Chapter 28

1251 Words
"Vampires have no reflection." Hindi na bago iyon sa pandinig ni Psalm dahil kahit sa mga panood ay ganito ang pagpapakilala sa mga bampira. Kaya hindi na rin ako nagtaka kung hindi man lang siya nabigla roon. Ayon din kasi sa sinabi ni Mommy, dumaraan lamang daw ang ilaw sa mga iyon kaya hindi sila lumilitaw sa salamin. "Ibig din bang sabihin niyan ay hindi sila nakikita sa camera?" tanong sa 'kin ng kaibigan ko habang nakatitig sa laptop. "'Yan ang hindi ko sigurado," sagot ko. "Kasi hindi ba sa school, hindi raw nakita sa CCTV ang killer? If that's the case, ibig sabihin ay hindi rin nakikita sa camera ang mga bampira." Tumango-tango siya. "Kaya siguro pahirapan din ang pagtukoy kay Marcus noon regarding Tita Liona's case." I nodded. "At kaya iba rin ang kulay ng balat ng lalaking iyon. Hindi ko man lang napansin 'yong pagkaputi niyang parang wala nang dugo," sambit ko. "Indeed. Ang alam ko rin sa mga bampira, based sa mga napapanood ko, matamlay ang mga balat nila." "Right, ganyan din ang sabi sa 'kin ni Mommy noon," wika ko. "But there's just something bothering me." He puckered his eyebrows. "What is it?" "If he is a real vampire, then bakit hindi siya takot sa liwanag? As far as I know, light is their weakest factor." "'Yan din ang alam ko, eh. But wait, let me just check it," he said as he started typing again on the laptop. When he finally found an article related to this, he started reading. "Pain or threat because of sunlight may be something as simple as light disrupting the energy that is keeping the vampire alive." "Right," I said. "That's why they are more active at night. Talagang nakakapagtaka lang 'yang Marcus na 'yan." "So, nagdadalawang-isip ka na rin kung talaga nga bang bampira siya?" I nodded a bit. "It's sad to think, but yes. Parang nag-co-contradict na kasi mga statement and findings natin. However, karamihan ng traits ni Marcus ay swak sa pagiging isang bampira. We don't know if may powers siya to protect himself from the threat of light." "Well, you have the point. Hindi rin naman natin alam kung totoo ang description ng internet sa vampire kumpara sa real life. Wala pa naman kasing napatunayan na nag-e-exist talaga sila, 'di ba?" I clenched my fist. "Papatunayan ko pa lang." There was silence for a moment, not until Psalm talked again. "Wait, I have a question," he said. "Go ahead." "Nakita mo ba or naalala mo kung may kagat sa leeg si Tita Liona?" "Wait, let me think," I said as I placed my palm to my lower chin. "Kasi sa pagkakaalam ko, walang kagat sa leeg si Mommy. Ang talagang naaalala ko ay 'yong puso niya na dinukot ng killer na 'yon." "Kasi 'di ba kumakagat sa leeg ang mga bampira? It's because they are thirsty for blood, right?" Tumango ako. "Pero, bakit hindi niya ginawa 'yon kay Mommy?" "Baka may purpose siya, or maybe because vampires are said to be carnivorous? May nabasa kasi ako na hindi lang naman sa dugo uhaw ang mga bampira, naghahanap din sila ng laman. Siguro balak muna niyang kainin ang puso ni Tita before drinking her blood? Not until you came..." "But, vampires are also said to be the strongest immortal. Why did the vampire run instead of attacking me? He could've eaten or bite me as well. But why? Bakit hindi niya ginawa?" "Tanong mo sa bampira." I slapped him on his shoulder. "Seryoso nga! No time for jokes, please." "Sorry na, konting ads lang naman," he giggled. "But seriously, I don't know the answer to your question. Mahirap nga 'yan, kasi kung walang ibang intensyon 'yong vampire, he could've attacked you also, but he didn't." "So you think he has an intention?" "Sort of." Natigilan ako. Kung totoo mang may intensyon ang pumatay kay Mommy, para saan at bakit? Wala pa mang ganoong pruweba ay malakas na ang kutob kong hindi malabong isang bampira ang may pakana nito. Simula rin kasi nang mamatay si Mommy ay sunod-sunod na ang mga pagpaparamdam sa akin. If he was no other intention, sana nasa payapang kalagayan na ako, pero hindi. Ngayon ay wala na talagang pagdududa. Medyo malabo man ang kasagutan sa iba, papatunayan ko pa rin sa huli na mayroong pangil ang gumawa sa lahat ng ito. Every day and every vacant, Psalm and I were learning about vampires. Sometimes we couldn't understand them well, pero kinakaya naman. Marami na rin kaming nalaman tungkol sa kanila, but we were still having a hard time searching for deep information about them. Mabuti na lamang at kahit papaano'y may nasabi sa akin si Mommy noon. Maaari kong gamitin ang mga impormasyon na iyon upang mas mapalawak ang imbestigasyon. Samantala, tumigil na sa campus ang mga nangyaring pagpatay sa mga kababaihan. Hindi namin namalayan isang araw ay wala nang nagaganap na kababalaghan sa Luxvard. Gayon pa man, hindi pa rin tukoy kung sino ang gumawa ng mga iyon. Lumipas ang mga araw at naging tahimik na ring ganap sa loob ng unibersidad, pero hindi pa rin nadagdagan ang bilang naming mga estudyante dahil may pag-iisip pa rin na baka maulit muli ang mga nangyari. "The news about the killings here have been spreading now in the entire country," Kye said. Nasa newsroom ako kasama siya dahil ipinatawag niya ako. Pagkarinig pa lamang sa sinabi niya ay nagsitaasan na ang mga balahibo ko. So, it was the reason why he called me? "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya. "Our school paper has reached the government, and now they're taking actions on it." Lumawak ang ngiti sa mukha ko. "Well, that's a good news!" "What's the use of this good news?" he asked as he gave me a sharp look. "It's been weeks since that killing had stopped. How can they point out the killer now that he's gone? Kung noon ngang meron pa siya ay hindi na siya matukoy sa CCTV, how much more now?" "Malay mo, puwede pa rin." He tsk-tsked. "No, it's no use anymore, believe me. Kapag gobyerno talaga, mabagal umaksyon. Actually, this issue has been addressed to them even when the school paper wasn't finished yet, but they didn't give even a simple notice." "Aw, I didn't know that." "I don't blame them anyway for the killings. Well, in fact, the government has nothing to do with this." "Yes, indeed." He looked at me directly to the eye. "You know why?" "Kasi hindi naman sila ang killer," sagot ko. He smiled. "Exactly. Government is not the killer and even so they do not make an immediate action, they shouldn't be blamed for this." Umiiling-iling ako. Parang kanina lang ay todo reklamo siya sa mabagal na aksyon ng gobyerno, tapos ngayon naman ay hindi niya raw sinisisi ang mga ito? Ang gulong kausap. "Tama, hindi naman dapat sila sisihin dito," pagsang-ayon ko na lamang sa sinabi niya. "You know why?" he asked again "Kasi hindi naman sila ang may pakana nito." "Right," he said. "But other than that, there's an underlying reason for this." Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa loob. Hindi ko mawari, ngunit may biglang pagkaba na lamang sa akin habang hinihintay ang katuloy ng sasabihin niya. Nang mamataan kong pabuka nang muli ang bibig niya ay inihanda ko na ang sarili ko. "No person should be blamed for this because there's no person involved in this."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD