CHAPTER 6

889 Words
ASTRILL ‘Andito ako sa balkonahe ng bagong dorm ko habang nakaupo sa balustre at hawak ang itim na sobreng binigay ng atribidang 'yon. For some reasons ay nalipat ako rito because of my sheer dumb luck. Tanaw ko ang artificial sun na sa ngayon ay parang buwan sa ilaw na pinapalabas. Madilim din ang paligid. Sa labas ng tunnel na'to ay gabi rin. Hindi ko pa rin 'to binubuksan. Hindi naman siguro 'to threat. At lalong hindi ako takot kaya lang ayokong masabit ang pangalan ng unibersidad na pinanggalingan ko. Nasa balikat ko ang pangalan ng Stratford University at alam kong ayaw ng Strartford na kalabanin ang pinakasikat na paaralan sa buong Underworld Realm, ang D University. Tahimik ko 'tong binuksan. Tumambad sa akin ang isang invitation para sa isang VIP seat ng band concert na magaganap mismo dito sa Underworld Realm city. "Hell's Direction Concert?" Basa ko sa pangalan ng banda. Kilala ko ang bandang ito. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa bandang sikat sa buong mundo hindi lang sa Underworld Realm Society kun’di pati na rin sa mga taong normal lang. Bakit 'to binigay sa akin ng atribidang 'yon? Hindi naman siguro 'to patibong. "Hi!" May maliit na boses ang nagsalita sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang isang babaeng nakapony tail ang buhok at naka pajama. Isang tango at matipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Ikaw 'yong babaeng nilapitan ni 13th kanina ‘di ba? I'm Sahara, Astrill right?" Sabi niya nang nakaupo na siya malapit sa'kin. Tumango lang ako ulit bilang sagot pero hindi ko na siya nilingon. Tumahimik siya ng ilang sandali kaya lumingon ako ng bahagya sa gawi niya. Nakatingin lang siya sa'kin ng nakangiti. "Ang daming naiinggit sa'yo." Sabi niya na ikinataas lang ng isang kilay ko. Nakakainggit? Sa'ng banda? "Dahil ba sa sobreng binigay niya?" "Nope. Dahil nilapitan ka ni 13th." "Ano naman ang nakakainggit do'n?" "Hindi mo ba sila kilala? Teka, bagong mukha ka pala talaga. Siguro transferee ka." "Alam kong Spiders sila," kilala ko naman sila ng konti. 'Yon nga lang ay base lang sa mga narinig ko kanina. "You're hopeless. Oo sila ang Spiders at sila rin ang kanang kamay ni headmaster Ciel pero maliban do'n ay may iba ka pang 'di alam." HInarap ko na siya. "Ano naman 'yon?" "Mayroong labingtatlong miyembro ang Spiders. From 1st to 13th. Mga numbers na naka-assign sa kanila ang mga codename nila. Sa labintatlong miyembro na 'yon ay lahat sila Special class at lahat sila pawang mga sikat sa D University. May labing dalawang lalaki sa grupo at nag-iisang babae. Si 13th ang nag-iisang babae. Lahat ng labingdalawang adonis na 'yon ay pawang nabigyan ng mga angking gandang lalaki kaya lahat ay nangangarap na mapansin nila. Si 13th naman bilang nag-iisang babae ay nasa kanya napupunta lahat ng pantasya ng mga lalaki sa university na binabalewala lang niya. Well, kahit ako naman ang pinapalibutan ng labing dalawang mga gwapong Spiders ay hindi na ako lilingun sa iba." Mahabang litanya niya. "Hindi ko maconnect ang sinabi mo sa sinasabing nakakainggit ang ginawa ni 13th sa'kin." "Meron pa, si 13th ang kilalang ulo ng Spider o mas angkop na sabihing leader though they claimed na wala silang leader dahil may competition daw sila sa sarili nilang grupo. Siya ang nag rank one sa buong rank examination. Kilala siyang deliquent sa university. Lumalapit lang siya pag kasali ka sa laro niya o 'di naman ay bubullyhin ka niya. Luckily, minsan pa sa patak ng ulan sa desyerto siya kung magpakita sa D University. Alam mo namang iba ang room nila pati hallway na dinadaanan. To sum it up, nakaka inggit ka kasi parang interesadong makipagkaibigan sa'yo ang Queen Bee ng D University at may access ka pa sa headmaster." Kinikilig niyang litanya. So hindi lang pala ako ang may crush sa headmaster nila pati ata ang babaeng ito. Access sa headmaster? Kung gano'n... "...malapit ba sa isa't isa ang headmaster at si 13th?" Biglang nanulas sa labi ko ang tanong na 'yan at huli na para mabawi ko pa.  "Nacurios lang ako sa sinabi mo." Dagdag ko sa aking sinabi. "Nagseselos ka ba dahil crush mo si headmaster?" Tinusok tusok niya ang tagiliran ko gamit ang daliri niya. Umiiwas ako pero ang kulit ng batang 'to. "Wala namang dapat ipagselos kasi one sided lang si headmaster kay 13th. Ang crush ni 13th ay ang Underworld Realm Lord na si Lord Kiel Loong." Pabulong niyang saad na animo'y nanunukso kaya bumaling ako sa ibang direksyon para 'di niya makita ang pamumula ng pisngi ko at ang pagngiti ko. Pero nakakainis lalo ang atribidang 'yon. One sided? Ang kapal lang ng mukha. "Tumigil ka nga dyan." pagsaway ko sa kanya na tinawanan lang niya. "Matutulog na ako, good night Astrill." Sabi niya at linisan na niya ang balkonahe. Naiwan akong mag-isa at malalim ang iniisip. Kinuha ko ang cellphone ko at tumingin sa paligid kung meron bang tao. Nang masiguro kong wala na ay may tinawagan ako.     UNKNOWN "Gumagalaw na siya," saad ko habang nakatitig sa hawak kong lumang litrato. "Nagkamali ako ng akala. Hindi umabot ng limang taon ang pananahimik niya." Saad ng isang boses mula sa likod ko. "Kailangan na ba tayo gumalaw?" Tanong ng isang boses na nagmumula sa gilid ko. "We'll just wait for the GO signal." Pinal ang boses ko nang sabihin ko 'yon. Nagsitango naman sila. Pinakatitigan ko ang isang larawan namin at biglang naghamog ang aking mga mata sa mga ala-alang bumaha. Sa wakas magbabalik na kami.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD