Dahil sa kapokpokan ni Theon, naingganyo siya nito nang magsimula itong magtipa ng gitara at kinantahan siya sa labas kung saan sila kumain. Maraming babae agad ang nakuhang atensyon pero sa kaniya lang nakatitig si Theon at malandi pa siyang kinikindatan. Kilig na kilig siya sa ginawa nito. Ang gwapo talaga ng hinayupak na ito kaso malandi lang. Alas dyes na nang gabi ng magpasiya siyang matulog. Nawala ang antok niya dahil sa boses ng binata, ang sarap sa teynga at nakakainlove subra. Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan, baka kung ano pa ang makita niya. Hindi pa siya handa sa ganun bagay at baka pagtsitsinelasin niya ang mga ito. Nakapatay ang ilaw pero dahil sa lampshade, nakita niyang mahimbing na ang mga ito sa pagtulog. Ay shuta! Saan siya tutulog? Siya dapat sa kama at ito dap