NANGHIHINA ang pakiramdam ni Karizza nang muli siyang magkaroon nang malay. Pipilitin sana niyang bumangon nang mayroong pumigil sa kaniyang braso. Nang magbaling siya ng tingin ay nakita niya ang kaniyang asawa na si Zi. Nakaupo ito sa may tabi niya habang ang likod ay nakasandal sa may headboard ng kama nila, may nakalagay lang na unan sa may likuran nito. “‘Wag mong piliting bumangon,” ani Zi na may tinawagan sa telepono. “Makikihanda na ng almusal namin ng asawa ko. Hmm. Makikidala dito sa silid namin.” Hindi pa rin ba nag-aalmusal si Zi? Nang magbaling ito ng tingin sa kaniya ay ewan ba at naiilang na nagbawi siya ng kaniyang tingin. “Hindi ka nag-dinner kagabi,” wika pa nito. Alam na rin pala nito. Huminga siya nang malalim. “Nawalan ako ng ganang kumain kagabi,” amin niya rito