Fall out of Love

2877 Words
Totoo pala talaga ‘yung sinasabi nilang “fall out of love”. Hindi ako naniniwala sa kasabihan na ‘yun eh. Akala ko when you love someone, kahit anong incompatibilities and differences niyo, matatanggap mo lahat kasi mahal mo siya. Tsaka naiinis ako sa rason na kaya naghihiwalay ang magkasintahan dahil napagod yung isa. Inis na inis ako talaga sa ganung rason. Pero lahat ng ‘yun kinain ko. Lahat ng mga hindi ko pinaniwalaan noon, nangyari sa akin. And this time, I understand why couples break up with unbelievable reasons. I dated to marry. Never naman ako pumasok sa relasyon na laro-laro lang. Gusto ko seryosong relasyon na mauuwi na sa kasalan. I was there. Already there. Unti-unti kong hinahanda ang sarili ko para maging asawa. Pero minsan kahit gustuhin natin, hindi talaga natutupad kung hindi para sa atin. Siguro nga napaka lakas ko kay Lord at kada dasal ko, sinasagot niya. I prayed hard for that relationship to work. Nilaban ko yun. Pinilit kong ilaban kasi mahal ko yung tao. Hindi ko inaasahan na sa isang iglap magbabago ang lahat. Parang habang tumatagal ako na lang yung lumalaban. Nakakapagod pala. Totoo pala na may napapagod.. Pero kahit marami na akong red flags na binalewala kasi nga mahal ko yung tao. Hanggat kayang ilaban, ilalaban. Mali pala yon. Maling mali. Nagdasal ako ng sobra sobra para masagot ang mga tanong ko. Lord gave a short preview that made me decide to stop the relationship. Parang pag pinagpatuloy pa namin, pareho lang kaming babagsak. It was a hard decision for me. Ayoko kasing nakakasakit eh. Pero I always follow my heart. Yung mga instincts ko alam ko that’s God talking to me. Kesa magkasakitan kami in the long run, mabuti na yung tapusin na lang. It’s our chance to grow as individuals. Yun lang naman ang gusto ko. Ang maging maayos ang mga buhay namin na walang inaasahang ibang tao. For now, pag aaral muna. Yung lovelife nandyan lang naman yan. Kung kami, kami talaga. Si Lord na lang bahala sa love story ko. "Aray! Anuba Rowena! Ba't kaba nanghahampas? bruhilda ka!" Himas ang brasong nasaktan na singhal ni Roselia sa katabing nakakunot nuo sa kanya. Naputol tuloy ang pagmumuni muni nya. "Hoy! b***h! anubang iniisip mo't parang abot hanggang ulap na yang taas ng kilay mo dyan ha?" Inirapan nya lang ito saka umiwas ng tingin dito. Natuon ang pansin nya sa isang lalakeng may hawak na camera at panay ang kuha ng litrato sa skwelahan nila. "Bad mood na naman si b***h, I'm sure laglag na naman ang script nito sa story writing contest." Nagse selfie na sagot ni Mabel kay Rowena. "Hindi! Baka nag split na naman sila ng boylet nya." Sabi naman ni Ashley habang pumapapak ng donut na pa meryenda ni R'joy sa kanila. "May mga naiisip na hindi magawa at nakakalimutan. May mga ginawa na hindi pinag-isipan at pinagsisisihan. At may mga nagmahal na hindi nasuklian at naiparamdam." Napatingin sila Rowena, Ashley, Mabel at Claire kay R'joy na humihithit ng sigarilyo sabay buga ng usok pataas. Samantalang tahimik lang si Roselia na pasimpleng sinusulyapan ang lalakeng abala sa pagkuha ng pictures habang mabagal na humahakbang palapit sa tinatambayan nilang anim. "Ang lalim naman nun Queen! hugot ba yun o kasabihan?" Nakangusong nangalumbaba si Rowena sa hamba ng bench na inuupuan nila ni Roselia. "Ala lang... Naisip ko lang habang tinitingnan ang isang hibang dyan na kandahaba ang leeg sa bago nyang prospect!" Inginuso ni R'joy sa mga kaibigan si Roselia na sinusundan ng tingin ang lalakeng abala sa hawak nitong camera. "Da who naman yang guy na bagong bet nyang si b***h ha?" Tanong ni Claire sa mga kasamahan pero ang tingin ay nasa lalakeng walang kamalay malay na syang pinaguusapan nila. "Mukhang lakas tama si Roselia sa tisoy na yan ah! Hmm.. In fairness, may laban ang boylet na yan sa mga naging ex nya." Taas babang kilay na sabi naman ni Ashley. "Hoy b***h! Sino ba yang pinagkakaabalahan mong tingnan ha? Kilala mo bang lalakeng yan?" Kinalabit na ni Rowena ang katabi na napapiksi naman dahil nagulat. "Hindi! Kahapon ko nga lang yan nakita sa story writing contest.." "You mean bagong kakompetensya mo?" Napatampal pa sa kanyang nuo si Rowena. Kala kasi nya kakilala ito ni Roselia. "Oo! At mukhang tagilid ako sa isang yan.. Parang professional writer na ang mga novel nya eh!" Matamlay na sagot ni Roselia. "Ang lagay ba nito eh... Gi give up kana sa writing competition na matagal mo ng pinapangarap na manalo?" "Hinding hindi nuh! Dipa nga ako nakakapanalo kahit isang trophy lang, saka gusto kong patunayan sa mga parents ko na may talent ako sa pagsusulat." Pumapadyak pa nyang sabi sa mga kaibigan. "Yeah! Go b***h! Laban lang.. Walang sumusuko sa mga Bad Girls! gogogo...!" Pangche cheer pa ng kanyang mga katropa. Natigil lang ang pagsasaya nila ng magsalita ang leader ng Bad Girls. "I have a question... Anong pipiliin mo, yung taong mahal ka o yung taong mahal mo?" Pang pakalma na tanong ni R'joy sa mga tensyonado nyang kasama, isa isang sinulyapan nyang limang kaibigan. " Ako? Yung taong mahal ako, syempre! Para akong nasusunod saming dalawa. Saka yung madatung.." Nakangising sagot naman kaagad ni Rowena. "Sus! Sugar Daddy ang hanap mo teh! Di boyfriend! Hahaha.." Tumatawang nag apiran pa sila Mabel at Claire. "Tse! Panira ka ng trip ko sa buhay eh!" Sabay hila ni Rowena sa buhok ni Mabel. "Aray! Charot lang naman yun gaga! Hurt ka kaagad dyan!" Bahagyang lumayo ng upo si Mabel para dina sya maabot ng naiinis na si Rowena. "Girls! Lam nyu ba? Sabi nila hindi raw nagkakasabay ang swerte mo sa buhay. Minsan kapag swerte ka sa lovelife, malas ka sa career. Kapag naman maganda ang career mo, malungkot ang lovelife mo." Sabi naman ni Claire na haplos haplos ang nagusot na buhok ni Mabel. "Huwag mo kasing gawing kumplikado yung dapat simple lang." Hitit sabay buga ng usok ng sigarilyong sabi ni R'joy. "Relate ako sa sinabi mo Queen, kasi ako, sa dami ng nakarelasyon ko.. Diko na alam kung ano at sino ang tunay at totoo.. Kaya lagi akong stress sa love life ko!" "Puff! Panu, lahat na lang shinu syota muh! Hahayy... Paminsan minsan maging choosy ka naman gurl!" Tikwas ang daliring umirap pa si Mabel sa kaharap nyang si Rowena. "May problema ba tayo Mabel? Kanina ko pa napapansin ang pagtira mo sakin ah!" Napataas ang boses ng napipikong si Rowena. "Bakit? masama bang magbigay ng opinyon ko ha? Usapan lang, walang pikunan." Dumila pa si Mabel kay Rowena, lalo tuloy itong nainis pero dina lang umimik. "Change topic na nga lang tayo, masyado kayong hot eh!" Awat ni Ashley sa dalawa, bago kinalabit si Roselia. "Hoy! Pansin ko lang, bakit kanina mo pa sinusundan ng tingin yang lalakeng yan ha?" Napabuga ng hangin si Roselia, pailalim nyang tiningnan mula paa hanggang ulo ang isang lalakeng tumalo sa kanya sa katatapos lang na writing contest ng school nila. "Sya si Ym Xian Dryke, ang usap usapan na narinig ko sa mga haliparot na umaaligid sa kanya, ay isa syang photographer sa bansa nila bago sya nag transfer dito sa university natin. Kung anuman ang hidden agenda nya sa pagpasok dito, wala na akong pakialam dun, dapat mag focus ako ngayon sa pagiging writer nya, kung panu ko malalampasan o kahit na mapantayan man lang, ang galing nya sa paggawa ng mga tula at mga novela." "Sabi mo b***h, magaling sya! So, anong diskarte naman ang da moves mo ngayon para maka ungos ka sa tisoy na yan! abir?" Nakataas ang kilay na tanong ni Rowena sa kanya. "Open ako sa mga suggestions nyo... kaya sige na ilatag nyo na ngayon para magawan ko ng paraan kung anuman yang mga naiisip nyo!" Nae excite namang papitik pitik pa ng kanyang daliri si Roselia habang hinihintay ang sagot ng mga katropa nyang Bad Girls. "Di magandang mag isip kapag puro hangin ang laman ng tiyan natin.. Napupurol ang utak, nanlalambot ang katawan, nabibinging mga tenga, nilalamig ang kalamnan.. Kaya tara na sa Dampa ni Aleng Nena.. Masarap ang lutong bahay doon..." Pinitik ni R'joy ang sigarilyong hawak, humugot sya ng isang pirasong wipes sa bulsa ng kanyang bag, pinunasan ang daliri saka sinulyapan si Ashley na ngumunguya pa rin ng donut na dala nya kanina. Naiiling syang nauna ng naglakad.. "Let's go! Bad Girls!" Yaya ni Roselia sabay hila kay Rowena. "Yeehey!! Eat all you can na naman itooo!! Tara na daliii... Baka magbago pang isip ni Queen.." Kandatalisod pang umagapay si Rowena sa paglalakad ni Roselia. Samantalang si Mabel at Claire naman, panay pa rin ang selfie nung dalawa habang nakasunod kay Ashley na kumakain pa rin ng donut. "Miss!" Napahinto sa paglalakad si Roselia ng marinig ang pamilyar na boses ng lalakeng di nya alam kung kaiinisan nya ba o kagigiliwan? "b***h, bakit ka huminto? Halika na!" Hinila sya sa braso ni Rowena. Akma na syang hahakbang ng marinig nya ulit ang boses na yun. "Miss! Sandali lang...!" Para makasiguro na sila ngang tinatawag nung lalake, nilingon na nya ito. 'Hala! Kami ngang tinatawag nya... Bakit naman kaya?' "Bakit?" Nakataas ang kilay nyang tanong sa lalakeng nakangiwi habang may inaabot sa kanyang kapirasong papel. "Pinapabigay ni Mr. Renan, bagong tema ng tula sa gaganaping writing competition next month." Nakatingin lang si Roselia kay Ym, ni hindi nga nya inabot ang sobre na nakalahad sa kanyang harapan. "Oy! Tisoy, ikaw pala!" Kinuha ni Rowena ang sobre saka palihim na siniko sya nito, "b***h, kalma ka lang... Remember! First impression last..." Pabulong pa nitong sabi sa kanya. "Thanks! See you next competition!" Pilit ang ngiting sabi nya kay Ym, pagkatalikod nya dito napaismid pa sya ng maalala ang pagkatalo nya sa writing contest dahil sa lalakeng ito. "Your welcome! Miss Delsy... Good luck!" Narinig nyang sabi pa nito. 'The nerve! e good luck pa'ko ng kulugong ito! Nakatsamba ka lang.. Last mo na yun.. Ako naman ang next in line!' Nagngingitngit syang malalaki ang pagkakahakbang makayo lang sa lugar na yun. Nakalimutan na nyang kaibigan na panay ang tawag sa kanya. "Hoy! b***h! Hintayin mo naman ako! Roseliaaa...!" Kapag down na down ang feeling nya, nagiging bulag, pipi at bingi bingihan ng drama nya.. Abala kasing utak nya sa kakaisip kung anong story ang ilalaban nya sa competition next month. 'The Titanic Story' 'She was a rich girl, he was not even close. But when he met her, he found what he needed most. They began a romance, after he saved her from hell. Now their story is famous and its the one Im going to tell. She was very wealthy, had everything you could dream. But something in her life, was missing it seemed. That something was someone, her prince so sweet. When she tried to leave the world, is when they did meet. Now he was a poor man, but with a heart of gold. He saved the young lady, this story never gets old. He fell in love with her, love at first sight I would say. But little did they know what would happen in a few days. They went behind backs, just to be with each other. She was engaged, but didnt love the other. All she really needed was the man she truly adored. He was all she loved, needed and cared for. Her mother wanted different; wanted her daughter to have the best. But her daughter knew the truth; he was better than the rest. She loved him more than anything, in the whole world. She was a 'lady', but with him she was a girl. Then one late night, after making love, they kissed on the deck. And just after that, half the ship was a wreck. An ice berg had hit the ship and water was pouring in. A hectic few hours for thousands of people, was about to begin. He was then accused of stealing and put in a cell below. She didnt understand and she didnt know what to do. But she soon realized the truth, and it was her turn to save him. They had to get above board, before all the lights went dim. The boats started lowering, all the woman and children got inside. But she just could not leave him, without him she'd rather die. They outran the jealous fiance, who tried to shoot them with his g*n. They were getting short of breathe, but they had to run. They ran up on deck, the ship had already started to sink. Everyone was so scared; they didnt know what to think. People were jumping; they were so scared for their lives. But the people, who jumped, just didnt survive. The ship rose higher and higher, until straight in the air. Half of the people were gone, half were still there. They both held on so tight, they were right up at the top. Right before their eyes, people let go, some just dropped. The ship began to sink; there was nothing they could do. So he said dont let go of my hand, we will make it through. The ship went under the sea, but they both came up alive. The worst part was over, but the rest they had to survive. He found a stranded door, and placed her on it away from the ice. He loved her so much that for her his life he sacrificed. She saw a boat, and tried to wake him from his sleep. She realized he was gone and let him sink into the sea. She blew a whistle with all her might and they heard her call for help. She was saved, but her heart died, with all the pain it felt. She had lost the person she wanted forever, the one sent from above. He died in that ocean, so that she could live, thats what I call true love '♥♥♥ Matapos nyang basahin sa mga kaibigan ang naisip nyang I submit na summarize ng paborito nyang Titanic love story. Hinintay nyang mag comment ang mga ito. Pero lumipas ng ilang minuto tahimik pa rin sila Rowena, Claire, Mabel, Ashley at R'joy. "Matagal pa ba akong maghihintay sa mga comment nyu? Anuba girls! Wala ba kayong masasabi man lang sa script ko ha?" "Yun na yun?" Awang ang labing tanong ni Claire. "Bakit? Diba magandang gawa ko?" Nag aalangang sabi naman nya. "Roselia.. Kung yan ang isa submit mong script, siguradong lotlot kana naman." Tinapik tapik ni R'joy ang kanyang balikat. Kapag si R'joy Queen ng humatol, alam ni Roselia na wala na syang laban pa. Sa taas ng pamantayan nito sa buhay. Bawat salita nito pawang may basehan at katotohanan. Pero humirit pa rin sya, kahit malinaw na sa kanya ang nais ipaunawa ni Queen. "Eh! ang tema naman about Love, kaya naisip ko ang titanic story, kaya dun ako nag focus." "Okay naman yung ginawa ni Roselia ah! Para sakin pasado na yan!" 'Bff talaga kita Rowena.. Sige pa! Push mo pa yan! para lumakas lalo ang loob ko!' "Ikaw talaga Rowena! Dika ba nag iisip ha? Gasgas na yang Titanic story. Ang kelangang ilaban nyang si b***h eh yung makatotohanang Love stories, para may dating.. Kasi bago! Gets mong point ko dito ha?" 'May point si Mabel, sabagay kaya nga nerd ang tawag sa kanya, kasi mahilig magbasa.' "Anu kaya kung yung love story mo na lang ang isali mo b***h! Pero syempre ang piliin mo eh yung tagos sa puso, para mapa ohlalah... ang kung sinumang makabasa, Oh diba bongga ang naisip ko?" Natatawa na lang ako sa suggestion ni claire.. Itong gusto ko sa babaeng ito eh, napaka gaang kasama.. Kumbaga! Nakakahawa ang pagka jolly personality nito. "Syanga naman Roselia, mamili kana sa mga love story mong naranasan.. Di naman mahalaga kung past, present or future ba yang ise share mo, ang importante lang naman dun eh yung laman ng ikukwento mo.. Yung kaantig antig sa puso na kwento." Sabay kindat pa ni Ashley kay Roselia. Nakakagaan naman ng loob ang mga opinyon ng kanyang mga kaibigan. Ramdam nyang pagluwag ng kanyang dibdib, malinaw na ngayon ang kanyang isipan, sa katunayan nga may naiisip na kaagad syang love story na isusulat nya panlaban sa competition at pedeng pantapat nya kay Ym. "Salamat sa mga suggestions nyo girls!" Isa isa nyang niyakap ang mga kaibigan. "Di kami tumatanggap ng basta Thank you lang b***h! Order ka pizza para happy happy tayo dito! Sige na..!" Naiiling na lang nyang kinuha sa bulsa ng suot na short ang kanyang cellphone, pagdating kay Rowena di sya makahindi, dahil sa limang kaibigan nya, ito lang ang pinakamalapit sa kanya. Madalas man silang magtalo at magkapikunang dalawa, di naman natatapos ang isang araw nagkakabati at nagkakasundo ulit sila. Isa isa nyang pinasadahan ng tingin ang kanyang makukulit pero maaasahang mga kaibigan. Napangiti na lang sya ng makita ang paghihilahan ng mga buhok nila Rowena at Mabel, habang aligaga naman sa pag awat si Claire. Samantalang sila R'joy at Ashley naman ay tawa lang ng tawa habang nakamasid sa tatlong nagkakagulo sa kanilang harapan. 'Napaka swerte ko dahil nagkaroon ako ng mga kaibigang totoo! Kahit iilan lang kayo sa buhay ko masaya't kontento na ako' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD