CHAPTER 1 - HIS POSSESION
Ingat na ingat si Amara sa paggalaw mula sa kaniyang pinagtataguan ngayon. Iniiwasan niyang makalikha ng ingay dahil sa dami ng pwedeng pagtaguan, ang maduming bodega pa ng university pa na puno ng tambak na bagay at libro. Maalikabok na rin ito pero mas mabuti na rin kesa makita siya ng taong naghahanap sa kaniya.
Mula sa pinagtataguan niya, sumilip siya sa maliit na siwang ng pintuan, napakagat siya ng labi nang makita ang dalawang lalaking busangot na tropa nung makulit na manliligaw niya. Sa tindi ng inis niya kanina, binayagan niya ang lalaki dahil kinaladkad siya nito para sumama. Awtss!
Napisa niya yata ang itlog nito pero imbes na matawa, takot ang rumehistro sa kaniyang mukha nang utusan nito ang dalawang lalaki ng dakpin siya. Hindi naman siya tanga kaya takbo ang kaniyang ginawa at doon siya napasok sa maduming bodega. Bakit ba kasi naisipan niyang magpaabot ng gabi? Ah, dahil may tinapos pala siyang libro sa library at hindi niya na namalayan ang oras. Kapag libro kaharap niya, nakakalimutan niya lahat ng bagay pati na ang kaniyang kagandahan.
Natawa siya ng lihim nang makitang lingon nang lingon ang mga ito na parang baliw. Mga gonggong! Gusto niyang sigawan ang mga ito pero sa isip lang niya ginawa iyon kundi matsugi siya ng wala sa oras.
Shit! Nanlaki ang kaniyang mata nang malakas na tumunog ang kaniyang cellphone sa loob ng bag. Nagkukumahog siyang binuksan ang bag saka naman biglang bukas ng pintuan. Nauntog pa ang kaniyang noo sa pagtulak nito sa dahon ng pinto.
"Dead end ka na, Amara Legrand!" ngumisi ang mga ito at bago pa man siya mahawakan, sinipa niya ang isa sa tuhod at tinulak naman niya ang isa saka tinakbo ang labas.
Panay ring pa rin ang kaniyang cellphone kaya tumatakbo siyang hinahalungkat ang bag. Akmang sasagutin niya na ito nang mahila ng isa ang braso niya at ganun din ang isa kaya tumilapon ang phone niya. Nagpupumiglas siya sa nga ito at panay lingon sa paligid na sana may tumulong sa kaniya pero madilim ang bahaging iyon ng unibersidad. Tanga rin siya minsan, bakit dito siya tumakbo kanina?
"Kapag ako nakawala sa mga hawak niyong mga unggoy kayo, pagsisipain ko pagmumukha niyo!" matapang na saad niya.
"Iyon ay kung makakawala ka!" ngumisi ang isang nakahawak sa kanang kamay niya na mukhang butiking naipit sa cabinet ng limang taon.
Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ng mga ito pero tawa lang ang naririnig niya sa dalawa. Nag-ring ulit ang kaniyang cellphone pero malakas na inapakan naman ito nung isa kaya basag ang screen nito.
Oh no! My latest brand new iPhone! Gusto niyang maiyak. Bigay ito ng kuya Azael niya at marami silang pictures dalawa sa kaniyang gallery. Hindi siya nanghihinayang sa iPhone, sa mga pictures lang na naka-stored doon dahil pinapa-auction pa niya ang mga 'yon.
"Mga bullshit kayo!" inis na sigaw niya.
Hinila siya ng mga ito papunta sa kung saan. Sigaw siya nang sigaw pero wala yatang nakakarinig sa kaniya. Tumili kaya siya?
"Kuya Azael tulungan mo ako!!!" kahit alam niyang imposible na matulungan siya ng nakakatandang kapatid dahil out of town ito kasama ang mga kaibigan.
Nasanay kasi siya na lagi itong lumalabas mula sa kung saan kapag nasa panganib ang buhay niya. Ito ang tanging Superman niya simula nung mga bata pa sila kahit hanggang ngayon na Junior High. Pinagkakaiba lang, wala ito ngayon kaya malalakas ang loob ng dalawang africang hito ito na hawakan siya at kaladkarin.
Pero nagulat na lang si Amara nang biglang may umigkas mula sa kung saan na kamao at lumagapak ang isa sa damuhan. Isang sipa naman sa isa at tulog na bumagsak rin ito. Napatingin siya sa kung sino ang sumaklolo sa kaniya, nanlaki ang kaniyang mata nang makitang si Azael ito. Mabilis itong yumakap sa kaniya ng subrang higpit.
"Kuya! Akala ko out of town ka?" nagawa pa rin niyang itanong iyon. Hanggang dibdib lang siya nito kaya para siyang bata na yakap-yakap nito.
"The hell Amara! Kung hindi pa ako dumeritso rito nang malaman kung wala ka pa sa mansyon malamang may masamang nangyari na sa'yo," mabigat na saad nito.
Alam niyang galit na ito dahil binanggit nito ng buo ang kaniyang pangalan.
"Galit ka po? Sorry na kuya..." tumingala siya at pilit na tingnan ang kislap ng mata nito. Iba pa naman pag ito ang nagagalit. Kahit lagi siya nitong inaalaska at iniinis, alam niyang mapagmahal ito na kuya.
Nag-iwas ito ng tingin at bumitaw na mula sa pagkakayakap sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinila siya papalayo ro'n.
Napangiti siya sa kamay nilang magkadaop palad pero agad din napaismid nang maalalang galit ito. Napaka-over protective nito pero kapag ito ang nang-alaska sa kaniya, hindi siya nito titigilan hangga't hindi siya iiyak. Minsan baliw rin itong kapatid niya. 16 years old na siya pero kung ituring siya nito ay para siyang batang hamog sa daan minsan. Nakakainis din!
"From now on, I'll be the one to pick you up after school hours. No but's little princess or sasabihin ko 'to sa parents natin." madilim ang hitsura nito nang paandarin ang sasakyan.
Napanguso siya rito at hindi umimik. Tahimik lang siya sa buong byahe hanggang sa dumating sila sa mansiyon. Good thing dahil wala ang magulang nila, nasa isang party ito kundi tatanungin siya ng mga ito kung bakit ginabi yata siya. Deritso niyang tinakbo ang hagdanan papunta sa kaniyang kwarto. Magkukulong na lang siya at magpapadala ng pagkain sa katulong mamaya.
Tamad na binagsak niya ang katawan sa Queen Size Bed. Nagpagulong-gulong siya sa kama at sandaling nag-isip. Niligtas na naman siya ni Azael. Naiisip niya minsan, may superpowers din kaya ito dahil kahit sa dulo pa yata siya ng mundo magtatago, lagi siya nitong nahahanap at nasusundan. Hindi naman issue sa kaniya iyon, nakakatuwa pa nga. Siya lang yata ang may nakakatandang kapatid na prinsesa siya kung ituring at pinakamaganda sa lahat. Napangiti siya pero agad din nawala ulit nang maalalang galit ang kapatid sa kaniya. Napaismid siya. Bahala nga ito sa buhay nito!
Ipinikit niya ang mata at hindi niya namalayan nakatulog siya. Naramdaman na lang niyang may humaplos sa kaniyang pisngi. Wala sa sariling napangiti siya at abutin ang kung sino man kamay iyon at niyakap ng mahigpit saka nagpatuloy sa pagtulog. Nagising lang siya nung may humalik na sa kaniyang noo.
"My princess, its time for dinner. Change your clothes. I'll wait you outside."
Nagmulat siya ng mata at deritsong napatitig dito pero agad din napairap. Ayaw niyang kumain na sabay ang binata kaya tinalikuran lang niya si Azael at bumalik ulit sa pagtulog.
"Amara..."
Napaingos siya at binalewala ang pagbanggit nito ng buo sa kaniyang pangalan. "Get out. I'll eat later." At nagtalukbong siya ng comforter.
Narinig niyang napabuntunghinga ito at tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kaniyang kama. Kasunod ay ang yabag nito na paalis at ang pagsara ng pintuan. Napabangon siya at napaismid. Akala niya susuyuin siya ng kapatid na lagi nitong ginagawa kapag nagtatampo siya. Nagpalit siya ng damit at bumalik ulit sa kama. Matutulog na nga lang siya ng tuluyan at mamaya na siya gigising para kumain. Pero hindi niya na pala kailangan gawin iyon dahil biglang bumukas ulit ang pintuan at pumasok mula roon si Azael na may bitbit na dalawang tray ng pagkain na subrang dami.
"Kuya!" nanlaki ang kaniyang mata.
Ngumiti ito. "Dinner is served my princess. Anything else?"
Namula siya. Kung ganitong usapan na ngumingiti ito sa kaniya, wala na... Tunaw na ang pagtatampo niya. Bati sila ulit. Hay talaga!
Nilagay nito ang tray na bitbit sa glass table na nasa kanang bahagi ng kaniyang silid. Mabilis siyang bumaba ng kama at yumakap sa likuran nito. Subrang swerte talaga niya sa kapatid niyang ito na subrang pili yata sa babae dahil hanggang ngayon ay wala pa itong pinapakilala sa kanila na girlfriend nito.
"I want a cute little niece! Mag-asawa ka na po," biro niya rito.
Napaubo ito sa kaniyang sinabi at napaharap sa kaniya habang nakayakap pa rin siya sa beywang nito na parang bata. Wala naman itong malisya sa kaniya, ganito na sila kahit nung bata pa siya.
"Hindi pa siya handa."
Lihim na umasim ang kaniyang mukha. Bakit hindi niya yata nagustuhan na may girlfriend ito at wala man lang yatang plano ang kuya niya na ipakilala ang kung sino man babae nito.
"So, may girlfriend ka na pala talaga kuya?"
Ngumisi ito at ginulo ang buhok niya saka pinagpag ang kaniyang kamay at pinaupo siya sa silya. Napatitig siya rito. Alam niyang subrang gwapo ng kuya niya kaya imposibleng wala itong girlfriend. Pero sino naman ang malas na babaeng 'yon?