Kabanata 1

1552 Words
Kabanata 1 “N-NASUSUKA ako, Leah,” daing ni Odette sa kaibigan habang hawak niya ang kanyang coke. Nagpa-praktis sila ng kanilang drama para kanilang final exam sa English. Gaganap siya na bida sa role playing nila tungkol sa Greek Myth. Wala na sila halos inaasikaso dahil papatapos na ang pasukan. Ga-graduate na siya, dalawang buwan na lang. “Hala. Bakit? Baka nalamigan ka sa coke,” natataranta naman na sabi nito sa kanya. Hindi na niya napigil ang sarili kaya tumalikod siya at naduwal na sa may gilid ng pader. Kanina pa iyong umaga nang gumising siya, pinipigil lang niya dahil ayaw niya na mag-alala ang lola niya. Bukod pa roon, nanlalata siya at walang kalakas-lakas. Ang sakit ng balakang niya, o dahil sa papag na kanyang nahihigaan. Hinagod siya ni Lea sa likod at hinawi ang mahaba niyang buhok para hindi niya malawayan. Ito ang nakakaalam ng sinapit niya nang gabi ng initiation. Dito lang siya nakapagtapat, at nakakalungkot dahil wala silang nagawa nang awayin nila si Liza sa University na pinapasukan nun ngayon. De kotse ang babae at ano ba ang laban nila sa anak ng isang huwes? “Odette,” Ani Lea sa kanya habang pilit siyang dumuduwal. Inakay siya nito papunta sa pinakamalapit na banyo para dun siya magpatuloy. “Bakit ganito, Lea? Parang nakakapanghina na sobra. Ang sakit ng tagiliran ko.” Aniya nang mapasandal siya sa may lavatory. Hawak niya ang tissue na hinugot niya mula sa holder. “Baka may infection ka. Baka may sakit ka sa bato dahil sa kaka-coke mo. Ang takaw mo kasi sa Coke nitong nakaraan.” “Ewan ko nga,” iling niya, “Para akong masisiraan kapag di ako nakainom ng coke.” “Adik ka na!” Natatawa nitong sabi kaya natawa siya. Malaki ang pasasalamat niya rito dahil hindi siya nito iniwan sa kabila ng kagagahan niya. Pinasasaya siya nitong pilit matapos silang tarayan ni Liza. Hindi na sila bumalik pa doon. Kinalimutan na niya ang lahat at hindi na siya nakipag-usap pa sa sinuman sa mga iyon. Kahit si Queen ay parang di na siya kilala. Saglit na natilihan si Lea habang nakatingin sa kanya. Base sa titig nito ay para siyang ninenerbyos. “B-Bakit?” She asked her bestfriend. “D-Di kaya b-buntis ka?” Napanganga siya at saka napalinga sa sarili. Hindi siya nakahuma tapos ay naiiyak na siya kaagad. “Hoy, hindi naman tayo sigurado. B-Baka lang,” luminga rin ito, “Ganyan kasi ni Mommy noong nagbuntis sa bunso namin. Nurse si Mommy, remember? Wait. I'll call Mommy.” Anito saka kinuha ang cellphone sa bulsa ng suot na palda. Sa kanilang klase, tatlo lang ang may mga gamit na cellphone. Ilan lang din sa kanila ang nakapagpapa-rebond dahil karamihan ay anak mahirap. Talino ang kanilang puhunan para makapasok sa Pilot School, at siya ay isang nabiyayaan ng talino pero mukhang di niya nagamit nang maayos. Buntis. Paano? “Hello, Mommy,” Lea said right away, “Paano ang buntis?” Ipinag-loudspeaker nito ang bagong cellphone na Android. “Anong paano ang buntis? E di buntis. Tanga ka.” Natawa ito, “Hindi, Mi. Paano ang sintomas ng buntis?” “Bakit mo tinatanong? Lea, hindi ako pumapayag na mag-nobyo ka.” “Relax ka lang, Mommy. Sagutin mo na lang ako, please.” “Wala akong sasabihin. Kung talagang gustong malaman kung buntis. Pregnancy test ang kailangan o kaya magpa-test ng ihi sa center o kaya ospital. Ikaw naman ang sumagot sa akin. Sino ang buntis?” Umiling si Odette gamit ang kanyang napakalungkot na mukha. Malungkot din na tumitig si Lea sa kanya. “S-Si Ma'am Dagdag yata, Mi. Nagdududuwal kasi kanina,” pagsisinungaling na rin nito. “Kala ko kung sino. That is one symptom because of high pregnancy hormones, dizziness and fatigue are also included. Sensitivity to some strong smell. First baby niya?” “Yata, Mi. Sige na, Mi. Magpa-praktis na kami. Babye.” “Babye.” Agad nitong itinago ang aparato at hinawakan siya sa magkabilang kamay. “Nararamdaman mo ba yun?” Hindi siya makasagot dahil natatakot siyang aminin ang totoo. Dahil ang totoo, oo. Ganun na ganun ang nangyayari sa kanya ngayon. Sana ay hindi. Paano na siya? Paano na niya sasabihin ang lahat sa lola niya lalo pa at wala naman ama ang bata, ni di niya alam kung sino. Tumango siya kapagkuwan kay Lea kaya natutop nito ang bibig at parang nag-umpisang mamroblema. Siya ay tulala na, nababalot ng takot ang buong sistema. She's just sixteen, turning sixteen this April to be precise. “M-Mamaya ay bibili tayo ng sinasabi ni Mommy na kit. For sure may instruction naman yun. Malalaman natin ha. P-Paano kung oo?” Litong tumunghay si Odette sa kaibigan niya. Paano ba? maaatim ba niyang ipalaglag ang bata na bunga ng isang kahayupan? Ayaw niyang magbuntis. Ayaw niyang maging ina. … Nakaraan… Pinipilit ni Odette na maging normal. Makakauwi na siya sa bahay matapos ang isang bangungot. Salamat at buhay pa siya. Nakatanaw siya sa kanilang barong-barong habang naglalakad papalapit. Halos yakapin niya ang kanyang bag. Nasa loob nun ang kanyang duguan na panty. Sa kanyang pakiramdam ay punong-puno pa rin ang kanyang p********e dahil sa isang bagay na iyon na pumasok sa kanya. It was so painful. Napapikit siya. Nasa trenta minutos pa lang ang nakalipas, matapos siyang ibaba ng van sa may waiting shed. Sumakay siya ng traysikel, at alas singko pa lang ng umaga. Hindi niya alintana ang oras. Wala siya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay may bumubuhos pa rin sa kanyang p********e at puno ang kanyang puson. Sge nearly sobbed. Natanaw niya ang kanyang lola Ely na lumabas at magsampay ng kanyang uniporme. Napakawalang-hiya niyang apo. Sana ay pinatay na lang siya ng kanyang madrasta para di na niya nagawa ang kahangalan na ito sa buhay niya. Hirap na nga sila, nadala pa siya sa isang kamalian. Nasaan ang kanyang kahihiyan sa taong nagpapaaral sa kanya? Halos magkadikit ang kanyang mga hita habang naglalakad. Pakiramdam niya ay sugat na sugat ang kanyang p********e. Nilapastangan siya ng lalaking iyon. Hayop na yun. Lord of the Kwago! Mga demonyo! “Odette, apo?” Tanong ng kanyang lola Ely sa kanya kaya mas lalo niyang inayos ang sarili. “La!” Pinasigla niya ang boses. “Napakaaga mo naman na umuwi,” nagmamadali iyon na sumalubong sa kanya. Natatakot siya. Baka may mapansin ito na kung ano o kaya ay maamoy siya. Amoy kasi niya ang mga sigarilyo sa lugar na iyon, pero sa pinagdalhan sa kanya, kung saan siya nakapiring, nakatali ang mga kamay at paa, habang nakabuka ang mga hita ay amoy mabango. Wala siyang nagawa. Hindi siya nakalaban. Sa sulok ng kanyang batang isip ay tandang-tanda niya ang mga ginawa sa kanya kahit na hindi niya nakikita. “U-umuwi na ako, la kasi nakakatamad na dun. Tapos na naman yung…r-research,” naiilang na paliwanag niya. “Halika na at magkape ka na. Baka ka sikmurain dahil sa lamig ng panahon. Susko naman na apo ko ito, hindi na nakapaghintay ng liwanag. Delikado sa kalsada, apo. Buti na lang at matino ang drayber na nasakyan mo.” Akay siya nito kaya lalo siyang nakukonsensya. Sana ay hindi na lang siya nag-asam ng isang buhay na hindi maganda, pagkatapos niyang makapag-aral. Yun lang naman kasi ang tiningnan niya, ang pangako na makakapag-trabaho siya at magkaroon ng stable na income, para na rin sa kanyang lola. Ikinurap niya ang mga luha. “Lola, dun muna ako sa kwarto. Mamaya na ako magkakape. Ang aga ko po kasi nagising.” “Ha? Sigurado ka ba?” “Opo,” matamlay na sagot niya saka siya nagmano rito, “Nakalimutan ko, la.” Napangiti ito, “Pasaway na bata. Sige na magpahinga ka at magluluto na ako ng agahan. Tinapa ang narito saka iyong paborito mong pulang itlog.” “Opo, may kamatis.” “Marami,” anito pa sa kanya na nakangisi kaya napangiti siya. Tumuloy siya sa kanyang maliit na kwarto at isinara ang pintuan, pero kasabay ng paglapad ng dahon sa hamba ay lumapat din dun ang likod niya. Umiyak siya. Naiilang siya sa kanyang suot na underwear, na di niya alam kung kanino. It was wet. Ang lagkit-lagkit ng kanyang pakiramdam dahil sa totoo lang, hindi lang siya tatlong beses na nagamit. Pinagsawaan siya ng demonyo na iyon, o mga demonyo. Anong lord? Wala iyong karapatan na tawagin ang sarili na isang lord. Lucifer pa, pwede. That guy made her feel so disappointed in herself. Kung saan-saan siya nun hinaplos at hinalikan. Wala sigurong parte ng katawan niya ang nakaligtas, na kahit ang paa niya ay dinidilaan. Ayaw niyang alalahanin ang mga bagay na iyon pero paano? Kalbaryo ang dala nun sa kanya dahil kahit na nagmamakaawa siya na huwag, patuloy pa rin iyon sa ginagawa sa kanya. Ang hindi niya matiyak ay kung ilang lalaki ang pumasok sa kwarto dahil wala naman siyang nakikita. Hindi niya mapapatawad ang mga lumapastangan sa kanya. Nahiga siya sa maliit niyang papag at pumikit, nakabaluktot at yakap ang mga binti. Paano siya makakatulog matapos ang nangyari sa kanya? She was a rape victim but it was because she was a fool. She gave consent to those women to bring her somewhere, unknowingly just to be feasted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD