Kabanata 4
“YOU are all very lucky because this year, the famous Royal Cervantes Incorporated will accept interns,” nakangising sabi ng kanilang propesor na nakatayo sa likod ng podium, “not just ordinary internship but, apprenticeship. Ibig sabihin ay kikita kayo sa isang taon ng inyong OJT sa Royal Cervantes.”
Nakangiti si Odette habang nakikinig. Sa kanyang isip ay nagkakalkula na siya ng kanyang kita. This is a blessing. Para na rin siyang may trabaho.
“You have to do your best and act as a real employee of that company. Mahirap na mapahiya tayo, guys. This is a great opportunity. Minsan lang ito nagbibigay ng ganitong pribilehiyo kaya napakaswerte ng inyong batch.”
“Magkano po, Prof?” Agad niyang tanong kaya nagkatawanan ang mga kaklase niya.
“Ito talagang si Odette, mukhang pera,” biro naman ni Prof Dixon sa kanya, “Hayaan niyo na ‘yan, ha. Alam niyo naman na may binubuhay ‘yan. Maanong sagutin na kasi ako para ako na ang bahala sa expenses.”
Naghiyawan ang mga kaklase niya napasimangot siya. Luminga naman kunwari si Dixon at napatakip ng bibig.
“Baka may makarinig matanggal ako,” dagdag na biro pa nito kaya natatawa siyang napasulyap.
Si Dixon ang crush niya talaga mula nang mag-kolehiyo siya. Nakikita niya ito noong nag-e-enroll siya sa faculty.
She got insecure when she had given birth to Ammiry. Tumaba siya, at nawala man ang kanyang belly pouch makalipas ang anim na taon, hindi na rin niya naibalik ang dating payat na katawan. She's now chubby.
Pero sa kabila ng pagiging chubby niya, hindi siya nawalan ng manliligaw, isa na roon si Dixon. And she wasn't lying about her child. Mahirap ang kanyang pinagdaanan mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak niya, mabuti na lang at katuwang niya ang kanyang lola Ely, na hindi siya pinabayaan. At hanggang ngayon, iyon ang kasa-kasama ni Ammiry sa preschool.
She's now twenty-two and her daughter is six years-old. Mabuti na lang at hindi sakitin ang anak niya, kaya lumaki na hindi sila namo-mroblema. Huminto siya ng isang taon sa pag-aaral, nag-alaga lang siya ng anak niya pero pinagsumikapan pa rin siya ng Tiya Bibeng niya para makahanap ng panibagong sponsor para sa kanyang pag-aaral.
Just last year, she met her sponsor. Isa iyong mayaman na negosyante pero hindi sinasabi kung anong megosyo ang pinamamahalaan. That man was old. Ang gusto lang nun na ipatawag dun ay Don Feliciano. Nakakalungkot lang dahil namatay iyon, ilang bwan matapos ang kanilang pagkikita. It was a sudden death due to kidney disease.
Maraming kwento sa kanya si Don Feliciano. Matagal na daw nun na iniinda ang sakit, at ayaw pa raw nun na mamatay dahil mukhang hindi pa raw handa ang bunsong anak nun na pumalit bilang isang successor.
Kapag sinabing successor, alam ni Odette na napakayaman. And it was a great privilege to meet someone like Don Feliciano in person.
Ang nakakatuwa, kahit na namatay iyon ay nagpatuloy ang sustento sa kanya para sa kanyang pag-aaral. Ang nakikipag-komunikasyon daw sa Tiya niyang madre ay isang right-hand.
Dixon smiled at her sincerely and winked. Pumormal ito kaya naman bumalik siya sa reyalidad.
“We will finalize the transaction. Ihanda niyo ang sarili niyo. May pa-free uniform kayo, galing din sa mismong kumpanya. Pwede na kayong pumunta sa accounting para sa referral. Iisa ang patatahian niyo. At kapag nakausap na nang maayos ang may-ari ng Royal Cervantes, sa susunod na buwan ay mag-uumpisa na kayo sa pagiging intern/apprentice. Ga-graduate na kayo basta maganda ang marka ninyo. Tapos na. Pwede na kayong mag-exam at mag-trabaho sa oras na makumpleto niyo ang twelve month requirement na ito. As soon as we finalize this, on board na kaagad kayo para sa twelve month policy na kailangan kung mag-e-exam na kayo. Kaya pa ba?” Natatawa nitong tanong sa kanila.
Kaya.
Kahit na halos wala na silang pahinga mula nang matapos ang third year ay kaya niya. Sanayan lang ang pag-iwan niya sa anak. Para rin ito kay Ammiry kaya kahit miss na miss niya sa araw-araw ang baby niya, nagtitiyaga siya. Gusto niya ng isang magandang buhay at kinabukasan sa kanyang anak. Ayaw niyang maranasan ni Ammiry ang maapi at maalipusta, mawalan ng laban sa mundo dahil sa pagiging isang mahirap.
Ang pangyayaring iyon nang sila ay pagsarhan ni Judge dela Peña ng gate ang hindi niya makakalimutan kailanman.
She was in the verge of losing her child at that time but nobody helped them.
Nakaswerte sila na may isang hauler ng mga gasul na dumaan, at ang matandang driver ay hindi nagdalawang-isip na siya ay isakay at dalahin sa ospital.
Sa sandaling iyon, doon niya napagtanto na mahal niya ang anak niya, kahit na hindi niya kilala kung sino ang nakabuntis sa kanya.
At pangako niya sa Diyos na gagawin niya ang lahat mabuhay lang ang baby niya. God never failed her. He gave her strength, and that strength brought her to her present life. She's much wiser, more intelligent woman now.
Ang kanyang isip at puso ay nakatuon sa pagbibigay sa kanyang anak ng magandang buhay.
Sa nangyari sa kanya, nagdesisyon ang kanyang tiya na lumipat na sila ng lola niya sa Maynila pagkatapos ng graduation. Nakiusap ang matanda sa principal na hayaan naman siyang maka-graduate, at ibinigay naman iyon sa kanya. Napabalita sa lahat ng buntis siya, pero ang kanyang sitwasyon ang nakadagdag ng aral sa mga kapwa niya estudyante.
Wala naman sa kanyang nam-bully. Si Lea ay parating nakasuporta sa kanya lalo sa mga pagkain na gusto niya.
Lea's parents also offered her something. Isa iyong adoption para sa kanyang magiging anak pero hindi siya pumayag.
Odette made a pact to the Lord that she'd keep her baby when she was almost losing Ammiry in her womb. There was no way she'd give away her precious child.
Hindi rin naman payag ang tiya niya at ang lola niya. Labis lang siyang nalungkot nang umalis sila roon dahil kay Lea.
Ngayon, nasa Maynila rin naman ang kanyang kaibigan para exam nun sa nursing. Nauna iyon makapagtapos dahil tumigil siya ng isang taon.
Kaunti na lang at malapit na rin siya sa katotohanan.
Ammiry loves the sea. She loves fishes and everything that's realted to water. Gusto raw nun makilala si Arielle kapag naisakay na niya sa barko.
Lahat ay gusto niyang ibigay sa kanyang anak, maliban sa isang ama dahil natatakot siyang maitsapwera lang iyon kapag nagkaroon na sa kanya ng anak ang stepfather ni Ammiry. Hindi lahat ay pinagpapala ng isang mabuting asawa, alam niya dahil ang ama niya ay isang walang kwentang nilalang. Ni hindi na niya alam kung ano na ang balita roon. Lahat ng pagmamahal na kailangan niya ay si Ely ang nagbigay at ang kanyang Tiya Bibeng.
“Okay na. Pahinga na tayo. Keep up na lang sa GC ha para sa update. Pumunta na kayo sa accounting,” utos pa ni Dixon sa kanila kaya naman sumunod na sila.
Tumayo si Odette at kinuha na ang kanyang bag. Medyo ibinaba niya ang kanyang skirt at saka isinukbit sa balikad ang dala niya.
May humawak sa siko niya kaya napalingon siya.
Dixon smiled at her, “Uuwi ka na pagkatapos sa accounting?”
“Opo, prof,” kiming sagot niya rito.
“Sayang di kita maihahatid.”
“Okay kang po, prof.” She said and quite thankful.
Sa totoo lang, ayaw niya talaga na nagpapahatid din dito. Basta lalaki, halos wala siyang tiwala. Tamang pakikipagkaibigan pero iyong sasama siya na silang dalawa, hindi siya pumapayag. Medyo nagiging agresibo na rin kasi si Dixon sa panliligaw sa kanya, palibhasa ay papatapos na siya.
Off campus na siya ng isang taon. Iniisip siguro nito na pwede na talaga siyang ligawan, ihatid-sundo at iba pa.
Ramdam naman nito na aloof siya. Isa pa, hindi naman niya inilihim dito ang tungkol sa nangyari sa kanya. Nag-uusap kasi sila sa chat, pero hanggang dun lang.
“Sinong kasama mo?”
“Sila po, prof mga dati kong kasama. Lagi naman po nila akong hinahatid sa sakayan. Very gentlemen naman sila sa akin,” aniya sa lalaki na tumango naman, napakaseryoso ng mukha.
“Odette, lika na!” Tawag sa kanya ni Harold kaya napatingin siya sa pintuan.
“Excuse me, Prof. Mauna na po ako,” magalang na paalam niya at tumango naman ito.
“Sisilipin kita parati sa apprenticeship mo. I'll be there, too during Monday and Thursday.”
Tumango na lang siya saka niya iyo nilagpasan. Dumiretso siya sa mga kasamahan na hindi naman siya pinababayaan. Kahit paano, palagay ang loob niya sa mga kaklase niya dahil mula first year ay magka-klase na sila, at mababait ang mga ito sa kanya.
Kahit crush niya si Dixon, hanggang dun lang ang kaya niya. Lihim lang niya iyon sa kanyang sarili. And she is not that foolish teenage girl anymore who easily gets fooled.
“Masinsinan na ang pagpaparamdam ni Prof, ah,” biro sa kanya ni Yolo.
“Yaan mo siya. Busy ako,” natatawang sagot niya rito kaya nagkatawanan ang mga ito.
“Nagpupustahan na kami Kung sasagutin mo o hindi. Wag mo akong ipatatalo, Odette. Wag mong sasagutin,” anitong inalog pa siya.
“Sagutin mo, Odette para manalo ako! Bibilhan kong gatas si Bibi,” sabi naman ni Sixto kaya lalo siyang nailing.
Sira ulo talaga ang mga ito.
“Wag niyo ng isipin si Prof. Isipin natin ay mag-i-intern na tayo at kikita pa tayo. Yun ang the best,” aniya saka nagpatiuna sa hagdan.
Sa pagkakataon na ito, hindi na niya sasayangin ang sponsorship na kanyang nakuha, dahil nang siya ay magbuntis, umatras ang unang nakuha noon ng kanyang tiya.
This is her moment and it's time for her to shine.