ABOT LANGIT ang kabog sa dibdib ni Karizza nang kalabitin niya ang trigger ng hawak niyang baril. Pikit na pikit pa ang kaniyang mga mata. Kaya naman matapos magpaputok ay unti-unti pa niyang iminulat ang mga iyon. Pati paghinga niya ay sandali pa niyang napigilan. “N-natamaan ba?” ani Karizza nang makabawi. Napatawa naman si Zi sa kaniyang likuran. “Sablay. Imulat mo kasi ‘yang mata mo at ‘wag mong ipikit. Paano mo makikita ang kalaban o ang target mo kung pikit na pikit ‘yang mga mata mo?” Nasa isang malaking shooting range sila ni Zi ng araw na iyon. Na anito ay pag-aari nito. Private iyon at isa sa pinakamalaking shooting range sa Pilipinas. Ang asawa lang dapat niya ang pupunta roon nang araw na iyon, kung bakit kailangan pa siya nitong isama roon. Heto nga at halos mangatog ang k