Chapter 20

1375 Words
"May lamok." Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi ni Tita Danara. Sa lakas ng pagkakasampal nito, lamok lamang pala ang puntirya nito? Namula tuloy ang buong mukha nito nang titigan ito nang masama ng ina ni Kye. Bakat na bakat sa mukha ng ina ni Kye ang kamay ni Tita. Hindi ko nga sigurado kung may tumama talagang lamok ditto kasi wala naman akong nakita. O baka naman, sa sobrang liit n'on ay hindi ko na napansin? "Salamat sa pagpatay sa lamok, ha?" sambit ng babae. "Ah, walang anuman," naiilang na ngiti ni Tita. "Sorry, medyo napalakas yata?" "Hindi naman," mahinhin na halakhak ng Mommy ni Kye. "Parang gusto ko pa ngang ipasampal 'tong kabila kasi parang ang galing ng kamay mo sa mga ganitong bagay." "Ah, hindi rin naman. Magaling lang siguro sa pagpatay ng lamok." "Oo nga, magaling sa pagpatay." Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Parang nagkaka-initan ang mga ito na parang hindi. Sa paraan kasi ng pananalita nila at pagtingin nila sa bawat isa ay mahahalata mo talaga na parang may mali. I didn't know if things were really like that or it was just me thinking of such stuffs. Simula rin kasi ng dumating sina Tita at Psalm, nag-iba na ang atmospera sa loob. Maging ang masayang mukha ng Mommy ni Kye ay biglang sumimangot nang pumasok ang dalawa sa loob. Kung tutuusin, hindi naman dapat ganito ang pakikitungo nila dahil hindi nila kilala ang bawat isa. They should be good towards each other. Isa pa, I knew Tita. She was good. She was a kindhearted woman, even to those she didn't know. Nakapagtataka lamang talaga dahil mukhang iba ang ugali nito towards Kye's Mom. May nagawa ba itong mali rito? After all ba ay kilala nito ang babaeng iyon? "Ma, let's go." Tumayo si Kye saka hinawakan ang kamay ng kaniyang ina at hinila ito palabas. May balak pa sana akong pigilan sila dahil alam kong hindi pa gaanong okay si Kye, pero tuloy-tuloy kasi ang mga ito. Wala ring nakabantay na nars sa amin kaya malakas ang loob niyang umalis. Napakatigas talaga ng ulo. Ilang minuto pa ay pinayagan na rin akong lumabas, pero imbes na sa classroom ang tuloy ko, ay sa bahay ni Tita ang bagsak ko. Sabi kasi ng doctor teacher ay hindi pa ako puwedeng magpa-expose sa crowd dahil nga sa nangyari. Ang kailangan ko raw ay pahinga at sapat na tulog. Pagkarating namin sa bahay ay hinainan agad ako ni Tita Danara ng pagkain. Maging si Psalm ay inabutan ako ng inumin. Pagkatapos ay inanyayahan na rin ako ni Tita na magpalit ng damit dahil pawis na pawis daw ako. Hanggang sa pagtulog ay binantayan ako ng dalawa. They were that caring and thoughtful of me. Hanggang sa pagmulat ko na mga mata ko ay silang dalawa pa rin ang aking nakita. "How was your sleep?" agad na tanong ni Tita Danara. Nag-inat-inat muna ako bago ko ito sinagot. "Okay lang naman po, Tita," sambit ko habang pinupunas-punas pa ang aking mga mata. "Kayo po? Natulog po ba kayo?" "Yes, of course, Hija," she answered. "Actually, kakarating lang namin dito ni Psalm." Ngumiti na lamang ako. Akala ko kasi ay hindi na sila natulog kababantay sa akin. Masyado nang maraming nagawa ang mga ito para sa akin, kaya napagpasyahan ko na ring umuwi. Total, kaya ko na rin namang mag-isa. Pagkauwi ko sa bahay ay nag-ayos agad ako ng mga gamit. Matagal-tagal na rin kasi simula nang huli akong naglinis. Wala rin namang pasok, kaya hindi na ako nagsayang ng oras. Pagkatapos ay naligo na ako dahil kailangan ko pang maghanap ng trabaho. Wala na rin kasi akong panggastos at pambayad ng tuition ko, kaya kailangan kong kumayod. Hindi rin naman kasi puwedeng iasa ko lahat kina Tita Danara at Psalm. Ayoko namang abusuhin ang kabaitan ng mga ito sa akin. Kung saan-saan ako nag-apply, mapa-fast-food chain man o sa mga maliliit na tindahan. Sinubukan ko ring mag-apply sa mga mall at kung saan pa may hiring. Naglalakad ako hawak ang mga application form ko nang may mag-abot sa akin ng papel na nagsasabing hiring daw ang mga ito ng mga puwedeng mag-call center. Dahil alam ko naman sa sarili ko na magaling akong magsalita, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang mag-apply sa agency na iyon. Wala pang ilang araw ay natanggap na ako sa trabaho. I worked as a call center agent at the company who gave me an offer. Medyo may kalayuan ang agency sa bahay, pero ayos lang dahil may kotse naman ako at hindi na ako gaanong mahihirapan. The only hard part was that my schedule was starting at six in the night until twelve. Minsan lumalampas pa ng twelve kaya kaunting oras na lang ang nalalaan ko sa tulog. Minsan ay nagagawa ko pa ring maging late sa first class ko kaya napapagalitan pa rin ako ni Mr. Walton. Kaya isang araw, kinausap ko ito nang masinsinan tungkol sa trabaho ko, akala ko ay hindi ako nito maiintindihan, but at the end he showed me consideration and even asked me forgiveness. Nagulat ako sa ipinakitang iyon ng professor ko kaya hindi ko napigilang mapaluha. Gayon pa man, I didn't take advantage of him. Kahit pa minsan ay tatlo hanggang apat na oras na lamang ang tulog ko ay sinisikap ko pa ring hindi magpa-late. Dahil kulang sa tulog, natutulog na lang ako tuwing vacant namin. Minsan kapag may homework, sa school ko na rin ginagawa para wala nang problema sa bahay. Sobrang hirap nga palang maging working student, hindi ko inaasahan. Isang taon na lamang ay graduate na ako sa kurso ko kaya ayaw ko namang tumigil. Sipag at tiyaga lang talaga, matatapos din ang paghihirap na ito. Wala naman kasing madali. Sa buhay, kahit saang sulok mo pa tingnan, wala talagang madali. Nagiging madali lamang ang isang bagay kapag may natatanggap kang suporta, moral or financial support man 'yan. It would also be on how you look on a certain thing. Kapag tinitingnan mong napakahirap gawin iyon, mahihirapan ka talaga. But if you would choose to look at the bright side, you will then see the amazing part of it. Kaya kahit alam kong sobrang hirap, nananatili pa rin akong positibo. Wala naman kasing magandang mangyayari kapag lagi kang nega. It was midnight, close to one when I was driving to home. Sinisipsip ko ang kapeng binili ko sa seven-eleven nang sa gayon ay hindi ako antukin sa pagmamaneho. Isa pa, wala nang masyadong sasakyan sa daan kaya nakakaantok talaga at nakakatakot. Maganda nang gising na gising ako para hindi ako makasagasa nang hindi ko nakikita. Hindi ko rin alam kung bakit ako naniniwala sa mga ganoong bagay, pero ika nga: wala naman mawawala kung maniniwala ka. Ilang minuto pa ay nakarating na rin ako sa bahay. After parking my car, inubos ko muna ang kapeng iniinom ko. Sandali naman akong napatingin sa bahay. Nang may maaninag akong anino sa loob ay natigilan ako. I wiped my eyes and blinked them for how many times, making sure that I wasn't hallucinating again. Sa huling pagkakataon ay ipinikit ko ang mga mata ko, at pagkamulat ko n'on ay wala na ang anino. Nasaan na iyon? Mabilis kong inubos ang iniinom ko saka pumasok na sa bahay. Hinanap ko ang aninong iyon pero wala talaga, ngunit may isa akong nakita. Sa mismong puwesto kung saan ko naaninag ang anino, mayroong isang nakatuping papel. Agad ko iyong pinulot at binasa. "HINDI SI MARCUS DRAVEN ANG PUMATAY SA INA MO." Nanginig ang mga kamay ko habang paulit-ulit na binasa ang nakasulat doon. Lalo pang lumakas ang hangin nang subukan kong isipin kung sino ang may pakana nito. Hindi ko na alam kung ano ang mga pumapasok sa isip ko, natigil lamang ako nang unti-unting bumukas nang mag-isa ang pinto. Nahulog ko ang hinahawakan kong papel nang may makita ako sa labas. This time, hindi na iyon anino kung hindi isang tao. Mabilis kong pinuntahan iyon. Dahil nakatalikod ang lalaki ay hindi ko mawari ang mukha nito. I clenched my fist. "Sino ka?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD