ASTRILL
Nakatayo ako sa harap ng mga estudyante at balewalang nakapamulsa sa harap nila. May ibang curious kung makatingin sa akin. May ibang may sariling mundo. Ito ang magiging classroom ko for the whole school year, ang Section A. Base sa mga nakalap kong impormasyon mula kahapon pagdating ko, ang Section A ang pangalawa sa mga kilalang section sa buong D University. Pinakauna ang Special section na may mga piling estudyante lamang.
"Class, listen to her!" Pero daig pa ang kausap ni ma'am ang hangin dahil sa walang nag-abalang makinig sa kanya. I felt a little sorry for her. At dahil walang nakinig ay tinapik ko na lang ang balikat ni ma'am at umupo sa isa sa mga unang bakanteng upuan. Ayokong magpahuli dahil ang gulo ng nasa likuran.
"Thanks for the effort ma'am." Tumango lang si ma'am at matipid na ngumiti.
Matapos ako umupo ay kinuha ko na ang textbook na dapat basahin. I guess this chaotic class will be my companion for a year. Kabaliktaran sa paaralan na pinapasukan ko dati. Oo mga anak ng mga may koneksyon sa Realm ang nag-aaral do'n pero hindi ganito ka balasubas. Tahimik akong nagbabasa at minsan ay sumusulyap kay ma'am na busy magdiscuss sa harap kahit mukhang iilan lang kaming nakikinig sa kanya.
I am neither that heartless person nor the introvert type but I just prefer to remain silent, observing things around me.
Mula sa lugar na pinanggalingan ko ay tinatawag na nila akong weirdo. Dahil siguro sa asul kong mata na animo'y yelo sa lamig. Hindi ako palasalitang tao pero hindi ibig sabihin no'n ay wala na akong social life. I have a few strings of friends way back where I came from.
Nagpatuloy na lamang ako sa ginagawa ko nang may biglang may naramdaman akong nakamasid sa'kin mula sa labas ng bintana kaya 'di sinasadyang napatayo ako ng marahas upang mas makita ito. Nakatutok lang ako sa bintana kaya hindi ko napansin na ako lang pala ang pinagtitinginan ng mga tao dito.
"Miss Astrill? May problema ba?" Doon lang ako napabaling kay ma'am pati sa buong klase na curious na nakamasid sa'kin. Hindi ako nagpahalata na naiilang ako at balewalang umupo ako na parang walang nangyari.
"Okay let's continue," pagpapatuloy ni ma'am sa diskusyon niya habang pinagpatuloy ko ang pakikinig sa kanya ay naging alerto na ako. Dapat hindi ko makalimutan na nandito ako sa isang marangyang unibersidad ng mga kilalang mga mamamatay tao at pinapatakbo mismo ng Dark Family ang D University. Isang buntong hininga na lang ang nagawa ko. Bakit nga ba ako pa ang nabunot na pumunta rito.
ZEN
Oh? Naramdaman niya pala ako? Nice one, neophyte. Nasa isang sanga ako malapit sa room ng mga class A students habang kumakain ng isang mansanas. Napaka interesado ng Esther na 'yon. Teka, Esther ba pangalan ng exchange student? Parang hindi ah. Asther? Ashley? Astrin? Ah basta 'yong bago! A ata simula ng pangalan niya o E?
"Zen, nagtatago ka na naman?" May isang boses na nagsalita sa likod ko at dahil busy ako sa kakaisip sa totoong pangalan nang exhange student ay binalewala ko lang 'to. "Ah oo," wala sa sariling sagot ko sa boses.
"Ash... Ashren?" Ay hindi hindi mali pa rin.
"Astren?" Ay hindi pa rin hmmm...
"As... As... Ass... As---"
"Astrill."
"Oo tama! Astrill! Hay naku 'yon pala ang tot---" Naputol ang paglilitanya ko nang mapagtanto kong may ibang boses na sumasagot sa akin kanina pa. Nanlamig ang katawan ko at parang nagka stiff neck ako dahil ayaw na ‘ata magalaw ng leeg ko para lingunin ang nasa likod ko. May mga butil ng pawis ang unti-unting nabubuo sa aking noo at namumutla na rin ‘ata ako.
"M-mu-multo ka ba?" Nanginginig na tanong ko at pilit na kinakalma ang sarili ko. Pero walang sumagot kaya nadagdagan ang takot ko. Iba't ibang imahe ang naglalaro sa isip ko. Kung bakit naman kasi ang hilig manuod ng horror films ni sixth.
Sa tagal ko na rito sa D University hindi lingid sa akin ang kaalamang maraming namatay dito lalo na sa rank examination week nila noon kaya hindi imposibleng may mga multo nga.
"Boo," hindi ko namalayan na nand’yan na pala siya sa likod ko kaya bilang isang dakilang matatakutin ay napasigaw ako ng kay lakas-lakas na dahilan para mahulog ako sa puno.
Matinis na sumigaw ako at nakipag lips to lips na ako ng tuluyan sa lupa. Isang halakhak ang maririnig sa paligid na napakapamilyar. Sa nahihirapang kalagayan ay bumangon ako at tiningala ang lalaking nasa sanga at kinakain ang mansanas ko.
"Still clumsy as always 13th," saad ng lalaki. Tumayo naman ako ng maayos at pinagpagan ang nagusot kong uniporme.
"Still bully as ever sixth," inikot ko ang aking mata at bumalik sa pagkakatuntong sa sanga ng kahoy. Tumayo ako sa tabi ni sixth na nakaupo at nakaharap sa class room ng mga class A students.
"Galit na sa'yo si Lady," tinutukoy niya ang matandang hukluban na 'yon.
"Pake ko? Ang boring niya tsaka wala naman tayong misyon mula kay headmaster kaya maghahanap muna ako ng libangan." Sumandal ako sa katawan ng puno habang nilalaro laro ang kuko.
"Sino naman ang kaawa-awang napili mong laruan ngayon 13th?"
"Hulaan mo, abnoy."
"Ang exchange student walang duda," siguradong niyang sagot. Alam naman pala ng mokong na 'to at nagpanggap pa. Ang sarap lang batukan.
" 'Wag kang haharang sa mga plano ko sixth, ayaw mo naman sigurong masali sa mga laro ko." Nakakalokong saad ko sa kanya kaya napalunok siya ng ilang beses.
"Rest assured 13th, wala akong planong maging laruan ng mga psychotic games mo," saad niya at mabilis na tumalon ng puno. Naiwan akong nagpipigil ng tawa.
"Duwag ka talaga sixth!" At binato ko siya ng mansanas pero malayo na ang natakbo niya kaya hindi siya natamaan. Sayang!
Nilingon ko ang bintana na malapit kay Astrill girl. For some reason, I find her interesting.
"Welcome to my game," mahinang bulong ko sa hangin at tumalikod na sabay talon pababa.