Chapter 24

1316 Words
I was in the comfort room, checking the tiles and every corner if there was anything I could use to define the crime. May mga bahid pa ng dugo sa sahig dahil kahit ang janitor namin ay umalis na rin sa campus, kaya naman wala nang naglilinis dito. Ilang minuto pa ay napagpasyahan ko na ring lumabas dahil hindi ko kinaya ang amoy sa loob—sobrang malansa. Sakto noong paglabas ko ay nakasalubong ko si Lucille. "Uy, saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya. "Wala si Kye sa newsroom," pagpapaalam ko nang mapansin ko ang mga papel na hawak niya. Siguro ay tinambakan na naman siya ni Kye ng trabaho dahil nakasimangot siya. "Ah, ito ba?" angat niya sa mga papel. "Documents ko ito, lilipat na kasi ako ng school." Nag-angat ako ng kilay. "Seryoso ka ba diyan?" Pilit siyang tumango. "Teka, doon muna tayo." I grabbed her hands and took her at the lounge area. "Lilipat ka ba dahil sa mga nangayayari dito sa loob ng campus?" nag-aalalang tanong ko nang makaupo na kami. "Ayaw ko naman talagang lumipat. Ayaw kong iwan itong school na ito, pero nag-aalala rin kasi ako sa safety ko. Pati sina Mom and Dad ayaw nang mag-stay ako rito. I think this is the only best thing to do for now." "Pero 'di ba they are trying to do everything naman? Marami nang CCTV dito, and eventually matutukoy din ang killer." "Margot, it's much better to be sure. Wala pa namang kasiguraduhan 'yan." Yumuko ako. "May point ka. Wala na talagang kasiguraduhan 'tong university na 'to. Ma-mi-miss lang naman kita, eh." She held my hands. "Kung gusto mo, edi magsama tayo." Iniangat kong muli ang ulo ko, saka tiningnan siya sa mata. "No, Lucille," mariin kong sagot. "Hindi ko iiwan ang lugar na 'to. Hangga't bukas ang Luxvard, mananatili ako dito." "But your safety is the question here." "I know, I know," I smiled. "You don't understand for now, but soon you'll know. For now, I'll just support you with your decision. Basta huwag mo lang akong kakalimutan, ha?" "Of course, there's no reason to forget you," she said. "Puwede naman tayong lumabas paminsan-minsan. If you want, puwede rin kitang i-visit sa bahay mo kapag free ka. May connection naman tayo, eh, kaya huwag kang mag-alala." She was grinning at me, but after seconds, it faded eventually. "What's wrong?" I asked. "Gonna miss my baby, you know..." Hindi ko mapigilan ang matawa sa sinabi niya. Crush na crush niya talaga si Psalm, at kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong ma-mi-miss niya ito. Kung hindi lang siya aalis, baka magawan ko pa ng paraan para magkalapit sila. Sayang naman. "Ayan, aalis tapos ma-mi-miss. Bahala ka diyan," irap ko. "Well anyway, baka masyado na kitang naistorbo. Magpasa ka na ng documents mo para ma-process na ang pag-transfer out mo." "Pakisabi sa kaniya ma-mi-miss ko siya, ha?" "Oo na!" hampas ko sa braso niya. We'd departed ways. Lumabas siya ng building, samantala'y nagtungo naman ako sa classroom dahil hinihintay na ako roon ng kaibigan ko. Vacant kasi namin at wala namang ibinigay sa aming assignment, kaya walang problema. Pagkarating ko roon ay inabutan ko itong mag-isa. "Oh, asan 'yong iba?" tanong ko. "Umuwi." Nagkunot-noo ako. "Umuwi?" "Oo, balik na lang daw sila mamayang tanghali." "Bakit?" "Ewan ko," kibit-balikat nito. "Baka doon na sila kakain sa mga bahay-bahay nila. Natakot na rin siguro." Umupo ako sa tabi nito saka ipinuwesto ang aking kamay sa aking baba. "Sa tingin mo, sino ang may pakana ng lahat ito?" tanong ko kay Psalm habang nakatitig sa board at nag-iisip-isip din. "Actually, I don't have any idea. Ikaw ba, meron?" "I'm not sure, pero sa tingin ko, hindi outsider ang may gawa nito." "So, sinasabi mo bang nandito rin lang sa Luxvard ang suspect?" "Uh-huh..." Malakas talaga ang kutob kong nasa loob lang ng campus ang gumagawa ng kababalaghan na ito. Matibay ang security namin at wala talagang nakakapasok na ibang tao rito. Sa tinagal-tagal nang pinagkakatiwalaan ang paaralan na ito, ngayon pa magloloko? Mayroon talagang mali. Nang makauwi ako ay pinag-aralan kong mabuti ang mga larawan na kinuha ko sa banyo. I took pictures of the blood left on the tiles. I even captured the toilet bowl, kasi kahit doon ay may mga dugo. Siguro habang nasa loob ang mga biktima ay sinugod na sila ng suspek. I was zooming in and out the photos until something caught my attention. Sa salamin na nasa lababo ay mayroong nakasulat. I was confused because if I could still remember when I took a picture of the mirror, the only evidence there was the dripping blood, nothing more and nothing less. But now, look at this drawn fang. Mukhang lipstick ang ginamit sa pagguhit ng pangil na iyon. Hindi ako makapaniwal roon dahil sa pagkakaalam ko talaga ay wala iyon nang kinuha ko ang litrato. I blinked my eyes for how many times and wiped them just to make sure I wasn't imagining things. Pero totoo, may nakaguhit talagang pangil sa salamin. I remembered when Mom died, there was also a fang drawn on the tiles. Mabilis kong hinanap ang litratong iyon, saka ikinompra sa litrato ng salamin sa CR. Habang sinusuring maigi ay hindi ko maiwasang mapaisip. Mukhang pareho ang pagkakaguhit ng dalawa na para bang iisa lamang ang gumawa n'on. If that was the case, ibig bang sabihin ay iisa ang pumatay kay Mommy sa pumapatay sa mga babae sa Luxvard? At kung iisa ang gumuhit ng mga pangil na iyon, ibig bang sabihin ay hindi si Mommy ang may gawa ng pangil sa sahig? I was in the middle of thinking when the agency called me. Napakunot-noo na lamang ako habang inaabot ang selpon ko sa mesa. Alas-otso na ng gabi. Bakit kaya sila napatawag? "Hello po?" "Margot, are you there?" tanong sa kabilang linya. "Yes po. Bakit po? "Good. We need you here. Emergency lang, kulang tayo ng tauhan ngayon. Will you come here?" "Ah, sige po. Will arrive there in twenty minutes po," I said with no hesitation. Nagbihis na nga ako, saka mabilis na nagtungo sa agency. Mabuti na lamang at gabi na, kaya walang masyadong sasakyan. Wala pang ilang minuto ay nakarating na ako rito. Sumabak agad ako sa trabaho dahil marami palang incoming and outgoing calls galling sa mga customer namin. Unfortunately, I couldn't focus well on my work because I was still thinking of the university's issue. Kung may kausap man akong customer, maiinit naman ang mga ulo, kaya pati ako ay naaaburido. For how many weeks of working in this agency, I've already encountered different kinds of clients. May mga maaayos namang kausap, pero karamihan ay masungit at mabilis maubusan ng pasensya. Kaya kahit na maraming gumugulo saakin isipan, ginagawa ko pa rin lahat ng makakaya ko. Isa pa, trabaho ko ang nakasalalay rito; dito na lamang ako humuhugot ng pinansiyal na pangangailangan. "Hello, Aces, Inc. Margot speaking. How can I help you?" Naghintay ako ng sagot sa kabilang linya, ngunit wala akong nahintay. Siguro ay hindi ako narinig ng customer, kaya inulit kong muli ang sinabi ko. But then again, there was a long silence. Halos maubos na nga ang pasensya ko sa huli kong nakausap dahil sobrang hirap nitong kausapin, pati ba naman dito sa sumunod? Ano bang mali? "Hello, Aces, Inc. Margot speaking. How can I help you?" I repeated for the third time around. "Hi, you still can remember me?" Unang bigkas pa lamang nito sa salita ay kinilabutan na ako. The voice was familiar to me. Kinakabahan man ay ginawa ko pa ring magsalita nang normal. "Pardon, Sir? How can I help you?" lunok ko. There was a soft chuckle. "Help me live again, freely..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD