ZEN Kasalukuyan akong umiinom ng wine dito sa maluwang na sala ng Spider's Web habang pinapakinggan ko ang mga kapwa ko kagrupo na ginawang topic ang exchange student. "Type ko ang exchange student na 'yon," saad ng malanding si fourth. Sa aming labingtatlo, siya na yata ang nagbibilang ng kasintahan. Walang pinapalampas na babae 'yan kahit yata posteng may palda pinapatulan niyan. Kilala rin si fourth na ‘Lady's Man’ dahil madali siyang lapitin ng mga babaeng sawi sa pag-ibig at kalaunan ang mga babaeng 'yon ang nagiging nobya niya. Paraparaan din ang kotong lupang ito eh. "Lahat naman yata type mo," alaska ni tenth. Kung anong landi ni fourth ay gano'ng pa virgin naman si tenth. Para nga kami nagkaroon ng magulang sa katauhan niya. Don't get me wrong, pareho lang kami ng edad pero