Chapter 17

1804 Words
"Oh my god! Ship! Ship" Napa-aray na lamang ako sa ilang mabibigat na hampas ni Lucille sa aking braso. "Nasisiraan ka na ba ng bait?" tanong ko. "Anong ship ship 'yang sinasabi mo diyan?" "Alam mo ba kasi noong una pa lang, may kutob na akong dalawa sa inyo ni Kye." "Hay naku, Lucille. I don't have time for your jokes." "Eh, hindi naman joke 'yon. Totoo nga, may iba talaga akong na-fe-feel sa inyo ni Mr. Pres." I just glared at her and got back to my work. I was in the newsroom with her, and with the other journalists because we were called to finish the school paper. Kung sobrang sama ko lang talaga, hindi na ako sumipot dito dahil umiinit pa rin ang dugo ko kay Kye. Kung gusto ko siya noon, puwes ngayon hindi na. Hindi rin talaga ako maka-move-on sa biglaang pagsulpot niya, kaya ikinuwento ko na kaagad kay Lucille. Ewan ko ba kung bakit napapadalas ang pagsulpot ng lalaking iyon. Ayokong mag-assume, pero parang nananadya na siya. "Who told you that you're allowed to make unnecessary noise in here?" Napatango na lamang ako sa pamilyar na boses na iyon. As usual, Kye was still holding his annoying aura. "Hindi naman kami maingay, ah," sambit ko sa kaniya. "How was I able to hear your voices if you're not noisy?" "Teka, teka..." Lucille interfered. "I'm sorry, President, it's my fault. Ako talaga 'tong maingay, hindi kasali si Margot. Ako 'tong nanggugulo sa kaniya, kaya sorry. I promise this will not happen again." "Make sure your words matched well your action, Lucille." "Nag-so-sorry na nga 'yong tao, hindi pa lang tanggapin," I whispered as I turned back my gaze to my papers on the desk. "Pardon?" Kye said. "Huh?" tango ko sa kaniya. "May sinasabi ba ako?" "You're murmuring something. Why don't you share it?" "Wala nga akong sinabi. Kumakanta lang ako,"pagkukunwa ko. "Gusto mo bang marinig?" "No. Nevermind," he walked away. I looked at Lucille who was so red of giggling. "You two are so cute," she said. I let out a sigh and frowned. "Ewan ko sa'yo," sambit ko, saka lumipat ng puwesto. If I would choose to sit still beside Lucille, wala kaming matatapos. But when I started picking up my pen again, wala naman akong maisulat sa papel. All my thoughts had been washed away simula nang sumulpot si Kye. I was busy brainstorming when Lucille sat down beside me. "Ba't ka naman lumayo sa 'kin, editor-in-chief?" tanong niya. "Eh, ang gulo mo kasi. Wala na akong natatapos dahil sa 'yo. Hindi ko pa tapos 'tong article ko." "Sorry na nga," she pouted. "Promise, 'di na kita guguluhin, basta huwag ka lang lumipat ng puwesto. Mas nakakapag-isip kasi ako kapag katabi kita. Para bang napupunta lahat sa utak ko 'yong mga laman ng utak mo. Parang mas nagiging creative talaga ako kapag nakikita kita." "Okay, sige na, sige na. Huwag ka nang magsalita ulit para makapag-" "Everyone, listen." I wasn't able to continue what I was saying when Kye stood in front and asked for our attention. "Alam n'yo naman siguro ang isa sa mga rules dito sa loob ng newsroom," panimula niya. "First of all, when you are in here, you have to stay quiet, unless you have something very important to say. All you have to do inside is to focus on writing and finishing your articles, nothing more and nothing less. Hindi kailangan dito ang mga usapang kaharutan ninyo." Biglang nanlaki ang mga mata ko. Halata namang pinariringgan niya kaming dalawa ni Lucille. "And because two of your co-journalists just violated the rule, I'm giving you rewards," he smiled. "All the news, editorial, and column team will be dismissed early because all the unfinished works will be done by your vice president and secretary." I clenched my fist and planned to complain, pero mabuti na lang ay napigilan ko. Kapag nagreklamo pa ako, baka ipagawa niya sa amin ang buong school paper. "Excuse me, Mr. President," Lucille stood up. "Hoy, anong ginagawa mo?" bulong ko sa kaniya, pero hindi niya ako pinansin. "Yes, Ms. Morgan?" "You told us the school paper should be finished today, so that revision will be started tomorrow. But how will we be able to make it kung dalawa lang po kami ni Margot ang tatapos sa unfinished articles?" she asked. "Hindi pa ba sapat ang sorry namin?" "Ms. Sarbien didn't ask pardon after all." I hemmed. Sorry ko lang pala ang hinihintay ng mokong na ito. "Okay, I'm sorry po, Mr. President," I said as I stood up. "Kasalanan po namin na hindi inisip ang rules sa loob ng newsroom bago kami nag-ingay. Pasensya na po sa behavior na ipinakita naming dalawa. But we promise to do our best to follow." "Okay, good," Kye said. "But still, that's not an excuse for you two to pass the punishment." I clenched my fist again and tried my best to control my anger. "Going back to Ms. Morgan's question," he said, "yes, you have to finish everything to complete the pages, and that's due today. No more excuses. No more complains." Napaupo na lamang ako sa inis. "All the news and editorial writers, including the columnists, can leave now." Bakas ang saya sa mukha ng mga journalist na umalis sa newsroom, samantala'y nakabusangot pa rin ang mukha ko. "Nakakainis naman." Iniyuko ko ang aking ulo sa mesa. "Hoy, Margot, sorry na," haplos ni Lucille sa likod ko. "K-kung gamay ko rin lang ang editorial, baka ako na rin ang tumapos ng sa 'yo kasi kasalanan ko naman, eh." "Kasalanan ko rin," sambit ko. "Kung bakit ba naman kasi ngayon at dito pa ako nagkuwento sa 'yo." Iniangat kong muli ang aking ulo, saka tinitigan siya. "Pero nandito na, wala na tayong magagawa. Hindi natin makikiusapan 'yan kasi bato ang puso niyan. Tapusin na lang natin para wala nang masabi." "Sorry talaga." "For sure gabi na tayo makakauwi nito." "Paano ka?" "Anong paano ako? Remember, mag-isa lang ako sa bahay kaya okay lang," ika ko. "Ikaw ang paano. Baka pagalitan ka nila sa bahay n'yo." "I'll just inform Mom and Dad now na ma-le-late ako ng uwi para hindi sila mabigla," sambit niya. "Wait lang." She took out her phone and texted her parent. On the other hand, I looked back again at my papers. Hindi ko pa nga tapos ang article ko, tapos may mga kasunod pa. Buhay nga naman. "Okay na, nasabi ko na sa kanila," padaka'y sabi ni Lucille. "Okay, good. Let's go back to work." Bumalik na nga kaming dalawa sa pagsusulat. Since whole day ang schedule namin, buong magdamag kaming nabulok sa newsroom. Hanggang sa inabot na kami ng dismissal ay hindi pa rin kami tapos ni Lucille. Marami pang mga nakaabang na articles, pero sobrang sakit na ng ulo at utak ko. The publishing team were living one by one, samantalang kaming dalawa ay naglalaway na sa inggit. I knew Psalm would fetch me, so I just called him. "Hello," I said as soon as he answered his phone. "Hi, BFF. Are you still there in the publishing room?" "Yeah. I still have many articles to finish, baka gabi na ako makauwi." "Gusto mo hintayin na lang kita?" "No, thanks, maabala pa kita," tugon ko. "Don't worry kasama ko si Lucille. Baka sabay na rin kami sa pag-uwi." "Siya lang ba ang kasama mo?" "A-ah... hindi," sagot ko sabay tingin kay Kye na nakaupo sa kaniyang desk. "May mga kasama pa kami. Marami pa nga kami dito eh, at baka sabay-sabay na kami. Saka may service naman kami, so don't worry." Sa totoo lang, tatlo na lang kaming naiwan sa loob—ako, si Lucille, at ang president naming nakakainis. "Okay, if you say so. Bigay ko na lang sa 'yo bukas notes ko at sabihan na rin kita sa mga pinag-aralan naming ngayon. Basta ingat ka sa pag-uwi, ha?" "Yes, BFF. Thank you." I bit my lip as I ended the call. It was close to seven already, pero hindi pa rin kami tapos ni Lucille. Sabog na sabog na kami at pigang-piga na. Lahat ng puwedeng maisulat namin ay naisulat na. "Margot, hindi na kaya ng utak ko," Lucille groaned. "Ilan na lang ba ang sa 'yo?" "Dalawa pa." "You can do it," I said, trying to cheer her up. "Maigsi na lang 'yang dalawang news." "Eh, sa 'yo ba, ilan pa?" "Tatlong column pa." "Kaya mo pa ba?" nag-aalala niyang tanong. "Medyo mahaba-haba pa 'yang tatlo." "Kakayanin," ngiti ko. "Oh sige na, mamaya na ang usap para matapos na tayo." Natamaan ng mata ko si Kye na nakatingin sa amin, so I gave him a sharp look before I continued writing. Kung nakakayaman lang ang pagtitig sa kaniya nang masama, baka milyonaryo na ako. "How is it going?" mayamaya'y lapit sa amin ni Kye. "Wow, buti naman naalala kaming kumustahin," mahina kong sambit. "Pres., hindi pa ba kami puwedeng umuwi?" tanong ni Lucille. "Kanina pa kasi tawag nang tawag sina Mommy at Daddy, naghihintay daw sila sa labas ng campus. Sinusundo na nila ako." "Ilan pa ba ang dapat mong tapusin?" "Two na lang," she answered. "Pauwiin mo na kami, please. Promise, tatapusin ko 'to sa bahay at bukas na bukas ng umaga, ipapasa ko na 'tong artciles ko." "Okay, go home now." Lucille's eyes widened. "Oh, really?" she grinned. "Thank you! P-pero... paano si Margot?" "Tatapusin ko na ngayon 'to," sagot ko. "Wala namang naghihintay sa 'kin sa bahay." "Sigurado ka?" I forced a smile and nodded. "E-eh, kung gano'n... mauna na ako sa 'yo, okay?" "Keep safe." "Thank you," she hugged me. "Sorry ulit, ha?" "It's okay." "Okay, okay. Bye!" she said and left. This time, I and Kye were the only ones that were left in the newsroom. The atmosphere inside had totally changed since Lucille left. Makabasag-pinggan talaga ang katahimikan, not until a phone ring emerged. Nagtinginan kami ni Kye. "A-ah... sorry, I think it's mine?" I said as I picked up my phone from my pocket. "Sa akin nga. May I excuse myself for some time?" Kye nodded. I went near the doorway and answered the call. Wala sana akong balak sagutin iyon dahil unknown number iyon, pero naisip ko rin na baka sa mga pulis iyon. "Hello, who is this?" "Good evening, Ms. Sarbien, this is from the police agency. We are informing you to wait in your house, and lock all the windows and doors. We are now on the way to see you. Don't leave without our notice because you are in danger," the police said. "Marcus Draven has scaped again from the prison."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD