Chapter 27

1462 Words
All my life, I'd been wondering how would it feel to be in love. Sabi kasi nila, ang pag-ibig daw ay isang kakaibang pakiramdam. I didn't know before if that was true, but as time went by, I was being able to know one thing about it-- that it was indeed amazing to experience love. Hindi maalis ang ngiti sa aking mukha habang nakatingin sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ko ang mga punong sumasayaw-sayaw sa hampas ng hangin habang iniisip ang lalaking nagparamdam sa akin ng kakaibang ugoy ng damdamin. "Bakit wala ka kagabi?" tanong sa 'kin ni Psalm. Hindi siya nakatanggap ng sagot dahil abala ako sa pagpapantasya, kaya naman ay inulit niya ang tanong. "May sinasabi ka?" lingon ko sa kaniya. "Kanina pa," singhal niya. "Tinatanong ko kung bakit wala ka kagabi? Akala ko ba wala kang work?" "Ah, wala." "Anong wala?" "A-ah... eh kasi ano." "Anong ano?" "Kasama ko kasi si Kye kagabi." He puckered his eyebrows. "Kasama mo si Kye kagabi?" he asked, making sure he heard the right thing. Tumango lamang ako habang pangiti-ngiti. Ibang-iba talaga kasi ang idinulot sa akin ng lalaking iyon, na maging sa pagtulog at panaginip ko ay nakangiti ako. I was grateful about it, kasi kahit papaano ay naibsan ang sakit sa loob ko. Wala naman akong pakialam kung gustuhin ako pabalik ni Kye. The important thing here is that I was happy. Ang mahalaga ay ang nararamdaman ko, hindi ang nararamdaman ng iba. Kadalasan kasi, gusto ng tao na kapag may gusto siya, dapat gustuhin din siya pabalik. Mahirap kasing umasa sa isang tao, lalo na kapag wala namang kasiguraduhan. Minsan sa paghihintay, naroon din ang pagdududa. Kaya ako, hindi na ako umaasa, basta napapasaya ako ng taong iyon, sapat na sa akin. "Alam mo, BFF, ang saya niya palang kasama," sambit ko habang titig na titig pa rin sa labas. Nawalan lamang ako ng pokus nang harangan ng kaibigan ko ang tanawin. "Isang gabi mo lang na kasama, masaya na agad?" Tiningnan niya ako nang masama habang inaayos ang kaniyang sarili sa pagkakaupo. "Hindi ka naman marupok siguro?" "Aba'y hindi naman. Nagsasabi lang naman kasi ako ng totoo. Masaya talaga siyang kasama." "Pansin ko nga rin sa mga ngiti mong mas mataas pa sa langit," singhal niya. "Mukhang napapadalas na yata ang pagsasama n'yo, ha?" "Huh? Hindi ah!" mabilis na tugon ko. "Kahapon nga lang kami unang beses na nagsama, 'yong tipong magkasama talaga. Sa newsroom kasi, siyempre pareho kaming journalist at may duty doon, kaya madalas kaming magkita, pero hindi naman ibig sabihin n'on na--" "Hindi naman ibig sabihin na tinanong kita ng isang bagay ay sasagutin mo ako nang pagkahaba-haba na parang aabot na sa pasko 'yang explanation mo," pagpuputol niya sa akin. "Answerable by yes or no lang naman 'yong tinanong ko sa 'yo." "Ay, sorry," marahan kong tawa. "So 'yon, hindi naman kami madalas magkasama." Rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya, bago siya bumalik sa sofa at binuksan ang telebisyon. "Hoy, puwede mo bang patayin muna 'yang TV?" tanong ko. "May sasabihin pa ako sa 'yo, eh." "Sabihin mo na lang sa Kye mo," sambit niya nang hindi ako nililingon. Tumayo ako sa kinauupuan ko, saka pinuntahan siya sa may sofa at kinuha ang remote sa kaniya. Bago pa man niya maagaw sa akin iyon ay mabilis ko nang pinatay ang telehisyon. "Problema mo?" I crossed my arms. Tumawa siya nang malakas. "Wala, baliw," sagot niya. "Joke lang 'yon, hindi ka naman mabiro. Ano ba kasi 'yong sasabihin mo? Nanonood kasi ang tao, eh." "It's a serious matter, can we just talk in the kitchen?" I asked. "Magtitimpla lang ako ng kape." Hindi ko na hinintay ang sagot niya, dumiretso na lamang ako sa kusina. Sakto noong pagkarating niya roon ay nakapagtimpla na ako ng kape para sa aming dalawa. "I'm taking a risk again to tell things to you," I said as I sipped some coffee, "hoping you'll not laugh at me this time." Tumikhim siya. "Okay, ano ba 'yon?" "Regarding Mom's case..." "What about it?" "Please, promise me one thing first." "Okay, fine." "Kung ano man ang maririnig mo sa akin, huwag mo akong tatawanan," mariin kong sabi. "And please, just keep it to yourself. Kahit kay Tita Danara ay huwag mo munang babanggitin. Wala pa kasi itong kasiguraduhan," buntong-hininga ko, pagkatapos ay tinitigan ko siya sa mata. "Psalm, you are my friend and I trust you." "Okay, I promise, you can trust me. Now, spill." Humugot muna ako ng malalim na hininga bago magsalita. Nang may sapat na akong lakas para sabihin sa kaniya ang mga bagay-bagay ay nagsimula na rin ako. "I don't believe Marcus is already dead," sambit ko. I had already mentioned this to Kye, and I thought it would be unfair if my best friend wouldn't hear about it. Pagkarinig sa sinabi ko ay pansin ko ang mabilis na pagkunot ng noo ni Psalm. Malamang ay hindi siya naniniwala dahil ipinalabas na sa buong bansa ang pagkamatay ng kriminal na iyon, tapos bigla akong magsasabi ng ganito sa kaniya? I knew it would take him a hard time to believe, but I was waiting for his response. "Impossible," mayamaya'y sabi niya. Sabi ko na nga ba, hindi siya maniniwala. "Hindi ba nakita mo kung paano niya pinatay ang sarili niya? Kinuwento mo 'yon sa 'kin, hindi ba?" naguguluhang tanong niya. "Kung ikaw mismo ang witness doon, masasabi mo talagang totoong patay na siya. Isa pa, hindi ba ang mga pulis na ang nag-asikaso sa bangkay niya? P-paanong-" "I know it's hard to believe," I cut him off. "But please, will you finish me first with my statement?" "Oh, okay. I'm sorry." Dahil tutok na tutok na rin naman siya sa pakikinig sa akin ay sinimulan ko na ang pagkukuwento. Sinimulan ko sa mga litratong nakita ko sa campus hanggang sa isang lalaking tumawag sa akin sa agency habang nasa duty ako. "Kung iisa ang killer sa dalawang magkaparehong insidente na 'yon, bakit?" tanong niya. "Ibig kong sabihin, bakit? Bakit niya ginagawa 'yon?" "That's the question, Psalm. Ang tagal kong nag-isip tungkol diyan, hanggang sa may ma-realize ako." "Ano?" "Naniniwala ka bang tao talaga si Marcus?" tanong ko. "I mean, you know, hindi ko alam kung paano sasabihin, pero sa tingin ko talaga, i-isa siyang... bampira." Humugot siya nang malalim na hininga. "Okay, as I promised you, I won't laugh at your opinion. I've promised as well that I'll believe in you, but can you tell me some proofs on why did you say so?" Humigop muna ako ng kape bago magkuwento. "The night I saw Mom lying on the tiles, lifeless..." panimula ko. "I saw a man beside her, h-he was holding her heart," nanginginig kong sabi. Ilang buwan na rin simula nang mawala si Mommy, siguro ay kailangan na ring marinig ni Psalm ang mga nakita ko. "That time, bampira talaga ang unang sumagi sa isip ko, hindi tao." "What? So you mean, noong gabing 'yon, nakita mo rin si Marcus?" I shook my head. "Nakatalikod ang lalaking 'yon, kaya hindi ko nakita ang mukha niya. Mabilis siyang nakaalis noong narinig niya akong sumigaw. Basta sobrang bilis, parang bula na lang na bilang naglaho. Kaya hindi ako sigurado kung si Marcus 'yon." He drew his face closer to me. "Go, tell me more." "You know, since I was a child, lagi na akong kinukuwentuhan ni Mommy ng mga tungkol sa bampira, kaya naniniwala talaga ako sa immortal creature na 'yon. Pero, kahit minsan ay hindi pa ako nakakita. But when I saw that man, ang lakas ng pandama kong hindi talaga 'yon normal na tao. "Naisip mo ba kahit minsan kung bakit hindi matukoy ng mga pulis ang suspect?" tanong ko. "They keep on telling us that they are doing everything to find the killer, pero wala raw silang mahanap, not until that Marcus appeared from nowhere and claiming he's the suspect? Hindi ba parang ang hirap intindihin, pero kung titingnan mong mabuti, meron talagang mali. "Isipin mo pa, sa school ang dami nang namatay na mga babae at kahit marami na ring ipinakabit na CCTV, hindi pa rin daw makita ang killer? 'Di ba parang napaka-imposible naman n'on?" He placed his hand to his lower chin. "So, you're telling me it's really a vampire behind everything?" I nodded. "Do you believe me?" He smiled and held my hands. "I just thought it's a selfish thing to laugh at you. I am your best friend and I know you trust me that much," he said. "Kaya, Margot, naniniwala ako sa 'yo." Hearing those words made me grin. And so, I sipped again some coffee to celebrate. "Wanna know more about them?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD