Chapter 18

1265 Words
Sandali akong natigilan. Sa pangalawang pagkakataon, nakatakas na naman si Marcus. Sa pangalawang pagkakataon, pumalpak na naman ang mga pulis. Ang dami nila sa loob ng kulungan, pero hindi man lang nila magawang bantayan nang maigi ang criminal na iyon? "Kailan pa po siya nakatakas, Chief?" tanong ko. Sinubukan kong kumalma, dahil kung hindi, masasagot ko talaga 'tong pulis na ito. "Ngayong gabi lang, Ms. Sarbien," sagot nito. "Papunta na ang mga kasama-" "No, thanks," I cut him off, "wala po ako sa bahay ngayon. You should do better in watching over that criminal. Sorry, pero pangalawang beses na po kasi ito. I don't know what's wrong with you. You are paid for doing that job, yet you can't do it properly." "Mawalang galang na ho, Ms. Sarbien. Ginagawa namin ang lahat para sa kasong ito. Binabantayan naming maigi ang suspek, pero sa isang sandali, bigla siya hindi mahagilap." "Kung binabantayan n'yo po siya nang maigi, bakit siya nakatakas?" "Sorry, Ms., you're crossing the line. Just wait for us, at huwag kayong lalabas sa bahay." "Wala nga po ako sa bahay. I'm good here, I'm safe." Ibinaba ko ang tawag, saka lumingon kay Kye na nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga salitang binitawan ko sa pulis. Alam kong mahirap kalabanin ang mga may armas, pero kung sila na mismo ang may mali, hindi pa ba natin gagawing lumaban at magreklamo? Iyan ang hirap kasi. Kapag nasa baba ka, wala kang karapatang kalabanin ang nasa taas kasi kahit ikaw pa ang may tama at sila ang may mali, sa huli ikaw pa rin ang talo at kawawa. Hindi ko talaga alam kung ano ang mayroon sa mundong ito. Para saan ang ganitong serbisyo? Para saan ang ganitong pangit na sistema? "You're not going home, aren't you?" Kye asked. Hinarap ko siya. "I don't know what to say, but thanks for giving me all the works," I said. "Hindi ko alam kung sadyang tumama lang, pero kung umuwi ako kanina, baka nasa panganib na ako ngayon." "So, you're not going home?" "H-hindi ko rin alam." Napahawak na lamang ako sa ulo, saka ay umupo. "Siguro pupunta ako sa kaibigan ko. But you know, I'm worried baka madaanan ko si Marcus. Hindi ko alam kung anong puwedeng mangyari." I acted all right when I was on a call with the pulis, pero sa totoo lang ay natatakot ako. I was afraid Marcus was really trying to kill me next that was why he was escaping. Hindi ko talaga alam kung anong pakay nito. I didn't know him, honestly. Pero bakit parang ang laki ng galit nito sa amin ni Mommy? Ni hindi pa nga namin ito nakita noon, pero parang may nagawa na kaming atraso rito. Lumakad si Kye palapit sa akin. "No, you're not going there," sambit niya. I didn't speak. I just looked at him while taking a deep breath and letting out a sigh. "Hindi ligtas kung magmamaneho kang mag-isa." He walked even closer to me, and to my surprise, he held my head and leaned it on his tummy. "Just stay here with me, I'll protect you." Sobrang lakas ng t***k ng puso ko habang dinirinig ang paghinga niya. I was really confused about what he was showing me. Bakit parang bigla na lang siyang nag-iba? Bakit parang sinaniban siya ng kabutihan ng puso? I didn't feel his coldness. Parang iba talaga ang Kye na kaharap ko. Hindi sa pagiging marupok, pero parang nawala na lang bigla ang lahat ng galit ko sa kaniya. Hindi ko alam na may ganito pala siyang side. Sa kabila ng kalamigan ng puso niya, may natitira pa rin palang kalambutan dito. Ilang minuto rin na ganoon ang posisyon naming dalawa. At first, I really felt the awkwardness, pero habang patagal nang patagal ang pagkakayakap niya sa akin, nagiging komportable ako. Hindi ko maintindihan, hindi ko maipaliwanag, pero kapag siya ang nasa tabi ko, pakiramdam ko ay ligtas ako. "P-paano ka? Hindi ka ba hahanapin ng mga magulang mo?" tanong ko habang nakayap pa rin siya sa akin. Binitawan naman niya ako. "Don't worry, I'm fine." "S-sigurado ka?" He nodded. "Hindi rin ako mapapalagay kapag may masamang nangyari sa 'yo. I'm your president... I let you stay here until this night, and if something bad happens to you, it's my responsibility." Hindi ko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang luha ko. "Hangga't buhay si Marcus, nasa panganib din ang buhay ko," iyak ko sa kaniya. "And as long as I live, you will not be harmed." Tiningnan ko ang mga nangungusap niyang mata. I could see that he was really sincere of what he was saying. Knowing Kye, hindi siya basta-basta magbibitaw ng mga salitang hindi siya sigurado. Minsan lang siya magsalita, pero lahat ng sinasabi niya ay mayroong kabuluhan. Pero sa ikinikilos niya, nag-aalala rin akong baka pati siya ay madamay sa gulong ito. I looked at him directly in the eyes. "Kye, I appreciate your kindness," I said, forcing myself to smile. "But please, will you go home for me?" He puckered his eyebrows. "Why are you asking me such a question? Don't you trust me?" "Of course I trust you," I answred. "Ayoko lang na pati ikaw ay mapahamak. Ayokong madamay ka rin dito. Hindi mo naman ako responsibilidad dito." "You're my responsibility if only you knew." Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Walang ibang maririnig kung hindi ang mga t***k ng puso namin. Parehong hindi maalis ang titig namin sa isa't isa. Ni wala ring gumagalaw sa amin, maliban na lamang nang may isang malakas na sigaw ang pumukaw sa atensyon namin. "Alam kong nandiyan kayo! Get out of that f*****g room!" Mabilis akong ikinulong ni Kye sa mga bisig niya. "He's here," sambit niya. Kahit hindi pa niya banggitin ang pangalan, alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Nandito si Marcus. Nasa labas siya at hinahamon kami. Ito na ang oras na kinatatakutan ko. Nahihirapan na akong huminga lalo na't rinig hanggang sa loob ang malakas na pagtawa ni Marcus; as if he was trying to scare us from his evil laugh. Tuloy-tuloy lamang ang paghalakhak nito habang isinisigaw ang pangalan naming dalawa ni Kye. Kung kilala ni Marcus si Kye, ibig sabihin ba'y kilala rin ni Kye si Marcus? Kung sakali mang magkakilala talaga sila—if ever my assumption about the paper I'd found in Kye's book was true, then I was really stuck in a difficult situation. Ano ang kinalaman nila sa bawat isa? What was their connection? "KUNG HINDI KAYO LALABAS DIYAN, AKO ANG PAPASOK!" sigaw pa ni Marcus na mas lalong nagpakaba sa akin. "You must stay here," Kye told me. "Promise me you won't follow me outside." "L-lalabas ka?" "I need to face him." "Pero paano kung may nangyari sa 'yong masama?" "Just trust me." Binitawan niya ako saka siya lumabas. He locked the door, making sure I wouldn't go and follow him. After that, hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Kahit pa isandal ko sa pinto ang tainga ko ay wala akong marinig. Tila nagbubulungan na lang ang dalawa. Ilang minuto na ang lumipas at wala pa ring ganap. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Out of curiousity, I had decided to peek outside. Hindi naman ako lalabas, sisilip lang dahil nag-aalala na rin ako kay Kye at baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Ngunit pagkahawak ko pa lamang sa door knob ay nagkaroon na ng isang malakas na pagputok. Nagmadali akong buksan ang pinto at nagtungo sa labas. "Kye!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD