“KAPAG SINASABI mo na hindi ka aalis, kabaligtaran pa rin ang nangyayari. Alam mo, Kenzie, mas okay pa na sabihin mo sa umaga pa lang na aalis ka. Malay mo, hindi talaga matuloy pagdating ng hapon.” Nagpupuyos na naman ang kalooban ni Karizza dahil heto at paalis na naman ang asawa niyang mukhang walang pahinga sa trabaho. Napako na naman ang sinasabi nito tuwing umaga. “At saka, hapon na, kailangan mo pa talagang umalis?” “Importante ‘yon, Karizza.” Mas importante ba sa akin, Zi? gusto sana niyang isatinig. Siguro nga, mas importante ang pupuntahan nito kaysa sa kaniya. “Ayaw ko ring mangako na dito ako mag-di-dinner. Para hindi ka maghintay.” Nag-iwas siya ng mukha nang akmang hahalikan siya ni Zi sa kaniyang labi. “Umalis ka na. Ingat na lang. Tutal, hindi ka naman mapipigilan n