Chapter 23

1659 Words
"What makes you so busy? Kanina ka pa nakaharap sa laptop mo." I wasn't able to respond to Psalm because I was so focused on researching things about vampires. Simula noong makita ko ang picture ni Mommy, hindi na ako natigil sa kahahanap sa internet ng mga artikulo patungkol sa mga bampira. Totoo nga ba talaga sila? Napabilis ang pagtiklop ko sa laptop nang subukan itong silipin ng aking kaibigan. Psalm was really trying to have a peek at it even though I was already hiding it from him. "Ano ba kasi 'yan?" naiiritang tanong niya. "Wala, diary lang. Hindi mo kailangang mabasa 'to dahil personal diary ko 'to." "Personal diary sa laptop?" "A-ah... oo!" "Bakit hindi ka sa notebook magsulat?" "Tinatamad akong magsulat, eh," pagpapalusot ko. "Dami mo namang tanong, mamaya ka na. Hindi ako makapag-focus." Napailing siya at hindi na ako kinausap pang muli, bagkus ay nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Mabuti rin naman nang hindi niya ako maistorbo sa ginagawa ko. Hindi talaga ako makapagtrabaho nang maayos kapag may kumakausap sa akin, lalo na kapag seryosong usapan ang ginagawa ko. As I was typing, my stomach roar in hunger. Katatapos lang naman naming kumain, pero gutom na gutom ulit ako. So, I told Psalm to wait for me and I would just buy foods at the counter. But before I left, I made sure that the laptop was turned off. When he agreed, I left right away, and when I came back, he stood up. "Can you wait for me here? I'll just go to the CR to pee," he excused. "Sure," I said. "Ako muna ang bahala dito." While waiting for him, I had eaten my snack first. When I was satisfied, I faced the laptop and decided to continue researching since he wasn't arriving yet. Walang pinagkaiba ang mga nahahanap ko sa mga ikinuwento sa akin ni Mommy. Ang mga bampira daw ay nabubuhay sa laman at dugo. Aktibo lamang ang mga ito tuwing gabi dahil kahinaan nila ang liwanag. Isa iyon sa rason kung bakit hanggang ngayon ay pinaniniwalaan ko pa rin na bampira talaga ang pumatay sa ina ko, hindi si Marcus Draven. Ayon din sa mga nabasa ko, walang repleksyon sa salamin ang mga bampira. Sa pisikal naman nilang hitsura, mapapansin ang mga matutulis nilang mga pangil at mapuputlang kulay ng balat. Kung ganito ang tunay na paglalarawan sa isang bampira, ibig sabihin ay bampira rin ang katabi ni Mommy sa nahanap kong larawan? I took the picture inside the bag and looked at the guy once more. He was gorgeous even though he looked so pale. Hindi nakalabas ang mga ngipin nito kaya hindi ko rin matukoy kung matutulis ang mga ito. But one thing was for sure, his overall aura. He was wearing a black cap; he seemed like a prince. Sino nga ba talaga ito at anong koneksyon nito kay Mommy? I researched everything I wanted to know. I had explored many sites and learned a lot. Ang dami ko na ring hinuha sa lalaking nasa larawan, pero wala pa rin ang kaibigan ko. The students were leaving already the cafeteria one by one. I looked at my wristwatch, and it was quarter to one already, fifteen minutes before the first class, pero hindi pa rin siya bumabalik. What could've possibly happened to him? Baka nilamon na iyon ng inidoro. Since I couldn't wait for him anymore, I had decided to follow him to the comfort room. The moment I stood up, a loud noise aroused through the cafeteria. It was a loud screaming as if something terrible had happened. The yell had stopped, pero wala pang ilang segundo ay nasundan ulit iyon ng panibago. Because of that, every student in the cafeteria left and started gossiping. Mayamaya'y sumunod naman ang mga staff hanggang sa mag-isa na lang ako na naiwan sa loob. I was also about to leave and see what was going on when Kye entered. I caught something in his lip as he walked towards me. It wasn't that I was yearning for it, but because I was confused. There was something red on his lip, it might be ketchup. Gano'n na ba siya kadungis kumain? "What are you still doing in here?" he asked. "Didn't care to what was happening, huh?" "Ah, not that I don't care," I answered. "Wala lang talagang magbabantay dito sa table kapag umalis ako. Kailangan din bang isali 'yang issue na 'yan sa school paper?" "What do you think?" I was about to speak when a crying sound interrupted me. Sandali akong napatingin sa may pinto, saka ibinaling muli ang atensyon kay Kye. "Eh, bakit nandito ka rin? Hindi ba dapat naglilista ka ng mga nangyayari sa labas?" "I already jutted them down in my mind." "Wow, allowed ba 'yon as a campus journalist?" sarkastikong tawa ko. "Sa pagkakaalam ko kasi, hindi lahat ng bagay ay naaalala ng isip. Kaya dapat, lagi kang nagsusulat sa papel kasi kapag may nakalimutan ka, babalikan mo lang 'yon." He smirked. "Perhaps you still have the