan ng mga bituin ang kikinang, habang nakatitig ako sa mga bituin, napansin kong biglang nagkakahugis ang mga ito at sa isang kisap mata ko lang nakita kong mukha ng mahal ko, nakangiting kumakaway sa'kin..
Kinusot kung mga mata ko at matagal ko ring ipinikit yon, sa isip ko di totoo ito nahihibang lang ako na imahinasyon ko lang yun kasi siya laging iniisip ko.. pagdilat ng aking mga mata, wala na siya, mga bituin ulit ang nakikita ko. Napatulo na lang ang aking mga luha, naisip ko, na siguro paraan niya yun para palayain ko na siya, lalo ng sarili ko. at isipin ko na lang na masaya na siya sa bagong mundo niya kasamang mga anghel at ang mahal na Panginoon sa langit..."
Sa pag ikot ulit ng kanyang mga mata sa loob ng stadium, isang mukha ang nakakuha ng kanyang interes, pumirme na dun ang kanyang tingin ng magpatuloy sya sa pagsasalita.
"Oo, Sobrang hirap pakawalan ng memories. Lahat ng memories unforgettable.. lalo na kung yung iba dun ay unang beses mo palang yun nagagawa sa buong buhay mo.
Kaya ang masasabi ko lang...
Kung ayaw kang pakawalan ng memories mo, Ikaw na mismo ang mag let go sa kanya, kasi kung hindi baka sumabog na yung utak mo kaka rewind nito. Na alam mo sa sarili mo na hindi na ito muling mangyayari. Hindi naman masamang gumawa ng mga bagong memories eh yung MAS masaya, MAS mag eenjoy ka! Kalimutan mo na lahat ng malulungkot na araw ng buhay mo dahil kahit anong gawin mo wala na yang magagawa "PAST IS PAST" tangapin nalang natin at matuto sa nakaraan. Oo, sasabihin mong ang dali daling sabihin pero ang hirap gawin. Kung tanggap mo naman madali ka nang makakalimot, hindi naman agad agad nakakalimot sabi nga nila "IT TAKES TIME" Balang araw mangingiti ka nalang kasi nalagpasan mo na ang lahat nang iyon.
Lahat naman ng masasayang araw na pinag samahan niyo, nakatago yan sa isip at sa puso mo dahil ito ang nagpasaya rito at hinding hindi mo makakalimutan.
Salamat, sa lahat ng masasaya at malulungkot na panahon, ng dahil dito natuto tayong magparaya, matuto at tanggapin ang nakaraan."
Bago pa umiwas ng tingin sa kanya ang katitigan nya mula pa kanina, mabilis syang kumindat at ngumiti dito. Lumapad lalo ang pagkakangiti nya ng makitang napakurap kurap ng mga mata si Ym saka umiwas ito ng tingin sa kanya. Pero di nakaligtas sa kanyang mga matang lawin ang pag ngiti nito na may kasama pang pag iling ng ulo.
'Gotcha! Napangiti rin kita! Mr. Perfect Writer! It means gumana sayo ang #landi to the highest level ko! Wahaha.. the battle has begun, Mr. Perfect Writer! Todo na ituuu... '
?MahikaNiAyana