Masaya ang unang araw niya kahit panay sulyap sa kaniya si Azael pero hindi na siya nito pinipigilan. Mas mabuti iyon, no! Bakit kasi sumama pa ang mga ito? Siguro si Herrence nag-imbita rito pero like duh, who cares magsasaya siya. "Wohooo! Ang sarap dito! Ayuko na umuwi." "Itulak kaya kita?" Napabusangot siya nang marinig ang boses ng kaniyang kapatid. Nasa ibabaw sila ng bundok at kitang-kita niya ang napakagandang tanawin ng buong lugar. Ang malamig at temperatura ng paligid ay nagbibigay ng masayang pakiramdam sa buo niyang pagkatao. Siya lang yata ang hindi normal dahil imbes na coat o jacket ang suot niya dahil sa malamig na klima, nakasuot pa siya ng sleeveless. Sa araw-araw ba na exposed siya sa aircon sino ang hindi ma-immune no'n. Ang slow talaga ng mga ito! Mga loser! "Kapa