plan to go and see what's happening out there?" "Meron talaga! P-pero, wala kasing magbabantay sa mga gamit ko." "Just let me handle it for you." He walked towards me and looked at me first with his powerful eyes before he took a seat. "Go." Hindi na ako nagsalitang muli dahil mukhang mapagkakatiwalaan ko naman siya. Isa pa, nakapatay na ang laptop ko, kaya hindi na niya makikita kung ano ang mga pinaghahahanap ko sa internet. If ever, bakit naman niya pakikialaman ang laptop ko? Ridiculous me. As I walked through the exit of the cafeteria, I could still hear the loud noises, until they turned into cries eventually. Pagkalabas ko ay siksikan ang mga tao. They seemed to be peeking over the comfort room na malapit lang dito sa cafeteria. I was trying to peek as well, pero hindi ko makita ang nangyayari dahil sa rami ng mga tao. After some time, I saw Psalm, trying hard to walk through the crowd. "Ba't ngayon ka lang?" I asked. "Kanina pa ako naghihintay sa 'yo. Ano ba ang nangyari doon?" "Sorry, naki-tsismis pa kasi ako, BFF. Hindi ka maniniwala dito, pero may dalawang duguang babaeng natagpuan sa CR." "WHAT?" My eyes widened in surprise. "Bakit? Ano bang nangyari?" "Hindi ko rin alam. Ang sabi nila may nakapasok daw ng outsider dito at nagtangkang pagnakawan ang mga estudyante. Pero dahil daw nanlaban 'yong mga babae, pinatay na rin nila." "Huh? Paanong may nakapasok eh ang higpit ng security natin? Saka bakit dito pa sa school sila kailangang magnakaw? Ang weird naman n'on." "Sabi-sabi lang nila 'yon, pero wala pa ring malinaw na rason kung bakit." "Eh 'yong mga biktima, nasaan na sila ngayon? Ilan ba sila?" Tuloy-tuloy akong nagsalita dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari. "Bale dalawang babae. Kinukuha na sila ngayon. 'Di ko alam kung saan sila dadalhin, but they are now dead. Balik na lang tayo sa loob, I swear hindi mo magugustuhan ang makikita at maaamoy mo." Nakaramdam ako ng kaba sa nangyari. It was hard to figure out things because the incident was indeed unimaginable. There was still the crowd outside when we both decided to go back inside the cafeteria. Kye was still sitting there and I caught him facing the laptop. Darn! I immediately ran towards him and closed the laptop. "WHAT ARE YOU LOOKING AT?" I asked. "Nothing," he smirked, "just reading random articles." My eyes widened. Paanong nangyari iyon, eh sigurado akong napatay ko ang laptop? No one was talking for a while not until Kye stood up. He moved his face closer to me. Habang papalapit siya nang papalapit ay pabilis naman nang pabilis ang t***k ng aking puso. "Be safe," he whispered to my ears before he left. Hindi ako makagalaw nang maayos. Ni hindi ko man lang nagawa siyang lingunin bago siya tuluyang makaalis. Paano kung nabasa niya ang mga nasa laptop ko? Paano kung isipin niyang baliw ako dahil sa mga pinaghahahanap ko? "Hoy," Psalm waved his hands in front of my face, "ayos ka lang?" "Bakit ba kasi napakapakialamero niya?" walang emosyon kong tanong. "Huh?" Bumalik ako sa table at hindi pinansin si Psalm. Hindi ako makausap nang maayos dahil bukod sa naiinis ako sa ginawa ni Kye, hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari. The following days, sunod-sunod na ang nangyaring kababalaghan sa campus. Every day, there would be a girl to be found dead in the CR. Meron pang isang araw nang papunta ako sa banyo, nakakita ako ng isang babaeng duguan at nakalumpasay sa sahig. Worst thing was, nadukot ang isang mata nito. Hindi ko kinaya 'yon kaya buong araw masama ang tiyan ko, ni hindi ko magawang kumain. The peaceful university before turned into a place full of mystery and horror. Marami na ring nagsilipatan dahil sa mga nangyari. Sa amin ngang magkakaklase, halos nakalahati na ang bilang namin. The name of the campus had been ruined. Simula nang kumalat ang madugong krimen na iyon, naglagay na sila ng maraming CCTV. Bawat sulok ay mayroong nakakabit na ganito nang sa gayon ay walang takas ang kung sinumang pinagmumulan ng maruming gawain na iyon. Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin ang pagpatay sa loob ng unibersidad nang hindi namin nalalaman ang tunay na dahilan. Even though there were lots of CCTVs inside, the suspect couldn't still be viewed. Kahit sa CR ng mga babae ay may mga hidden camera na, pero hindi makita kung sino ang pumapatay sa mga ito. Everything became worst. Maging ang iba naming mga guro ay umalis na sa campus at nag-apply sa iba. Nabibilang na rin kami sa seksyon namin. Minsa'y tinanong ako ni Psalm kung wala akong balak lumipat. Ang sagot ko: wala. Nakikita ko kasi sa pangyayaring ito ang nangyari kay Mommy. Walang rason para lumipat, ngunit may dahilan para manatili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD