Chapter 21

1768 Words
Wala na naman sa lesson ang isip ko. It had been two times of seeing that shadow. Malakas ang kutob ko na ang aninong nakita ko ng gabing iyon ay siya ring nakita ko noon. Dalawang beses na, ngunit hindi pa rin malinaw sa akin kung ano ang pakay n'on. Dalawang beses na, pero hindi ko pa rin alam kung sino talaga iyon. Pero... may kutob na ako. Naniniwala akong may kaugnayan ang pagpapakita ng aninong iyon sa kamatayan ni Mommy. Hindi ito basta-basta magpapakita nang wala lang. Laging may rason sa mga bagay. At kung ano man ang rason n'on, kailangan ko iyong malaman, as soon as possible. The search was not yet over. Kung totoo man ang sinabi nito na hindi si Marcus Draven ang pumatay kay Mommy, ibig sabihin ay mayroon pang iba. Ngunit naniniwala akong may koneksyon din lang iyon dito. Lahat ng konektado rito ay may kinalaman din sa pagkamatay ng ina ko. Ang hindi ko lang talaga matanggap, namatay si Marcus nang hindi nagiging malinaw sa akin ang lahat. Dalawa lang naman kasi ang puwedeng dahilan ng pagkamatay ng lalaking iyon: maaaring guilty talaga siya sa pagpatay kay Mommy o hindi siya guilty. If he was not guilty, perhaps there was someone who was making him guilty. Maaaring may dumidiin dito kahit hindi naman ito ang may sala. And in order to end up his sufferings, he had to kill himself. Guilty or not, I will search for him. Masyado na akong pinaikot-ikot ng kasong ito, but this time I would make sure it will not defeat me. Tapos na ako sa pagluha, tapos na ako sa panghihina. This time, mas malakas na ako—stronger than ever before. Mas malakas pa sa inaakala ng iba. Mas malakas pa kaysa sa inaakala ko. "Something's bothering you again, Margot," sambit sa akin ni Psalm pagkaalis ng instructor. I looked at him and smiled. "No, BFF. There's nothing bothering me, I am bothering something." He puckered his eyebrows. "Sinasabi mo?" "I'll tell you later at the cafeteria." After the morning class, diretso kami ni Psalm sa cafeteria for lunch. Sinabi ko sa kaniya ang aninong nakita ko ulit at ang kutob ko tungkol dito. Hindi maipinta ang mukha niya sa mga narinig mula sa akin. He was surprised and amazed. "So after all... we had the same thoughts," he grinned. Nginitian ko rin siya pabalik na para bang wala nang bukas. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako sa kaniya dahil may kailangan pa akong gawin sa library, saktong-sakto dahil may two-hour-vacant kami. Pagkarating ko roon ay hindi ko inaasahang nandoon din pala si Kye. "Hi, President," bati ko sa kaniya habang nagbabasa ito ng libro. Hindi ito tumingin ni tumango man lang sa 'kin. Kaya naman, umupo na lang ako sa tapat niya at tumitig sa kaniya hanggang sa mairita siya. He put down the book. "What are you trying to do?" he asked. "Wala, gusto lang kitang titigan," sambit ko. "Kaysa naman ikaw lagi ang tumitingin sa 'kin, 'di ba? Medyo unfair 'yon." He didn't speak. "By the way, kumain ka na?" "If you're trying to flirt with me, sorry, I don't have any time for that." Muli niyang iniangat ang libro at bumalik sa pagbabasa. "Grabe ka naman, tinanong lang naman kita kung kumain ka na, flirting agad?" He put down the book again. "Then, what do you think is that?" "It's just a way of being friendly, 'no," sambit ko. "Saka don't worry, matagal na kitang hindi gusto. Puro lang kasi pang-iinis ang idinudulot mo sa 'kin, kaya in-uncrush na kita." "I don't care," he said as he stood up. "If you don't have any good thing to say, I'm leaving." "Wait," I said, trying to stop him. "Are you trying to avoid me?" Nilingon niya ako. "What's the reason of avoiding you?" I smirked. "Sould I have to mention it?" Nahuli ko siyang napalunok. Tumayo rin ako at tiningnan siya direkta sa mata. "Well, I guess I don't have to," ngisi ko. "When in fact you already knew it." Muli ako nitong tinalikuran saka umalis. I grinned while seeing him leave. "I'm not done with you yet." Para malibang ay naghanap muna ako ng librong puwede kong basahin dahil matagal-tagal pa ang vacant ko. Nagpunta ako sa mystery-thriller section dahil mahilig talaga ako sa mga kuwentong may nangyayaring imbestigasyon o paghahanap. Mahilig din ako sa mga kuwentong may codes, siguro dahil minsan ko na ring pinangarap ang maging pulis. When I was a child, I love people holding guns. Kaunti lang ang mga laruan kong manika dahil puro baril-baril ang ipinabibili ko kay Mommy. Supportive si Mommy sa mga gusto ko, pero kalauna'y napag-isip-isip kong hindi para sa akin ang pagpupulis. Nonetheless, I still loved investigating. Naglalaro nga lang ako noon ng ganito na kunwari'y may hinahanap akong suspek sa isang krimen, who would have thought it would turn into reality? Pero kung noon ay mahal ko ang mga taong may baril sa bulsa, ngayon ay hindi na. Parang walang nangyaring pag-usad sa kaso ni Mommy. I trusted the police that they would eventually find justice for Mom's death, pero hanggang ngayon ay parang wala pa rin. Kung inaakala nilang nakuha na nila ang hustisya, puwes sa akin ay hindi pa. Mayroon pa ring tao sa likod ni Marcus at sigurado akong hindi pa rito natatapos ang lahat. Nagustuhan ko ang librong binabasa ko, kaya hiniram ko na iyon. Pagkauwi ko sa bahay ay natapos ko na ang kalahiti n'on. Saktong alas nuwebe ng gabi nang itigil ko ang pagbabasa rito dahil oras ko na sa pagre-revise ng articles ko. The school paper was almost finished, just a bit of revising and soonly it would be published. Mabuti na lang at day-off ko, dahil kung hindi, sigurado akong i-ru-rush ko na naman pati ang revision ng works ko. Habang nag-aayos ng mga isinulat ko ay hindi ko maiwasang sumilip-silip sa labas. Baka kasi makita ko na naman angg anino. Sanay na rin ako sa mga kababalaghan, kaya kahit aswang pa ang makita ko sa harapan ko ay wala na akong pakialam. After revising, I took the book that Kye gave me. Kinuha ko sa loob nito ang nakaipit na papel kung saan nakasulat ang pangalan ni Marcus. To my surprise, mayroon akong napansing pagbabago sa papel. May bahid ng dugo rito. Inamoy-amoy ko iyon at hindi nga ako nagkakamali— amoy iyon ng dugo. I could still smell it, meaning it was still fresh. Saan nanggaling ito? Wala akong maalala na nasugatan ako. Wala rin akong maalala na naidikit ko sa dugo ang papel dahil nakaipit lang naman iyon sa libro. Kung hindi ako ang may gawa nito, sino? Habang nag-iisip ng kasagutan sa aking katanungan ay sandaling naibaling ang tingin ko sa labas. Nabitawan ko naman ang hawak-hawak kong papel nang muli kong mamataan ang anino. Dali-dali akong lumabas ng bahay at tiningnan iyon. Buong akala ko'y mawawala na naman iyon, kaya binilisan ko lamang ang pagkilos. "Sino ka ba talaga?" sigaw ko rito. Unti-unti iyong humarap sa akin at nginisian ako. "Ako lang 'to." Nagkunot-noo ako at sandaling hindi nakapagsalita. "Psalm, anong ginagawa mo dito?" "Nagulat ka ba?" tanong nito. "Kanina pa ako kumakatok, pero hindi mo ako pinagbubuksan. Paalis na sana ako kasi naisip ko baka nasa work ka. Then you're here," tawa nito. "Anong oras na, ha. Hindi ka ba hinahanap ni Tita?" "Wala siya sa bahay. She's on a vacation. I got bored in the house, so I came here to see you." "Sira ka talaga. Bakit hindi ka tumawag o nag-text man lang sa akin para hindi naman ako na-su-surpise nang ganito." "You're not even answering my calls." "Huh? So tumawag ka?" He nodded. Napatapik na lamang ako sa noo nang maalala kong hindi ko nga pala hawak ang phone ko. "My phone's charging in the room, I'm sorry." "Oh, kita mo." "So, uuwi ka na ba o papasok ka muna?" "Ikaw kung papapasukin mo ako." "Parang nakakahiya naman sa 'yo kung hindi," ngisi ko. "Tara na sa loob." Nauna na akong pumasok at mabilis na niligpit ang mga gamit ko bago pa iyon makita ni Psalm. Sakto namang naibalik ko na ang mga papel sa bag nang maupo ang kaibigan ko sa sahig, malapit sa akin. "Nag-re-revise ka?" tanong nito. "Uh-huh... but it's all done," I smiled. "You want coffee?" "Yes, please." Bago ako magpunta sa kusina ay nagtungo muna ako sa kuwarto upang ibalik ang mga gamit ko. Ayaw ko iyong iwan dahil baka may makita si Psalm. Pagkatapos ay bumababa na rin ako at ipinagtimpla ito ng kape. "Saan ka after this?" tanong ko sa kaibigan ko habang humihigop ito ng kape. "Going home, I guess?" "Parang hindi ka yata sigurado? May gusto ka pa bang puntahan?" "Ewan," kibitz-balikat nito. "Wala kasing magawa sa bahay. Siguro maglalakad-lakad na lang muna ako dahil wala namang pasok bukas." "Delikado na sa labas. You should go home after this. If something bad happened to you, lagot ako kay Tita." "Hindi 'yan," tawa nito. Inirapan ko lamang ito. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin ito sa pagkakape at napagdesisyunan nang umuwi. It was a good thing dahil inaantok na rin ako. Naiinis lang ako dahil sinasanay nito ang pumunta sa bahay nang gabing-gabi. Hindi ba uso rito ang pahinga at tulog? Kinabukasan, dahil wala namang klase, naglinis ako ng kuwarto ni Mommy. Simula kasi nang namatay siya ay hindi ko pa ito ginagalaw. Marami nang sapot sa gilid-gilid ng pader at maalikabok na rin. Inuna kong ligpitin ang aparador nito. Habang nag-aayos ay may napansin akong maliit na kahon na nakapailalim sa mga damit nito. Out of curiousity, I took the box. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang nakita ito dahil hindi ko naman ginagalaw ang mga gamit ni Mommy. Without hesitation, I opened the box, and to my surprise, there was a picture inside it and a beautiful necklace. Sa litrato ay may dalawang tao: isang babae at isang lalaki. I was so sure that the lady there was Mom and it might be in her twenties. Ang hindi ko lamang sigurado ay ang lalaking katabi nito. I flipped the picture and saw something at the back of it. There was something written on it, so I read it out loud. "A beautiful day with this man closed to my heart in the amazing world of... vampires?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD