CHAPTER 5

1036 Words
ASTRILL   Tumunog na ang bell na nagtatapos ng lahat ng mga klase sa D University. Lumingon ako sa orasan na nasa unahang bahagi ng room at nakasaad do'n na pasado alas sais na. Mabilis na nagsipulasan ang mga tao sa hallway. Malapit na rin ang dinner time kaya lahat ay papunta lang sa iisang direksyon, sa grand cafeteria. Tahimik na sumunod lang ako sa agos ng mga estudyante. Nang dumating na ako sa loob ng marangyang grand cafeteria ay umupo ako sa tabi ng dalawang babaeng busy kumain at magtsismisan. Parihaba ang mga mesa rito at iisang mesa lang bawat klase. Hindi na kami kailangan tumayo para kumuha ng pagkain dahil may mga waiter na nagkalat at sineserve ang mga pagkain na nakaatas sa gabing ito.    Kukunin ko na sana ang kubyertos ko nang may biglang nagbulungan at nagsisiiritan ang mga babae sa paligid. Curious na lumingon naman ako kung sino o ano ang pinapalakpakan nila. Mga estudyante lang naman pero kakaiba ang uniform nila kesa sa amin. Nasa unahan naman nila ang headmaster. Nasa mga lampas sampu ang bilang nila. Bakit sila pinagtitinginan?   "Nandito ang Spiders," mahina pero may kilig na saad ng babaeng katapat ko na kausap ang babaeng katabi niya.   Spiders? Grupo ba 'yon dito sa D University? Pumwesto sa unahang mesa ng sa'min ang mga Spiders na tinatawag nila habang umupo naman sa six sitter couch ang headmaster katabi ang ibang head admins ng D University. Sila ngayon ang center of attraction ng buong grand cafeteria.   "Himala nga eh na kompleto sila. No'ng mga nakaraang araw ay wala sila kahit opening ceremony 'yon." Sagot naman ng kausap niya. Nagpatuloy akong kumain pero nakikinig ako sa pag uusap nila.   "May narinig akong nag-uusap na mga Class C students na panay labas sila ng university."    "May misyon  na naman yata sila lalo na si 1st, 6th at 13th." "Nakakatakot naman sila." "Gan’yan talaga, Mercenaries Society reapers eh," at nagpatuloy na sila sa pagkain habang panay sulyap lalo na do'n sa dalawang lalaking may kulay sa buhok.   Isa nga talaga silang grupo na direktang sumasagot sa mga misyon galing sa Mercenaries Society. Kung gano'n ay sila ang Special class. Nahulog ako sa isang malalim na pag-iisip. Hindi ko alam kung ilang minuto ako nasa gano'ng estado nang mapansin ko na lang na biglang tumahimik at nasa akin na lahat ng atensyon nila o ang nasa likod ko. Dahan dahang lumingon ako at nakita ko lang naman ang mukhang aking kinaiinisan.   "Si 13th ang lumapit?"   "Magkakilala ba sila?"    "Sino ba 'yang nilapitan ni 13th?"   "Ang swerte niya girls, nakatutok sa kanya ang buong special class pati ang headmaster."     Puro gan’yan ang naririnig ko sa paligid. Mga walang kwentang bulungan ng mga babae. At 13th? Siya pala ang tinutukoy ng dalawang babae kanina? Hindi ko akalain na kasali ang babaeng atribida sa Spiders.   "What can I do for you?" Binalik ko sa pagkain ang atensyon ko na parang walang maraming mata ang nakatutok sa'kin. Sanay na ako sa ganito.    "Here," may inabot siyang itim na sobre.    "Para sa'n iyan?" I remained cautious kaya hindi ko tinanggap ang sobre.   "Galing sa crush mo." At walang habas niyang tinuro ang headmaster na nakamasid lang sa'min. Napasinghap naman ang mga estudyante sa paligid at may narinig akong may tumawa ng mahina mula sa mesa ng mga Spiders. Marahas kong tinanggap ang sobre at tinitigan siya ng matalim pero sinuklian niya lang 'to ng isang kibit balikat at ngiting nakakaloko.   Nagsibulungan na naman ang mga estudyante at balewalang bumalik ang babaeng atribida sa mesa ng mga Special class. Sinundan ko siya ng matalim na sulyap hanggang sa nakaupo na siya at walang habas akong kumakain. Sinulyapan ko naman si Headmaster Ciel Loong at nagkatagpo ang mga mata namin kaya agad akong nagbaba ng tingin. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko pero binalewala ko 'to. Masyadong nakakahiya ang ginawa ng atribidang 'yon sa'kin.   Humanda ka 13th.     ZEN   "Ano naman ang pumasok sa kukote mo at binigay mo sa kanya ang invitation na dapat ay para sa'yo?"    "Ilang beses mo ng tinanong 'yan at ilang beses na rin akong sumasagot sa'yo."   "Sagutin mo ko 13th," demanding niyang saad. Hindi ko siya sinunod at napatuloy lang ako sa paglalaro ng darts.    "Oh? Kailan ka ba nanligaw?"   "13th," may warning na ang boses niya kaya pinapaliban ko muna ang pagbato ng draft at nilingon ang nag aalburutong dragon.   "Panghuling sagot ko sa'yo. Trip ko nga lang ang pagbigay sa kanya," nababagot na sagot ko. Lumakad ako papuntang dart board at isa-isang kinuha ang mga darts at pumwesto ako ulit.   Ang laman ng sobre ay isang invitation para sa isang band concert na magaganap sa coloseum ng Underworld Realm City. Isang sikat na banda sa buong mundo na ang bokalista ay kilala rin sa Underworld Realm bilang isang magaling mandirigma. VIP invitation 'yon na bigay mismo ng taong 'to pero ayokong pumunta do'n. Wala naman akong mapapala do'n. Lalong hindi ko ikakayaman ang panunuod ng isang band concert.   "Ang tindi talaga ng topak mo 13th. Ipapasarado ko ang mga casino bukas."    Ano? Mabilis ko siyang tinira ng isang dart pero gaya ng inaasahan ay nasalo niya 'to gamit ang dalawang daliri. Sinugod ko naman siya at inatake gamit ang kamao ko pero iwas lang siya ng iwas.     "Huwag na huwag mong gagawin 'yan!" Hindi pwede magsara ang mga casino dahil gusto kong pumunta do'n sa araw na 'yon. May tatalunin akong matandang amoy lupa at paniguradong mapapasa'kin ang kanyang limpak limpak na salapi. Napabuhakhak ako sa aking isipan.   Sa sobrang pag iimagine ko ay hindi na ako nakaiwas sa sipa niya kahit may sixth sense pa ako. Tumalsik ako sa dinding ng game room pero agad akong tumayo at nagpagpag sa sarili. Nadumihan na tuloy ako.   "Subukan mo lang hindi pumunta at ipapasara ko lahat ng mga casino," banta niya na sinuklian ko lang na pag ikot sa mata ko.   "Edi gawin mo, isusumbong talaga kita kay Master Kiel."   "Isusumbong din kita na may pagnanasa ka sa master mo," ganting pananakot niya na ikinabigla ko. Paano niya nalaman na may crush ako kay master Kiel? isang tao lang ang pumasok sa isip ko, si sixth! Lagot ka sa'kin sixth mata lang ang walang latay sa'yo!  "Oh natahimik ka?" Nakakalokong tanong niya sa'kin.   "Oo na oo na! Pupunta na ako sa lintek na concert na 'yan!" Binirahan ko na ng pagtalikod si headmaster at umalis ng game room.   Nakakainis talaga ang headmaster na 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD