Chapter 4

1321 Words
Nagising ako na masakit ang ulo ko. Tatayo na sana ako nang biglang bumalik sa alaala ko ang malambot na mga labi ni Chloe. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya. Baka magalit s'ya sa akin at kung ano pa ang isipin nito. May kung ano sa bahagi ng aking puso ang nasasaktan kapag nakita kong lumuluha si Chloe. Bumalik sa alaala ko ang nangyari noong highschool kami. Kahit ngayon sariwa pa rin sa isip ko ang mga pangakong binitiwan ko sa kanya, na kahit kaylan hindi na mangyayari. Bata palang kami alam kong mahalaga na si Chloe sa akin. Pero nag aalangan ako dahil hindi ko gustong masira ang kong anong meron kami ni Chloe. Nang napagtanto ko na lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. Kaya nag ipon ako nang lakas ng loob para ipagtapat sa kanya ang aking naramdaman. Pero bigo ako dahil may na una na pala sa akin. Nang makarating ako sa tambayan namin nakita ko si Chloe at kasama n'ya si Nolly kita sa mukha nila na masaya silang dalawa. Hindi lingin sa kaalaman ko na matagal ng may pagtingin si Nolly kay Chloe. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso nang masilayan silang dalawa na masayang magkasama. Simula ng araw nayon tumatak sa isip ko ang mga binitiwang salita ni Chloe kay Nolly, na kinawasak ng aking puso. "Nagpapasalamat ako na nakilala kita at sa pagpapahalaga sa ating pinagsamahan mahal rin kita." hindi kuna pinatapos ang sasabihin ni Chloe at umalis na ako. Sapat na sa akin ang aking narinig. Kaya ng makapagtapos kami ng highschool pumunta agad ako ng maynila para doon mag aral at para unti-utin makalimutan ko ang pagtingin ko kay Chloe. Sa umpisa mahirap. Pero kinaya ko binaling ko sa iba ang pagtingin ko pero iba si Chloe kay hirap n'yang kalimutan. Paiba-iba ako ng babae para lalong mawala si Chloe sa aking isipan. Noong una sa bawat paghalik ko sa aking mga babae ang mukha ni chloe ang aking nasisilayan. Hanggang nag cross ang landas namin ni Ana. Sa umpisa parang magkapareho sila ni Chloe kaya lalo akong nahulog sa kanya dahil na rin siguro na magkatulad silang kulot ang buhok. Maganda at mabait naman si Ana. Pero nang naging kami doon ko nalaman na ang layo nilang dalawa ni Chloe. Pero dahil na rin kay Ana nakalimutan ko ang pagtingin ko kay Chloe. Naging masaya rin ang dalawang taon namin ni Ana. Hanggang sa para nag-iba si Ana, hindi na s'ya ang dating Ana na nakilala ko. Siguro dahil isa na itong sikat na model at ibat-ibang tao ang nakakasama n'ya. Nang maka pasok s'ya sa isang sikat na kompanya parang nawalan na ito ng oras sa akin at parang nag iba s'ya. Shit! Ang gulo ng isipan ko. Nagbalik sa isipan ko ang nangyari ka gabe. Bumabalik sa balintataw ko ang mapula at malambot na labi ni Chloe. May kung ano akong naramdaman sa bawat pag halik ko sa kanya. "Wala ito! nagugulohan lang ako dahil nag away kami ni Ana. Mas matimbang pa rin si Ana sa akin." sabi ko sa aking sarili. Napahilamos ko nalang ang dalawang kamay ko sa mukha ko at tumayo na sa aking kama. Nang matapos na akong mag agahan biglang tumunog ang aking cellphone at lumabas agad ang pangalan ni Ana sa aking phone screen. "Hello." walang gana kong sagot. "Babe I'm sorry wag kanang magtampo kung hindi kita sinipot kahapon alam mo naman na busy ako dahil kakasign ko palang ng contact sa kanila." sabi nito sa malambing na tono. "Ok!" ikling sagot ko. "Wag na magalit babe babawi ako ngayon sayo promise. Papunta na ako ngayon d'yan." "Wag kana- " hindi kona natapos ang sasabihin ko ng pinutol na n'ya ang tawag. Bumuntong hininga nalang ako. Magagalit naman nito si Chloe kapag hindi ako nakapunta sa hacienda. --------------- Madaling araw palang gising na kami dahil sa ikalawang batch ng harvest namin. Kahit pagod at inaantok . Pinilit kong magising. Tumulong na rin ako sa mga gawin sa hacienda at ang walang hiyang si Gasper simula kahapon hindi pa nakapunta dito. Kasama n'ya naman ang kasintahan n'yang hipon! Nang bandang alas otso huminto na kami sa aming ginagawa at bumalik sa opisina para mag agahan. Malayo palang kami tanaw na namin ang paghahanda nila ng agahan. Nang makababa na ako sinalubong agad ako ni kim isa sa mga kaibigan ko at secretary ko na rin. "Naku friend pinaghandaan kayo ni siñorito Gasper ng agahan hali kana bilis ang sasarap." Excited na basi ni kim habang hila-hila n'ya ako. Bumungad sa aking ang pitong mesa, boodle fight ang istelo ng pagkakainan namin. Magkasama kami nina Gasper, mang Jose, Jude, Kim, at ang ilang kasama namin sa loob ng opisina. Panay ang tanong sa akin ni Gasper pero indi ko lang ito pinansin at tanging si Kim nalang ang sumasagot sa bawat katanungan ni Gasper. Wala akong samod para kausapin s'ya. Manigas s'ya. Ako na ang nagpapakahirap dito ay s'ya nakikipaglandi-an ulit. Matapos niyang ikalat ang lahat ng mga files namin sa opisina dahil sa lintik na hipon na yun. Ganon-ganon nalang at ok na sila! Pinagmukha pa n'ya akong tanga may pa halik-halik pa s'yang nalalaman. Ako naman itong si tanga nagpakalunod naman sa halik na yun! Walang hiya talaga! Tinapos kona ang pagkain ko at mabilis na pumasok sa aking opisina para ayusin ang mga files na nagka disarranges "Tulungan na kita." "Wag na! kaya na namin. Makipaglandi-an ka nalang sa girlfriend mo!" naiirita kong sabi habang ang mga mata ko naka tuon pa rin sa mga papel na hawak ko. Rinig ko pa ang pag buntonghininga n'ya. "I'm sorry." sabi nito at tumungin ako sa kanya. " Sorry for what?" pag kukunwari kong tanong, gusto ko alamin kung para saan ang sorry n'ya o na alala kaya n'ya ang paghalik n'ya sa akin kaya nag so-sorry s'ya. "Sorry dahil sa ginawa kong pag sira ng mga gamit dito." sabi nito. "Yun lang?" naiirita kong tanong. "Bakit? may ginawa pa ba ako bukod doon?" tanong nito na lalong kinainisan ko. "Lumabas kana bago pa kita ipagtulakan na lumabas!" sabi ko sa galit na tono. "C-chl__" "Labas!!" hindi na n'ya natapos ang sasabihin n'ya ng sigawan ko s'ya. Mag sasalita pa sana s'ya pero tumayo na ako at tinulak-tulak s'ya palabas. "Pwede ba Gasper lumabas kana dahil pagod na pagod na ako dumadagdag kapa!" sigaw ko sa kanya. Lumabas na rin s'ya pero bago s'ya lumabas tumitig pa ito sa labi ko. Alam ko sa labi ko s'ya nakatingin dahil nakatitig ako sa mga mata n'ya. Mabilis ko nang ni lock ang pinto ng opisina ko nang makalabas na ito. Naupo ako sa aking upuan kasabay nang pagpatak ng mga luha ko sa aking mga mata. Ang mga halik na yun! ay wala lang sa kanya. Hindi n'ya na alala. "Sino ka naman Chloe para ma alala n'ya. Ni-hindi nga s'ya pumunta dito kahapon na alam n'yang kailangan mo nang tulong." sabi ng kabilang utak ko. Nagpunas na rin ako ng mga luha ko sabay sabi sa sarili ko. "Kalimutan mo na yun! Nagsayang ka lang ng mga luha mo. Hindi ka naman mahalaga para sa kanya para ma alala n'ya ang halik na yun." sabi ng kabilang utak ko. "Pero para sa akin mahalaga ang halik na yun. Iwan ko pero ramdam ko sa mga halik na yun ang pagkasabik." sabi naman ng isang utak ko. "Naku Chloe ayan ka naman nag o-overthink ka nanaman. Yan tuloy lalo kang nasasaktan." sabi ko sa sarili ko. Parang baliw na ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko. "Ba't ba nakakabaliw ka Gasper!" mahinang sigaw ko sabay hampas ng isang kamay ko sa mesa. Napa-angat ko agad ang kamay ko na hinampas ko nang nakaramdam ako nang sakit. "Ang tanga-tanga mo talaga Chloe!" sabi ko sabay tapik ng mahina ng dalawang kamay ko sa aking pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD