Chapter 19

1522 Words
Isang putok ng baril ang babago sa lahat. Pagkatapos ng ingay na iyon ay dali-dali akong lumabas ng newsroom. Nanginig ang buong katawan ko sa lalaking nakahandusay na sa sahig. Hindi ako makakilos nang maayos ni makapagbigkas ng kahit anong salita. Hindi ako umalis sa puwesto ko hanggang sa mayamaya'y tinangka kong lumapit dito. Habang naglalakad ay unti-unti ring lumakas ang ihip ng hangin na siyang nagpalipad sa aking mahabang itim na buhok. "Kye.." bigkas ko. Nanlambot ang mga tuhod ko hanggang sa tuluyan na itong umuntog sa lupa. Napuntahan ko na ang walang buhay na katawan na iyon at kitang-kita ko ang mga dugong nagkalat dito. Nagsimula na ngang pumatak ang mga luha ko habang iniisip ang pangyayari. I couldn't believe everything that I was seeing. This couldn't be real. "He killed himself," sambit ni Kye na nakatayo sa kanan ko. Hawak ang baril, nakahandusay na lamang si Marcus sa sahig at wala nang buhay. Nakabukas pa ang mga mata nito habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga dugong nanggagaling sa ulo nito. Did he really kill himself? If that was real, then he was really out of himself. Kung gayon, hindi lamang siya isang demonyo kundi isang baliw. Dahan-dahan kong ibinaling ang aking tingin kay Kye. Hindi rin maalis ang paningin niya kay Marcus. Wala akong makitang kasalanan sa mga mata niya. Naniniwala naman akong hindi talaga siya ang pumatay rito. Besides, it was Marcus who was holding the gun, not him. "Akala ko ikaw na 'yon..." mahinang sambit ko habang nakaluhod pa rin. Bago pa man siya muling magsalita ay inalalayan na niya ako sa pagtayo. "I promised to protect you," yakap niya sa akin. Habang nakakulong sa mga bisig niya ay hindi ako natigil sa pag-iyak. It was the second time he saved me. Ngunit sa pagkakataon na ito ay mas natatakot ako.Paano kung idiin siyang pumatay kay Marcus? I couldn't bare that to happen. Problema ko ito, pero nadadamay siya. Gayon pa man, pakiramdam ko ay nakawala na ako sa kadiliman dahil wala na ang nagpapadilim sa mundo ko. Pakiramdam ko'y wala na akong dapat takbuhan at takasan. Pakiramdam ko ay ayos na ang lahat at puwede na ulit akong mamuhay nang normal. Pakiramdam ko'y parating na ang bago kong simula. Dumating ang kinabukasan at kumalat na sa buong campus ang nangyari. It was midnight when the police went to the university to get Marcus' dead body. Mabuti na lamang at pinaniwalaan ng mga pulis ang sinabi naming wala kaming kinalaman sa pagkamatay nito. Besides, we had the CCTV on the campus; that was why we were able to show them proofs. Nasa pangangalaga na kami ng clinic. The doctor teacher sent us here so that they could watch over us. Besides, it wasn't good to stay outside because the students would just gossip about us two and about what had happened. I was waiting for Kye's parents to come, pero wala akong nahintay. Out of curiosity, I asked him, "Hindi ka ba pupuntahan ng mga magulang mo?" No response. "I'm worried baka hinahanap ka na nila. Hindi ka ba nagsabi sa kanila?" Again, no response. Dahil mukhang wala naman siyang balak sumagot, hindi na ako muling nagtanong. But really, what if his parent was now worried of him? Pero siguro naman ay hahanapin at hahanapin siya ng mga ito kapag alam nilang wala siya sa bahay nila. Ilang saglit pang nagkaroon ng katahimikan sa loob ng clinic, hanggang sa mayroong isang babaeng dumating. The woman was so beautiful. Ang kinis at ang puti ng mga balat nito. Tama lang din ang katangkaran nito. She looked like a beauty queen. What a damn goddess. Hindi ko tuloy maalis ang titig ko rito. "Kye!" Nagulat ako nang bigla nitong niyakap si Kye. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Kung hindi ako nagkakamali, ina ito ni Kye. Magkamukhang-magkamukha kasi silang dalawa. Sa kulay at tindig pa lang ng kanilang mga mata ay masasabi mo nang may kaugnayan sila sa isa't isa. "I'm glad you're safe," dagdag pa ng babae saka halik sa noo ni Kye. "Don't worry about me, Ma. I'm fine." Pagkarinig pa lamang sa salitang Ma ay napangiti na ako. Hindi ako nagkakamali sa assumption ko, mag-ina nga sila. Kaya naman pala ang yaman ng lalaking ito sa kaguwapuhan kasi maganda rin ang ina niya. I wonder if how his father looked like. Malamang sa malamang ay artistahin din ang mukha n'on. Napakagandang lahi. "Ano ba kasing nangyari?" tanong ng ina ni Kye, sabay ng pag-upo nito. "Ni hindi ka man lang nag-text o tumawag sa 'kin. Nalaman ko lang na may masama nang nangyari no'ng tinawagan nila ako dito." "I'll just tell you everything, Ma, when we're already home. This is not the right place to talk about it," he said. "By the way, this is Margot," turo niya sa 'kin. Tila ba kuminang ang mga mata ng babae sa sandaling nakita ako. Tiningnan ako nito mula itaas hanggang baba. "Siya ba?" tanong nito kay Kye. Nagkunot-noo ako. Ano iyong sinabi nitong: siya ba? Ayokong mag-assume, pero minsan ba'y naikuwento na ako ni Kye rito? Minsan na ba niyang nabanggit ang pangalan ko rito? I was still in the middle of confusion when I noticed the woman choke her saliva. Pakiramdam ko talaga ay mayroong kakaiba. Gayon pa man, pinili ko na lamang na kumilos nang normal. "Hello po," bati ko rito. Tiningnan ako nang masinsinan ng babae. Hindi nito nagawang makapagsalita agad dahil tutok na tutok ito sa akin, as if she was examining me. Hindi pa maipinta ang hitsura nito na para bang hindi ako pumasa sa taste nito. Parang kanina lang kuminang ang mga nito, pero bigla na lamang nagbago ang ihip ng hangin. "Ikaw pala si Margot," sambit nito. "Ma..." tawag ni Kye rito. Tiningnan siya ng ina niya. "Hindi ba siya si Margot?" tanong pa nitong muli. Suminghal si Kye. "Ma." Isa pa itong lalaking ito na mas lalong nagpapakunot sa noo ko. It seemed like he was trying to control anything that would come out of her mother's mouth. Sa tuwing magsasalita ang nanay niya ay pinipigilan niya ito. Parang may mali talaga. May itinatago ba siya sa 'kin? "Oh, I'm sorry..." mahinang tawa ng babae pagkatapos ay ibinaling nito ang tingin sa akin. "I mean she's Margot, the girl your doctor teacher mentioned to me a while ago." She smiled at me and to my surprise, she hugged me. "I'm glad you're safe as well." Hindi ko magawang makapagsalita dahil dinaramdam ko ang yakap nito sa akin. There was something in her hug that was warming me. Hindi ko maipaliwanag, pero parang niyayakap na rin ako ni Mommy. Siguro na-miss ko lang talaga ang mahihigpit na yakap noon sa akin ng ina ko. "T-thank you po," nahihiya ko pang sabi. Nabigla na lang din ako nang hinawakan nito ang mga kamay ko. "Nabalitaan ko ang nangyari sa 'yo, Margot," anito. "Huwag kang makampante sa nangyayari ngayon. Mas mabuti pa rin na mag-ingat ka kahit patay na si Marcus." She really was like my mother speaking to me. Well, at first I thought she didn't like me, but when she said that, my impression of her had changed. Tumaba ang puso ko sa sinabi nito. Sa mga ipinakita nito, parang sobra-sobra na ang paggaan ko ng loob dito. I was still about to speak when Psalm and Tita Yadora entered the clinic, kaya naman ay napabitaw na rin sa akin ang ina ni Kye. "Oh, my dear, Margot," yakap sa 'kin ni Tita, "I'm glad you're safe." Tumikhim ang ina ni Kye na siyang sandaling nagpatahimik sa loob. Sa ilang segundo'y walang umimik. Nagtitinginan lang kami sa bawat isa. Dahil naramdaman ko na ang pagkailang, nagtangka na akong magsalita. "Thank you, Tita," I said, "But I guess you should thank Kye po. He saved me." Ibinaling nito ang tingin kay Kye. "Oh, so you are Kye?" she asked. "Thanks for saving Margot. I owe you everything." Bahagya lamang na tumango si Kye. Hindi nagbago ang kaniyang emosyon. Hindi man lang siya ngumiti. Parang ako tuloy itong nahiya para kay Tita Yadora. "I'm sorry, BFF," mayamaya'y sambit ni Psalm. "If only I knew this would happen, hindi na sana kita hinayaang magpaiwan kahapon. Kung bakit ba naman kasi pumapayag 'yang president n'yo na abutin kayo ng gabi." Nilingon ko si Kye. He seemed okay with what Psalm had said. Wala man lang bakas ng inis ditto. "BFF," I said then, "ang mahalaga okay na ako. Saka walang kasalanan dito si Kye. Ako ang may kasalanan, okay? May nangyari kasi sa newsroom kahapon. Saka kung tutuusin, malaki pa ang utang na loob ko sa kaniya." "May mga kung sino talagang hindi marunong tumanaw ng utang na loob." Nag-init ang hangin sa loob dahil sa sinabi ng ina ni Kye. May balak pa sana akong palamigin ang atmospera sa loob ngunit inunahan ako ni Tita Yadora. Hindi nito pinalamig ang sitwasyon kung hindi mas lalo pang pinainit nang sampalin nito ang ina ni Kye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD